Chapter Seventeen

743 15 5
                                    

NANG makabalik sa sariling bahay ay agad siyang napaupo sa sofa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG makabalik sa sariling bahay ay agad siyang napaupo sa sofa. Napatulala pa siya dahil sa mga nalaman.

Galing lang siya sa mansyon nila at nakausap ang mommy niya. Tinanong niya rito ang tungkol kay Jada. Malakas kasi ang kutob niya na noong nasa Dela Paz sila ay napag usapan ng pamilya ang tungkol doon.

Jada really have this disorder called Sexual Desire Disorder. Kung saan kahit saan at kahit kailan ay nakakaramdam ito ng libido sa katawan.

Naisipan rin daw ng Tita Minerva at Tito Levi niya na ipadala sa London si Jada para doon ipagamot. Doon muna rin daw ito mag s-stay pansamantala para mabantayan ang dalaga. Kapag daw kasi sinusumpong ito ay kahit sinong makita, ay papatulan.

She really does know that it's curable.

Kailangan lang matutukan at bantayan ng husto.

Napahinga nalang siya ng malalim saka napainom ng tubig. Nasa kusina na siya at nakaupo sa high chair.

Napailing nalang siya para hindi na iyon isipin pa.

Since wala siyang pasok ngayon ay minabuti niyang lumabas nalang at ayusin ang bakuran. Tumawag agad siya ng tao para mag trim ng bermuda grass. Nang matapos ay naisipan niya naman na bumili ng mga pananim.

Kaso..sa Flora Martina lang ang alam niyang may iba't ibang bulaklak na pwedeng itanim.

Early in the morning, Naghanda na siya para umalis. She just wore jeans and a white T shirt. Tinernohan niya lang iyon ng puting vans na sapatos. Pagkatapos ay inipitan niya ang buhok.

After that, she drove the car. Hindi rin naman agad nagtagal ay nakarating siya sa Flora Martina. Agad siyang nag park ng sasakyan saka agad na pumasok sa botique.

"Hi." Bati niya sa babae.

Nanlaki agad ang mga mata nito nang makita siya. Aligaga itong kumuha ng papel.

"Hello po Doc!" Bati nito.

Nagtaka naman siya doon pero ininda niya nalang saka lumapit. "Anong mabentang bulaklak niyo?"

"American rose po, Doc! Saka tulips and sunflower."

Ngumiti siya. "Okay. Bibili ako ng pwedeng itanim. Mga hmm..Tig anim siguro ng tatlong 'yon."

"Okay po!"

Bigla itong may tinawagan. "Tig anim daw no'n. Okay okay. Iyong maganda ang piliin mo 'ha! Baka pagalitan tayo ni Sir!" Bulong na sigaw nito.

Napakunot ang noo niya. Alam niya na ang tinutukoy nito ay si Lucky.

"Oo, sige na. Dalhin mo dito." pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag. The girl smiled at her again nang bumaling sa kanya. "Parating na po ang mga bulaklak niyo, doc."

"Thank you."

"At saka po pala, doc!" Dugtong bigla nito. "Libre na po pala iyon! Hihi."

"H-Huh?" Nagtaka siya.

Hey, LuckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon