Chapter Eleven

713 17 5
                                    

MAGDAMAG siguro niyang inisip kung bakit nasa labas ng bahay nila si Lucky, kaya naman kinabukasan ay itim na itim ang ibaba ng mga mata niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAGDAMAG siguro niyang inisip kung bakit nasa labas ng bahay nila si Lucky, kaya naman kinabukasan ay itim na itim ang ibaba ng mga mata niya.

"Honey, you okay? You look..horrible." Ngumiwi pa ang kanyang ina.

Nagkibit balikat lang siya saka naupo na rin sa hapagkainan. Kompleto silang tatlo ngayon. Day off niya ngayon kaya't makakasabay siyang mag agahan.

"Hindi mo dapat pinapagod ang sarili mo, anak." Saad naman ng daddy niya.

Ngumiti siya habang kumukuha ng tinapay. "I'm okay, mom, dad. Hindi lang ako nakatulog ng maayos." Pagsabi niya ng totoo.

"Why, baby?"

"I think it's because kakakain ko lang rin kagabi nang makauwi ako, mom. Kaya siguro hindi ako makatulog." Pagrason niya nalang. Ayaw niyang sabihin sa mga ito na hindi siya makatulog dahil sa nasa labas ng bahay nila si Lucky! That would freak them out.

Pero..bakit nga ba nasa labas si Lucky? Oh baka naman namalikmata lang siya?

No. It can't be.

Sigurado siya sa nakita.

Nagkamustahan pa muna sila bago niya sinabing may lakad siya ngayon. Balak niyang dalhin ang dalawang kaibigan sa Catasinan Island. Malapit lang 'yon rito sa La Cresza. Sasakay lang sila ng bangka for about an hour.

Naghanda na siya sa pag alis. Isang backpack lang ang dala niya. She texted Yuuna and Gael sa mga dadalhin. Pasado alas diyes na siya umalis ng bahay. Nagpahatid agad siya kay Mang Fidel sa pangpang.

Pagkarating niya ay agad niyang nakita ang dalawa sa isang bukas na kubo. Nag aantay habang nakatingin sa dagat. Mabuti nalang at inihatid ang dalawa rito ng driver ng shuttle.

Agad niyang tinawag ang dalawa. Ngumiti sa kanya si Gael samantalang wala namang reaksyon si Yuuna.

Nagpasalamat siya kay Mang Fidel bago ito umalis. Pagkatapos ay nagrenta silang tatlo ng bangka.

"This is gonna be fun!" Masayang sigaw niya habang nasa bangka na sila na umaandar. Nililipad ang hawak niyang balabal kaya naman mas natutuwa siya.

Narinig niyang nag 'tsk' si Yuuna. "First time mo rin 'to, 'no?" Walang pag aalinlangan nitong tanong sa kanya.

Agad siyang napalabi saka tumango. "Yeah. So, pare-parehas tayong first time pupunta sa Catasinan." saka siya natawa.

Noon niya pa kasi dito gustong pumunta. Kaso lagi silang walang oras ng pamilya niya. Or..ni Lucky.

Natawa rin bigla si Gael na nasa tabi niya.

Doon niya lang tuloy natitigan ang dalawa. Mga naka jeans ito at formal attire na top. Si Yuuna ay naka 2 inches heels, habang si Gael ay naka black charole.

Nakamot niya ang batok.

Hindi niya ata nasabi sa dalawa na Island ang pupuntahan nila at napapalibutan iyon ng tubig?

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon