Status: 4th year college, still 19 years old, happy
Naging malungkot man ako nang mga nakaraang araw, dapat maging masaya ako ngayon dahil sa tinagal-tagal ng paghihintay, dumating na din sa wakas ang araw na ito.
♪ Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow
One step closer ♪
Suot ko ang isang puting gown habang ako'y mag-isang naglalakad sa aisle ng simbahan. Bahagya akong nakangiti, hawak ko ang isang pumpon ng puting rosas. Pilit ko mang itago ang lungkot, kaba at saya na aking nadarama, ito'y batid kong bakas pa rin sa aking mukhang natatakpan ng makapal na make-up.
♪ I have died everyday
waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more ♪
Nang tumingin ko sa aking paligid, nakita ko ang mga tao na nakamasid sa akin. Bawat galaw ko'y kanilang pinagmamasdan. Hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam.
♪ Time stands still
beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything
Take away
What's standing in front of me
Every breath,
Every hour has come to this
One step closer ♪
Walang dudang masaya ako. Pero hindi ko alam kung bakit ganito. May bahagi ng utak ko na nagsasabing dapat akong umiyak, na dapat akong maging malungkot.
♪ I have died everyday
Waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more ♪
Dati, nagtataka ako kung bakit naiyak ang mga tao kapag may ikinakasal, lalo na yung bride. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam. Alam ko na ang dahilan.
♪ And all along I believed
I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more ♪
Na hindi pala naiyak ang bride dahil ayaw nya sa groom. Naiyak sya dahil alam nyang matapos ang seremonyang ito, magbabago na ang buhay nya.
BINABASA MO ANG
An eN-Bi-eS-Bi's Lovelife
Teen FictionHindi daw kumpleto ang pagiging teenager kapag hindi ka nagka-boyfriend o girlfriend. Totoo ba 'yun? Eh ako kaya, makumpleto kaya ang teenage life ko? Sinong kukumpleto nito?