Chapter Twenty

894 20 9
                                    

NAKATINGIN sa kanilang dalawa ngayon ang mommy't daddy niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKATINGIN sa kanilang dalawa ngayon ang mommy't daddy niya. Pareho itong nanlalaki ang mga mata pero makikita ang galak sa mukha.

Magkahawak kamay sila ni Lucky na pumunta sa pamilya niya. Kinakabahan man ay masaya siya. Alam niyang hindi ito tututol sa sasabihin nila.

Hindi pa man din sila nagsasalita ni Lucky ay bigla nang humagulgol ng iyak ang mommy niya. Inalo naman ito agad ng dad niya.

"M-Mom..dad." Aniya.

"My daughter! Oh my god!" Sigaw nito saka patuloy na umiyak. Nagyakapan pa ang mga ito.

Nagkatinginan silang dalawa ni Lucky. Hindi mababakas rito ang tensyon. Mukhang kompyansado sa sarili.

"Don Zeco, Donya Ophelia," panimula ni Lucky. Napatingala ulit siya rito. Huminga ito ng malalim bago dinugtungan ang sasabihin. "Your daughter and I--"

"They're finally together!" Sigaw ng mommy niya bigla. Ito na ang nagtuloy sa sasabihin sana ng nobyo!

"Ssssh, calm down, honey."

"How can I?!"

"We already knew this was gonna happen, Ophelia."

"Yes.."

Napapikit nalang siya. Yes. Alam pala ng mga magulang niya noon pa man na may gusto na sa kanya si Lucky. Kaya pala gustong gusto ng mga ito ang binata! Bukod sa responsable ito, matalino, madiskarte, ay alam nilang mahal na siya nito noon pa man!

Napailing nalang tuloy siya. Siya ang nahihiya para sa pamilya. But at the same time, hindi niya maiwasang matuwa. It touches her heart seeing her parents are happy for her. For them.

"I wanna marry her." Usal bigla ni Lucky!

Nagulat siya doon. Hindi iyon inaasahan. Ang alam niya lang ay magpapakilala ito bilang nobyo niya. Aamin sa relasyon nila.

Pero hindi..

Napakurap siya dahil doon.

He wants to marry her! Oh my god!

"Y-You what?" Biglang tanong ng dad niya.

"I'll marry your daughter, sir. I already bought an Island few years ago. Nakapangalan po iyon saamin ni Twilight."

"Oh my god!" Ang mommy niya nanaman.

Wait..Island?

Napapakurap ang daddy niya sa narinig. "P-Pinaghandaan mo na talaga ito, hijo?"

"Opo. Noon pa man ay ninais ko ng maging akin ang anak niyo." Sumulyap ito sa kanya. Namula naman agad siya. Mas napahigpit ang kapit niya sa braso nito.

Hindi niya na maintindihan ang nangyari. Nakita niya na lang na manghang mangha na nakatingin kay Lucky ang daddy niya.

"Mukhang hindi ako nagkamali na gustuhin ka para sa anak ko." Her dad tap Lucky's shoulder. Nakangiti na ito habang naluluha luha. "Go on. Marry our princess, and make her your queen, Hoven."

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon