Chapter 8: Last year na!!!

41 0 0
                                    

Status: 3rd year college, turning 19, searching

Bukas na ang magsisimula ang huling taon ng pagiging teenager ko.

Gusto ko sanang ma-excite dahil birthday ko bukas. Pero naiinis ako kasi magna-19 na ako!!!

Oh em... I mean OMG!

Last year na? wala pa rin akong boyfriend??? Puro bulok na love story lang ang meron ako. Kung hindi ilusyon, wasak love story naman ang meron ako.

Sanay naman ako na walang boyfriend, walang nag-aalala, walang nagtetext, walang tumatawag, walang nangangamusta...

...pero nararamdaman ko talaga na tumatakbo ang oras at naiiwan na ako.

Sa tropa namin, dalawa na lang kaming hindi man lang nakaranas na magka-boyfriend. Ako at si Janna lang. Eh anhin ko naman yun, tomboyin naman si Janna. Eh ako, babaeng babae. Hindi man ako nagpapalda o nagmi-miniskirt, alam ng lahat na babae ako. No identity crisis at all. Pero bakit ganito???

"Czhellie, are you okay?"

"Ah, oo. Okay ako. Ano na nga ba yung pinag-uusapan natin?"

"Sabi ko, ang cute mo last week. Sana lagi kang nag-aayos para laging pretty."

So, what are you saying? Na hindi ako maganda pag hindi nakaayos? Haaay. Sige na nga, aaminin ko na. Pangit nga talaga ako. Wala ngang nagkakainteres sa'kin di ba? Ha-ha-ha-ha!!!

"Ah, sige. bayaan mo, susubukan kong mag-ayos."

"Nga pala, na-upload ko na sa youtube yung performance nyo."

"What?! Bakit mo ini-upload?"

"Gusto ng mga kagroup mo eh."

OMG! Baka madiscover pa ako at maging artista later on. Hahaha.  Ilusyon na naman. Tama na nga ang kalokohan, pupuntahan ko muna si Sabrina. Baka maisipan pa nun mag-attempt ng suicide dahil hindi ko tinulungan sa assignment ni Ian. Haha.

---

"Czhellie, kilala mo si Miko di ba?" tanong ni Sabrina.

"Oo. Iniwan na nya ako."

"Ano?"

"Ah, wala. Sabi ko, si Miko ay may girlfriend na."

"Bakit alam mo?"

"Bakit? Hindi mo alam?"

"Of course, I know. Ang ganda nung girl ano?"

"Si Michelle? Oo naman. Maganda talaga sya. Mahina nga lang ang utak."

"You mean brainless?"

"Hindi. Hindi naman. Pero isipin mo, binasted nya lang si Miggy tapos si Miko ang sinagot nya. Di hamak naman na mas gwapo at talented si Miggy. Matangkad pa."

"Sino si Miggy?"

"Schoolmate ko sina Michelle at Miggy nung highschool. Classmate ko naman si Miko nung elementary."

"Ah... Mi love triangle? Miko-Michelle-Miggy?"

"Haay naku Sabrina. Kesa iniisip mo yang 'Mi love triangle' na sinasabi mo, magfocus ka na lang Pascal's triangle na yan. Elementary pa lang pinag-aaralan na yan. College na tayo pero hindi mo pa rin gets?!"

"Sabi ko kasi sa'yo, pumunta ka na lang sa bahay para ikaw na mismo ang magtuturo kay Ian."

"Ayoko nga. Baka ma-develop pa ako dun sa kapatid mo."

"Grabe ka ha. Child abuse yon! Ang bata pa ni Ian."

"Kaya nga! Intindihin mo na 'to. Puro ka kasi tsismis eh."

"Relax. Maiintindihan ko din yan."

---

"Czhellie?"

"Miggy?"

"Nice to see you here. Kaibigan ka ni Princess di ba?"

"Oo. Kelan ka pa dito?"

"Nung June pa. Gusto mo daw magpaturo maggitara?"

"Ha?"

Teka, kelan pa ako nagkainteres sa gitara? Oo, gusto sa mga magaling maggitara pero ayaw ko sa gitara.

"Sabi ni Princess."

"Ay...oo... Oo nga. Nabanggit ko nga yun kay Princess."

"Pupuntahan na lang kita sa inyo kapag weekends."

Really? Wow. Nakakatouch naman. Sana lang matuloy. Kapag kasi mga ganitong umpisa ng love story, laging nauudlot kapag ako ang bida.

================================================================================

Vote if you like the story or just leave a comment.

Thanks for reading.

(n_n)

An eN-Bi-eS-Bi's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon