Chapter Eight

710 14 0
                                    

"I TOLD you, Twilight

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I TOLD you, Twilight. I don't like that guy." Madiin na ani ng daddy niya.

Nasa living room sila lahat ngayon at kanina pa siya sinesermonan.

"Honey, Twilight's safe. Lucky saved her."

"Still," matalim siya nitong tinignan. Napabuntong hininga nalang siya. Napasulyap siya kay Lucky na prenteng nagkakape sa kabilang sofa.

Ni wala man lang reaksyon!

"Pag nakita ko ulit ang batang 'yon ay hindi na ako magdadalawang isip na patamaan siya."

Doon na siya napabuga ng marahan. "Dad? It's really nothing. Pinapalaki niyo lang ang nangyari."

Tinaliman siya nito ng tingin. "Watch your words, young lady."

"Dad, this is my problem. Alam kong nag alala kayo. Ayaw niyo kay Liam. It's fine with me. I don't like him either. But dad, wag niyo ng palalain please."

"Bakit mo nga ba ang kasama ang batang iyon?" Napairap nalang siya. Paulit ulit ang sagutan nila. And she can't take it anymore!

"I told you! Pinuntahan niya ako sa hospital. He asked me out, but I turned down. Pero mapilit siya. Kaya pinabigyan ko na. Para sana sabihin sa kanya na wala siyang mapapala saakin, at ibaling nalang ang atensyon sa iba. Pero sadly, hindi ko iyon nasabi dahil sa nangyari." Sumulyap siya kay Lucky pagkatapos ay bumaling ulit sa daddy niya. "C'mon! He's a kid, dad. He's just playing around, flirting around! Kaya wag niyo ng palalain 'to, please?"

Napahinga nalang ng malalim ang daddy niya. Halata parin ang galit nito.

Though she understand her dad. Protective ito sa kanya noon pa man. Kay Lucky lang talaga ito may tiwala pagdating sa kanya. Kahit noong nasa Maynila siya ay bantay sarado siya nito. She honestly doesn't mind.

But now? It's getting too frustrating.

She got up. "I'm sorry, Dad, mom." Iyon nalang ang nasabi niya saka na umakyat sa kwarto niya.

She's just too tired. Hindi pa siya nakakabawi ng pahinga at heto nanaman ang nangyari.

Mabilis siyang nahiga sa kama. Napahilamos sa mukha dahil sa pagod na nararamdaman. Pumikit siya at sinubukang ikalma ang sarili.

Hindi pa man siya tuluyang kumakalma ay nakarinig siya ng katok sa pintuan. Napabaling siya doon. Since hindi sarado ang pinto niya ay bumukas iyon at iniluwa si Lucky.

Nanlaki ang mga mata niya ng dire-diretso itong pumasok.

"Lucky, what are you--"

But he cut her off. "Your dad told me to comfort you." saad nito. "He said sorry."

Napahinga siya ng malalim saka napatayo bigla. Kinakabahan man ay nanatili siyang kalmado.

My god! Papatayin ata ako ni dad sa kaba!

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon