Chapter Fourteen

704 17 4
                                    

DUMAAN ang ilang araw at linggo na lagi siyang dumadalaw kay Lucky sa bahay nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DUMAAN ang ilang araw at linggo na lagi siyang dumadalaw kay Lucky sa bahay nito. Madalas na hindi niya ito nadadatnan doon kaya naman pumupunta siya kung nasaan ang binata.

Doon niya rin nalaman na marami pala talagang pag mamay ari si Lucky. Mayroon itong malawak na sakahan. Mayroon rin itong corn field at tubuhan. Isama na rin pati ang strawberry farm at iyong Flora Martin. Lahat iyon ay iniaangkat nito sa iba't ibang lugar. Madalas pa nga ay sa ibang bansa.

Kaya naman pala sobrang busy nito. Ngayon niya lang talaga iyon napatunayan. Hindi ito nauubusan ng mga gagawin. Magta-trabaho ito sa field pagkatapos ay trabaho rin ang inaatupag nito sa bahay.

Pero kahit ganoon, ay hindi ito nawawalan ng oras para mag exercise sa sarili nitong gym. Kagaya ngayon.

Tagaktak ang pawis nito habang seryosong tumatakbo sa threadmill. Naka puting sando lang ito at short. Bakat na bakat tuloy ang mga tinapay nito sa tiyan. Pati ang ma'muscle nitong mga braso ay hindi nakaligtas sa mata niya.

Habang siya ay nakasimangot sa isa mga bench rito sa gym. Paano ay kanina pa siya nito hindi pinapansin!

Kahit naman maganda ang tanawing nakikita niya, Mas gusto parin niya ang atensyon nito.

"Lucky, naririnig mo ba ako? Kanina pa ako salita ng salita dito 'oh." Pagpapaawa niya.

Mas sumama ang mukha niya dahil paano nga naman siya maririnig ng loko kung naka headphones ito? Hmp!

Mabuti nalang talaga at wala siyang trabaho ngayon. Sunod sunod kasi ang over time niya kaya naman binigyan siya ng rest day ni Dr. Emily.

Nakanguso siyang tumayo saka kumuha ng tuwalya at inumin. Pagkatapos ay humarap ulit siya sa gawi ni Lucky para lamang magulat dahil nasa likod niya na agad ito!

Nahampas niya bigla ang basa at matigas nitong dibdib! "Ba't kaba nanggugulat!"

Ngumisi lang naman ito saka kinuha ang tuwalya at inumin na hawak niya.

Napangiwi nalang siya habang nakikitang tinutungga ni Lucky ang tubig.

Sa nagdaang mga araw, nasanay nalang sa kanya ang binata. Hindi parin siya nito madalas pansinin pero hinahayaan nalang siya nito. Napagod nalang siguro sa kakulitan niya. Wala ng nagawa dahil para siyang tuko rito lagi. Dikit ng dikit.

"Pupunta kami ngayon sa Dela Paz. Sumama ka." Agad niyang tugon.

"Why? Kayo ang pupunta. Hindi ako."

Siniringan niya ito. "Kaya nga isinasama kita!"

Bagot siyang tinignan nito. Yumuko pa dahil sobrang baba niya. Hindi siya lalampas sa balikat ng binata! Paano'y six footer ang loko!

"What for?"

"Gusto lang kitang isama." Ngumuso siya. "Sige na. Nang marelax ka naman. Lagi kana lang trabaho."

"Same as you." Ngumisi ito.

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon