Chapter One

1.8K 21 0
                                    

Simula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula




"Hey, Lucky!"

Napalingon siya sa magandang babae na tumawag sa pangalan niya. Tumatakbo ito habang umaalon ang maganda at mahaba nitong buhok. Nakikita niya mula sa kinatatayuan niya ang malapad na ngiti ng dalaga habang nasisinagan ito ng araw.

"Twilight.." Ani niya sa pangalan nito. Nginitian niya ang dalaga ng makalapit ito sa kanya.

Agad itong yumapos sa braso niya saka ngiting ngiting tumingala sa kanya. "I got the highest score in my exam!" Pumalakpak ito dahil sa tuwa. "Thanks to my bestfriend!"

Ngumiti siya rito saka ginulo ang buhok nito. Nakita niya naman kung paanong napalabi ang dalaga sa ginawa niyang iyon. "No. Kaya ka nakakuha ng mataas na score dahil pursigido ka. Hindi dahil tinuruan kita."

"Kahit na!"

Napailing nalang siya rito. Naglakad sila sa pathwalk ng eskwelahan habang ang kamay ni Twilight ay nasa braso niya parin. Wala lang naman iyon para sa dalaga dahil matalik silang magkaibigan.

They are bestfriends since birth.

But not for him.

He's secretly inlove with Twilight. Hindi niya alam kung papaanong nagsimula. Hindi niya alam kung bakit. Nagising nalang siya isang araw na hinahanap hanap niya na ito. Hinahanap hanap niya na ang mga ngiti at tawa nito.

He knew from the start that this is wrong. Makakasira ito sa pagkakaibigan nila. Maaring hindi na nila maibalik ang pagkakaibigan nila kapag nalaman ni Twilight ang sekreto niya.

Napalingon siya sa dalaga na may ngiti sa labi habang naglalakad parin sila. Nakababa ang tingin  niya rito dahil mas matangkad siya kay Twilight. Hanggang balikat niya lang ito. Sobrang aliwalas ng mukha nito na talaga namang mapapangiti ang sinumang taong makakakita.

Parang nakakawala ng problema.

"May isusuot kana ba mamaya ha, Lucky?" Ngiting tanong sa kanya ni Twilight. Nagtama ang mga paningin nila nang lumingon rin sa kanya ito dahilan para magkatinginan sila.

Napalunok siya sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Meron na." He tried to act normal and not bothered. Nag iwas agad siya ng tingin sa dalaga at tumingin nalang sa dinaraanan nila.

Grabe talaga ang epekto sa kanya ng babaeng ito.

"Hmmm.." Tumango tango ang katabi niyang may ngiti parin. Bumaling rin ito sa nilalakaran nila.

Napapikit siya. Kinalma ang sarili. Pakiramdam niya anumang oras ay mabibisto siya dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib niya.

"Hi, Twilight!"

Nabaling ang tingin nila sa grupo ng mga lalake na tumawag kay Twilight. There are four of them. Palapit ito sa gawi nila. Hindi nakatakas sa kanya ang mga bulungan nito. Alam niya ng pinag uusapan siya ng mga ito dahil kasama nanaman niya si Twilight. Alam naman ng lahat na bestfriends silang dalawa. Alam ng buong campus. Pero hindi sang ayon doon ang iba dahil sa estado nila.

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon