Chapter Three

720 15 0
                                    

"OH my god

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OH my god."

Iyon ang tanging naibulong niya nang marinig ang sinabi ni Mang Fidel. Napabaling ulit siya sa strawberry farm at nangingilid ang luhang napangiti.

Alam niyang magiging successful si Lucky. Alam niya iyon noon pa. Pero hindi niya akalaing ganito ka-successful iyon.

She's shocked. Yes.

Pakiramdam niya ay sobrang proud na proud siya rito. Naisip niya bigla si Nana Lena. She's sure na sobrang saya nito dahil naging successful ang apo nito.

"Hindi ba nasabi sayo ni Lucky?"

Nawala ang ngiti niya nang marinig iyon. Walang may alam sa nangyari 8 years ago. Ang alam lang ng lahat ay umalis lang siya dahil sa pag aaral.

But no..

Bukod sa pag aaral, umalis siya dahil kay Lucky.

Dahil takot siya.

Ang nangyari noong gabing iyon ay isang pagkakamali. Bata pa sila at may mga pangarap.

"Naalala ko, madalas kang sunduin ni Lucky sa mansyon para ipagpaalam." Bigla itong tumawa saka itinuro ang matandang narra sa di kalayuan. "Diyan ang punta niyo oh. Pinaayos nga ata yan ng batang 'yon." Tukoy nito kay Lucky.

Napatango tango siya rito saka ngumiti ulit. Nangingilid nanaman ang luha. Nabaling rin ang tingin niya sa narra at sa maayos na bahay bahay sa taas 'non.

Kahit malamig at basa ang lupa ay nilakad niya iyon. Habang papalapit siya sa narra ay samu't saring alaala ang bumabalik sa kanya. Kung paaanong masaya silang nagtatawanan doon. Naghahabulan noong mga bata pa sila. Nag aasaran. Nagkukulitan. Doon rin siya tinuruan ni Lucky sa mga subjects na madalas siyang mahirapan. Doon rin sila madalas 'non mag star gazing.

Nang huminto siya sa harap nito ay agad pumatak ang mga luha sa mata niya. Napangiti rin siya na parang baliw. Masaya siya dahil sa mga magagandang alaala na bumabalik sa kaya. Hindi niya nga lang alam kung bakit siya naiiyak. Siguro ay dahil rin sa saya.

Hinawakan niya ang malaking trunk ng puno. Sobrang dami ng ugat sa ibaba 'non dahil na rin sa katandaan. Pero napakaganda parin tignan. Habang hinahaplos niya ang puno ay mas naiiyak siya.

"Doctor na ako, Lucky." Nakangiting umiiyak na bulong niya. "Are you proud of me?"

Pinunasan niya agad ang luha. Hindi niya alam kung bakit kinakausap niya sa pamamagitan ng puno si Lucky.

Pakiramdam niya kasi ay imposible niya na itong makausap pa.

Iniwan niya ito. Malamang ay galit ito. Malamang ay ayaw siya nitong makausap at makita.

Malamang rin ay..

May asawa na ito.

Hindi malabo iyon dahil 28 years old na rin si Lucky.

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon