Chapter Eighteen

758 19 8
                                    

"Can I sleep here?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Can I sleep here?"

Natigalgal siya sa biglaan nitong sinabi. Napaawang ang bibig niya at hindi nakapagsalita.

Nanatili ang tingin sa kanya ni Lucky habang sinasara nito ang pintuan.

Nasundan niya ito nang tingin habang dire-diretso itong nagtungo sa kusina. Napansin nito ang cordon blue na niluto ni Liam at Melanie. Sumama agad ang mukha nito. binuksan naman nito ang ref at basta na lamang kinuha ang oatmeal doon.

"T-Teka,Bakit? Bakit dito ka matutulog?" Sa wakas ay nakapagtanong siya.

Hindi siya nito pinansin. Bagkus ay sinalinan nito ng oatmeal ang isang bowl pagkatapos ay nilagyan ng mainit na tubig.

Napasimangot na siya dahil kanina pa siya nito hindi sinasagot. Kaya naman lumapit na siya rito.

"Bakit ka nga kasi nandito? Hindi ba't naroon si Helena? Bakit mo iniwan ang girlfriend mo? Baliw kaba?" Sunod sunod niyang litanya rito. Masama ang tingin.

Doon sinalubong ni Lucky ang tingin niya. Agad siyang napalunok dahil sa talim ng tingin nito.

"Bakit nandito si Liam kanina?" Pag iiba nito ng usapan.

Napanganga siya. Hindi nito sinagot ang tanong niya!

"Sagutin mo muna ang tanong ko!" Inis niya ng sambit.

"Answer me first, Twilight."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ako ang unang nagtanong, Lucky."

Ngumisi ito. "Nonsense question."

"What?"

"Nonsense," Huminga ito ng malalim. "A waste of time."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Hindi mapaniwala.

Nonsense? A waste of time? Anong nonsense at waste of time sa tanong niya?!

Sinamaan niya ito ng tingin. Ayaw ng sumagot pa dahil baka magtalo lang silang dalawa. Nginisihan siya nito saka naupo sa stoll habang kumakain ng oatmeal.

"This taste awful." Saad nito sabay tingin sa brand ng oatmeal na kinakain. Nakangiwi ito at nakakunot ang noo. Mukhang hindi talaga nagustuhan ang lasa. "Don't buy this next time."

Sa inis ay hinablot niya ang bag ng oatmeal saka pinanlisikan ng mata ang binata. "I'll buy whatever I want."

Lucky smirked at her. "Alright." Saad lang nito saka tumayo na. Hindi inubos ang kinakain. Naningkit ang mga mata niya dahil do'n.

Hindi inubos ang pagkain! Tsk!

Naghugas ito ng kamay saka binuksan buksan ang mga hanging cabinet. Nang makakita ito ng towel doon at un used toothbrush ay kinuha nito iyon.

"I'll use this." Paalam nito pero agad nang ginamit ang toothbrush.

Napailing nalang siya habang masama ang tingin sa malapad na likuran ni Lucky.

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon