Nasa tapat na ako ng library, pero bakit feeling ko kinakabahan ako.
Pumasok na ako sa loob at nagtungo sa 3rd floor dahil hindi ko nakita si Excel sa 1st and 2nd floor.
At nakita ko na nga sa doon, seryoso syang nakatingin sa libro. Feeling ko ayaw ko na syang lapitan, grabe naman kasi yung titig nya nakakunot pa yung mga kilay nya.
Pero kaylangan ko syang lapitan lalo na at may sakit pa sya, dapat di nalang sya pumasok, pero kasalanan ko rin naman kaya sya nagkasakit e.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya, hindi ko alam kung nakita nya ba ako or hindi.
“Ehermm” kunwari may bumara sa lalamunan ko.
Alam ko namang narinig nya bakit di parin sya tumitingin?
“Ahm, ibabalik ko na pala ito” sabi ko at inilapag yung paper bag sa lamesa.
Hindi parin sya nagsasalita.
“Ahm, nilaban ko na yan” sabi ko uli pero dedma lang ganun.
“And thank you pala kahapon” sabi ko uli.
“Okay.” yun lang ang sinabi nya at hindi pa tumingin, galit ba talaga sya? Kanino naman?
“Ahm, sabi ni Lark, may sakit ka daw, ahm” huminto ako at nagsalita uli. “Sorry”
Nakita kong tumingin syaka sakin, sobrang seryoso ng tingin sya, parang mas gusto ko nalang wag nya ko tignan katulad kanina dahil nawawalan nako ng sasabihin kapag tinitignan nyako.
“It's okay, hindi mo kasalanan, pwede ka nang umalis” pagkasabi nya nun ay nag-iwas na sya uli ng tingin. Bakit ganun? Bakit feeling ko nasasaktan ako?
“Sige, pero ahm, kapag hindi mo na kaya pumunta ka sa clinic ah, wag mong pilitin kung hindi mo naman kaya” sabi ko at nagiwas na ng tingin syaka tumalikod na sa kanya.
“Do you like Zake?” bigla nyang tanong kaya nagulat ako, ano? Bakit naman napunta kay Zake ang usapan?
Humarap uli ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa libro.
“Huh? Bakit mo naman natanong?” tanong ko sa kanya.
“You did not answer my question Natalia” sabi nya at seryosong tumingin sakin.
Bakit ba yun ang iniisip nya? Hindi yung may sakit sya?!
“Gusto ko man sya o hindi, wala ka ng pake doon, may sakit ka yun ang isipin mo” inis kong sabi sa kanya.
“So you like him?” tanong nya uli.
Napairap nalang ako sa kanya.
“Kapag sinagot ko ba ang tanong mo pupunta kana ba sa clinic para uminom ng gamot at gumaling?” tanong ko sa kanya.
“Depende sa sagot mo, kung hindi, gagawin ko ang sinabi mo, kung oo, mas lalong lala ang sakit ko” sabi nya.
Sira na ba ang ulo nya? Ano na naman bang trip nya sa buhay?
“Dapat ka na ngang pumunta sa clinic, lumalala na ang sakit mo, hali kana” sabi ko sa kanya at hinila sya pa tayo, kinuha ko rin yung paper bag.
Magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko sya.
“Kapag nagsalita kapa, hindi na kita papansinin” sabi ko, hindi ko rin alam kung bakit, alam ko namang wala lang sa kanya kung hindi ko sya pansinin, sino bako? Diba?
Pero nagulat nalang ako ng hindi na sya nagsalita at tahimik na sumunod sakin papuntang clinic.
“Dito ka lang, ang nurse na ang bahala sayo” sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan nya ang kamay ko.
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...