Chapter 2: Starting to hate Mr. Personality

121 0 0
                                    

Status: 2nd year highschool, 14 years old, single

Hindi naman kaila sa inyo na nambasted ako last year di ba? Alam nyo ba kung anong nangyari sa aking pag-asang iintayin nya ako na maging handang pumasok sa isang relasyon?

...wala.

Isang linggo lang ang lumipas, nanligaw na agad sya sa iba. Ayos lang. Bata pa naman ako, katorse pa lang. Marami pa akong ibang lalaking makikilala.

Kaso bakit ba sa kaibigan ko pa sya nanligaw? Hindi kaya nananadya 'to? Baka naman hindi. Wala naman kasing nakakaalam na nanligaw sya sa'kin kundi ako at sya lang.

Pero ngayon, napaka-vocal nya sa feelings nya. Alam ng buong campus na nililigawan nya si Princess. Nakakainggit.

Buti na lang at hindi kami bestfriends ni Princess, kundi...

Kundi isusumpa ko talaga 'yang Xander na 'yan!!!

Kaasar. Parang napakabait kung titingnan mo lang. Pero dahil alam ko ang true colors nya, parang napapaplastican ako masyado. Bitter ba? Di naman. Asar lang kasi feeling gwapo.

He's just Mr. Personality 'cause he's so ugly!!!

---

"Czhellie, tara dun. Tingnan natin yung mga napa-squat sa labas ng room. Baka may gwapo."

"Ayoko. Kayo na lang."

"Dali na."

At hinila na nga ako ni Lei. Ang buong tropa kasi ng Babes eh nandun sa may corridor. Ako na lang daw ang kulang.

Nga pala, Babes ang tawag sa tropa namin kasi short for Babies daw. Bakit? Sabi nila, baby face daw kami. Hmmmp, if i know, immature lang kami kaya ganun ang tawag ng buong section 1 sa'min. We're only eight in the group. Ayoko nga sana sumama sa kanila kaso napilit ako ni Lei. Sya lang kasi ang close friend ko nung first year kaya pumayag na din ako.

"Tingnan nyo 'yun oh. Ang cute."

"Oo, ang cute nya talaga."

"Ayun. Ayun ang crush ko."

"Alin? Yung nakasuot pa ng footsock na orange?"

"Ay, ang pangit naman nun."

"Gwapo nga, mukha namang drug addict."

"Gwapoooooh?! Saang banda?!"

Ano ba 'tong mga kaibigan ko? Tama bang mag-boyhunting sa loob ng school? At yung mga napa-squat pa talaga ang trip nila ha.

Sabi na nga ba eh. B.I. 'tong mga 'to. Tsk.

[ B.I. = Bad Influence ]

Kapag nakita kami ng adviser namin na nakatunganga sa corridor, mabubungangaan na naman kami nun.

"Babalik na ako sa room," bulong ko kay Lei.

"Wait. Wait," sabi nya.

"Oh?"

"Hinihingi nun ang number mo."

"Sino?"

"Jake daw."

"Ayoko. Sabihin mo, wala akong cellphone."

Jake? Ang gwapo ng pangalan ah. Pero, for sure, itsura pa 'yan. Tiningnan ko naman lahat ng tao dun sa pinag-boy huntingan nila pero walang gwapo.

Bumalik na lang ako sa classroom at nakipagkwentuhan kay Princess. Ah, hindi nga pala kasali sa Babes si Princess. May sarili silang group - Royal Clan. Eh pano ba namang hindi Royal Clan ang itatawag sa kanila? Bukod sa they're all pretty and handsome, their names are Princess, Duke, Czarina, Queenie, and King Henry. Oh di ba? Bagay talaga sa kanila ang tawag na Royal Clan.

An eN-Bi-eS-Bi's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon