Chapter Thirteen

665 12 1
                                    

KINAUMAGAHAN ay hinatid niya sa airport sina Gael at ang iba pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINAUMAGAHAN ay hinatid niya sa airport sina Gael at ang iba pa. Naaalarma siya habang nakikitang hindi nag uusap si Yuuna at Gael. Iniisip niya na baka maging problema iyon sa trabaho ng dalawa.

Per knowing them, mga propesyonal naman ang mga ito. Alam niyang alam ng dalawa kung paano pag hiwalayan ang trabaho sa personal na buhay.

Hindi niya kailangang mag alala pa.

Nang makabalik siya sa bahay ay nagluto lang siya ng bacon, hotdogs, loafs atsaka fried rice. Iyong mga hinatid niya kasi ay hindi na kumain pa. Nagkaroon ng emergency sa Fatima Hospital kaya naman nagmamadali ang mga itong makabalik sa Maynila.

Nakangiti siya nang maabutan ng mommy't daddy niya.

"Good morning, honey." Bati ng mga ito. "Maganda ata gising natin ngayon?"

She just smiled and shrugged.

Wala siyang balak sabihin sa mga ito ang nangyari kagabi. Unang una, hindi naman kasi ng mga 'to alam na hindi sila okay ni Lucky. Pangalawa, malamang ay magagalit ang mga 'to kapag nalalaman ang binabalak niya.

Iyon ang kulitin at habul-habulin si Lucky.

Hindi niya 'to tatantanan hanggang sa ito na mismo ang magsabi na magkaibigan na ulit sila.

Wala siyang pakialam kung sungit sungitan siya nito. Kung hindi siya nito pansinin. Kung hangin lang ang tingin nito sa kanya.

Desidido talaga siya.

Yes. Nasaktan siya sa sinabi nito kagabi. Inaasahan niya naman na iyon. Pero wala ata talagang makakapagpabago ng isip niya.

Pumasok agad siya sa trabaho. Nakangiti siya't bagaman may kaonting kaba na nararamdaman. Ginawa niya ang trabaho ng maayos. Kulang nalang ay batiin niya ng magandang umaga ang lahat ng madadaanan.

Nang magtanghalian ay inaya siya ni Doctor Jeff na maglunch. Since gutom na rin siya ay hindi na siya tumanggi pa.

Habang nasa cafeteria sila ay todo kwento ito. Nangingiti lang naman siya dahil medyo hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi.

Ito ang unang beses niyang nakasama si Doc Jeff. Magkaiba kasi sila ng nakatokang gagawin. Pero lagi itong bumabati sa kanya. Wala iyong palya mapa umaga man o gabi. Tingin niya ay kaedaran niya lamang ang binata.

"Can we go out this weekend?" Anyaya nito bigla habang umiinom.

Napatungo siya at tila nagulat.

Ngumiti ito. "I mean, we're both single. Wala naman sigurong masama kung aayain kitang lumabas, right?"

Napaawang ang labi niya. Hindi talaga iyon inaasahan.

Bigla naman siyang nakarinig ng kantyawan sa kabilang table. Nabaling ang tingin niya doon at nakitang puno iyon ng mga kalalakihang nurse. Mga malalaki ang ngiti at todo cheer pa kay Doc Jeff.

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon