Maaga kaming pumasok ni Leslie pero naghiwalay rin kami ng utusan ako ng isang guro na idala yung mga libro sa library.
"Ako nalang magdadala nito, kaya ko naman"
Sabi ko kay Leslie nung una hindi pa sya pumayag kasi baka maligaw daw ako pero pumayag narin sya sa huli.
Gusto ko ring malibot muna ang kabuuan ng school mag-isa, marami rin syang gagawin sa room namin.
Tuloyakong naglakad at kung saan-saan ako napadpad hanggang sa nahanap ko rin ang library.
Nasa isang malaking room ito at nakalagay sa taas ng pinto ang salitang 'LIBRARY' siguro mga second floor ito na puro libro grabe naman yun diba?
Unti palang ang nakikita kong estudyante rito dahil medyo maaga pa naman, mga 7:30 palang ng umaga, 8 kasi nagsisimula ang klase.
Marami narin ang nalaman dito dahil halos mag-iisang linggo na rin mula nung unang pasukan.
Huminto ako at tinignan ang librong pinapabalik sakin para makita kong anong libro yun para mahanap ko kaagad kung saan syang grupo ng mga libro ilalagay at nakita ko namang tungkol sya sa history.
Kaya hinahanap ko kung saan yung mga history books.
Matagal din nung nahanap ko iyon, pero nakita ko rin nasa pinakadulo sya, dahan-dahan kong inilagay yung mga iyon.
Pagkatapos kong mailagay yun, naglakad-lakad muna ako sa library hindi pa naman time.
Sa paglalakad may nakita akong isang malaking libro at makapal ito mukhang may pagkaluma narin.
Ng tignan ko iyon nakita ko yung mga greek mythology na tinatawag nila yung mga gods and goddesses.
Tahimik kong binubuklat ang libro at hindi ko alam bumibilis na pala ang oras, nagandahan kasi ako, may mga nalaman din katulad ni Zeus, Poseidon and Hades unti palang ang nalalaman ko gusto ko pa sanang magbasa pero next time nalang dahil malelate nako.
Nagulat ako ng bigla nalang tumunog yung bell ring kaya nagmamadali kong nilagay yung librong hawak ko sa lalagyan pero sa kamamadali ko hindi ko na namalayan na mahuhulog na pala sa ulo ko ito pero nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa beywang ko at inilayo ako rito.
Nagulat ako sa nangyari hindi ko alam kung anong uunahin ko ang pulutin yung mga nahulog na libro o tumakbo sa room kasi late nako o tignan yung lalaki at kilalanin.
Ano na Natalia!
"Be careful next time." rinig kong sabi nung lalaki syaka binitawan ako.
At pinulot nya yung mga nahulog na libro ako naman nakatunganga pa, hindi kasi ako maka-get over! Ikaw kaya biglang hawakan a beywang at sobrang lapit pa ng pagmumukha nyo sa isa't-isa ang awkward nun pero sa kanya parang wala lang.
"Why? You look like you saw a ghost" rinig kong sabi ng lalaki kanina.
"Ahm-, ahh" hindi ko alam sasabihin ko.
Kaya tumulong nalang rin ako sa kanya na ibalik yung mga libro.
Nang matapos na tumayo ako ng tuwid at magpapasalamat na sa kanya pero bago yun napatingin ako sa uniform nya at nagulat ako ng makita ko ang tatak sa id nya.
High section
Vergara, Excel Jax R.Isa sya sa High-section?
"Ahm, gusto ko lang magthank you, bye." mabilis kong sabi at tumakbo na paalis.
"Aish! Para kang baliw Natalia!" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa room namin.
Pagpasok ko nakita ko nandun na si Ma'am Freda.
"Oh, Miss Valdez, bakit ngayun ka lang?" tanong nya at napatingin ang buong ka-klase ko sakin.
"Ahm, pumunta lang po library Ma'am may pinalagay po saking mga libro, sorry po kung nalate ako" pagpapaumanhin ko.
"Okay lang, basta wag mo nalang uulitin, pasok kana" mahinhin na sabi ni Ma'am Freda.
Pagkatapos nun nagdiscuss na si Ma'am pero wala akong naintindihan doon dahil hindi ko makalimutan yung nangyari kanina.
Excel?
Nabanggit na ni Hanna iyon.
"Hoy! Natalia, kanina kapa nakatulala okay ka lang ba?" tanong ni Leslie.
"Sayang naman yung pagkain nya sakin nalang" sabi naman ni Hanna.
Nasa canteen na pala kami ni hindi ko manlang namalayan.
"Mukhang pagkain lang?" Asar ni Leo at nagsimula na naman sila.
Pero tahimik lang ako at napansin yun ni Alyssa kaya lumapit sya sakin.
"Ano ba nangyari?" tanong nya.
Hindi ko na mapigilan magtanong at sabihin ang totoo.
"Ahm, nakita ko kanina yung isa sa High-section--"
"Ano?"
"Sino!"
Sabay-sabay na sabi nila Leslie at Hanna.
"Ah, si E-excel?" sabi ko.
"Omg! Anong ginagawa nya don? Anong ginawa nya sayo? Ayos ka lang ba?" si Leslie.
"Sinasabi ko na nga ba pangit mga ugali ng mga nasa Section na yun!" Si Leo.
"Bakit ba lagi kang galit sa mga nasa H-section? Binabash mo sila lagi" sabi naman ni Hanna.
Nacurious din ako sa mga sinasabi ni Leo, pangit ba talaga ugali nila pero yung kanina naman tinulungan nya ko.
"Hayaan nyo na wala naman nangyari, nakita ko lang sya" sabi ko at kumain na.
Nagkwekwentuhan lang sila habang kumakain ng marinig namin ang mga tilian sa buong canteen.
"OMG! ANG POGI TALAGA NI EXCEL!"
"Sakin si Tyrone!"
"Ackkkk!"
Tilian nila na halos marindi nako pero hindi ko pinansin ko tumingin ako kung nasan sila at nakita kong naglakakad sila papunta sa lamesa..... namin?
"Hoy! Hoy! Papunta dito si Excel!" sigaw ni Hanna.
Wait, hindi! Hindi sya dito pupunta!
Sabi ko at agad na tumalikod at medyo tinatakpan ko ang mukha ko."Sinabi ko na hindi mo lang sya nakita Natalia! May nangyari, ako bahala dito, dyan lang kayo" sabi ni Leo at tumayo.
"Hey, pre anong–"
Hindi sya pinansin ni Excel at patuloy syang naglakad sa lamesa namin at huminto.
"I think this is yours"
Sabi nya at nilagay yung Id ko doon.
Huh? Pano napunta sa kanya yun?.
"SINO YUNG BABAE?"
"Mukhang baguhan ata dito"
"Bakit lumapit si Excel sa kanya? Nilandi nya siguro"
Bulungan ng mga tao sa canteen.
"Hoy! Kayo tumahimik kayo kundi palalagyan ko ng sili mga bunganga nyo" matapang na sabi ni Hanna.
"Hayaan nyo na sila, tara nalang" sabi ko at kinuha na yung Id ko at tumingin kay Excel.
Pero umalis na rin agad, sumunod naman agad sakin sila Leslie, Hanna, Alyssa at Leo.
Ganito! Ganito yung mga mapapanood ko na kapag lunapit sayo ang isang sikat sa school na crush ng lahat, bubullihin ka. Ayokong mangyari yun, gusto ko lang mag-aral ng tahimik kaya hangga't maaga kaylangan ko ng lumayo.
______________________________________
-♥️
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...