Status: 2nd year college, 18 years old, waiting
"Happy birthday Sab!" Sabay-sabay naming binati si Sabrina. 17th birthday nya ngayon kaya hindi masyadong bongga. Konting handa at konting bisita lang.
Last week ang debut ko. Hindi na ako naghanda. Ipina-cancel ko na ang magarbong birthday celebration na ipinangako ni Mother. Una, we're not rich enough. Baka mamulubi pa kami pag ipinaghanda nila ako. Pangalawa, wala akong magiging escort. Ayoko nga na si Papa lang ang escort ko. Ipinangako ko na sa sarili ko years ago na hindi ako magse-celebrate ng debut kapag wala akong boyfriend. Eh nagkataon namang walang nagtangkang mag-apply para maging boyfriend ko, kaya swerte lang nina Mother at Papa, hindi na sila gumastos.
"Thank you sa inyong lahat," sabi ni Sabrina habang busy ako sa pagkuha ng pictures. These scenes, these should be captured. Teka nga, kelan pa ako nahilig sa pagkuha ng pictures? Ahm, ngayon lang siguro.
---
"Czhellie, thank you ha. Kung hindi mo siguro ako kinausap dati, malamang nakabaon na ako sa lupa ngayon," sabi nya sa'kin.
"Ang OA mo naman kung makapag-thankyou. Nung February pa yun ah. December na ngayon neng. Everytime na lang na nakikita mo ako, yan ang sinasabi mo."
"Basta, thank you."
Hindi ko man namalayan, nasagip ko pala sya sa kamatayan. Imagine, nakinig lang ako tapos nagbigay ng konting payo, hero na agad? Ang galing 'no. Haha.
Ayun. Happy Independence Day sa kanya. A day before valentines, nagbreak sila. Ang sakit di ba? Para tuloy na-realize ko na mas masaya maging NBSB kesa nagka-boyfriend ka nga, broken ka naman.
---
Si Sabrina, girlfriend ko. Oy ah, wag malisyosa. Girlfriend as in babaeng kaibigan. Since si Lei ay pumasok sa ibang school, bihira na kaming magkita at dahil bihira na kaming magkita, pinalitan ko na sya. Pero syempre joke lang yun. Hindi ko pinalitan si Lei. Friend ko pa rin naman sya at ang Babes, kaso college na kami. Kailangan may bagong friends. At isa sa new friends ko si Sabrina.
Halos lahat ng classmates namin, tinatawag syang Sab. Pero ako, Sabrina ang tawag ko sa kanya. Ewan ko. Di ko lang sya feel tawagin Sab. Siguro, kapag galit ako sa kanya, Sab ang itatawag ko sa kanya.
Para syang si Princess, close kami pero hindi kami magka-tropa. Para din syang si Lei, hindi kami magkatulad ng ugali pero magkasundo kami.
---
"Hi!" bati sa'kin ng isang unknown creature habang busy pa rin ako sa pagkuha ng pictures dito sa birthday celebration ni Sabrina. Feeling photographer lang. Hihihi.
"Hello," sumagot naman ako kahit hindi ko sya tinitingnan. Siguro si Ian lang 'to. Si Ian na 7 years old na kapatid ni Sabrina. Crush nya daw ako. Badtrip 'no? May magkakagusto na lang sa'kin, yung mas bata pa ng 11 years.
"You're good in taking pictures," sabi nya. Teka, at kelan pa natutong mag-english si Ian? Siguro binigyan sya ng script ni Sabrina.
"Thanks."
"May boyfriend ka ba?" At talaga namang napaka-usisero ng batang 'to. Haaay. Kalma lang Czhellie G. Atienza. Sagutin mo lang ang mga tanong nya, mapapagod din yan.
"Wala pa. Pero naghihintay ako na dumating ang aking prince charming."
"Naniniwala ka pa rin pala sa fairy tales?"
"Syempre naman."
"Anong gusto mo sa lalaki?"
"Gwapo. Magaling kumanta at maggitara. Matangkad. Kaya ikaw Ian, magpatangkad ka. Every girl wants tall guys." At nang humarap ako sa kanya, nagulat na lang ako nang makita ko si...
"It's Miko."
"Oh, I'm sorry."
"Sino si Ian?"
"Ah, seven-year-old brother ni Sabrina."
Si Miko pala. Sya ang classmate ko nung elementary na laging itinutukso sa'kin. Pareho kasi kaming maliit. Actually, 3 inches lang ang tangkad nya sa'kin noon at hanggang ngayon.
"Di mo man lang ako kakamustahin matapos mo akong laitin?"
"Ano? Di ko naman alam. Sorry na."
"Ok. Apology accepted."
"Kamusta?"
"Eto gwapo pa rin. Haha. Pero hindi ako magaling kumanta. Tungkol naman sa paggigitara, pwede naman yung pag-aralan eh. Kaso yung height, wala na yung remedyo."
"Whatever!"
"Grabe ka. Yan lang ang isasagot mo sa'kin? Ang haba ng sinabi ko tapos yun lang? Hindi mo ba ako na-miss?"
"Hindi."
"Talaga? Kung sa bagay, hindi naman ako importante sa buhay mo."
"Ano mo nga pala si Sabrina?"
"Ex-girlfriend ng pinsan ko."
"Ha? Eh bakit ka nandito? Invited ka ba? Gatecrasher ka ano?!"
"Ikaw naman. Masyado kang protective kay Sab. Andito lang ako para ibigay itong regalo ni pinsan kay Sab."
"Siguraduhin mo lang na hindi yan bomba kundi ibabaon kita sa lupa ng buhay!"
"Oo naman. Hindi naman ako suicide bomber. At isa pa, ayaw ko pang mamatay dahil hindi ko pa nasasabi sa'yong gusto kita."
================================================================================
Vote if you like the story or just leave a comment.
Thanks for reading.
(n_n)
BINABASA MO ANG
An eN-Bi-eS-Bi's Lovelife
Roman pour AdolescentsHindi daw kumpleto ang pagiging teenager kapag hindi ka nagka-boyfriend o girlfriend. Totoo ba 'yun? Eh ako kaya, makumpleto kaya ang teenage life ko? Sinong kukumpleto nito?