"Yeyyy!!! Tapos na Exam!!"
Sigaw ni Hanna habang palabas na kami ng gate ng school.
"Sabado na uli, bukas!!" sabi naman ni Leslie.
"Lah! Hindi kaya! Lunes na kaya bukas" pang-aasar ni Leo.
"Alam mo! Pang-asar ka talaga kahit kaylan e" irap ni Leslie.
"Hoy! Huwag kayo kanina pa tahimik si Natalia" sabi ni Alyssa.
"Ayos ka lang ba? Kahapon ganyan ka rin" pag-aalalang tanong uli ni Alyssa.
"Resbakan na natin si Zia! Baka inaano na naman sya!" sigang sabi ni Leo.
"Yabang mo naman! Hawakan mo nga sa kilay!!!!" si Hanna.
"Huwag! Baka mainlove sya! Yieeeee" asar ni Leslie
"Gusto ko manglibre! Tara Natalia at Alyssa" aya ni Leo at lumapit samin.
"Joke lang naman yun! Masyadong seryoso si koyah!" sabi nila Hanna at Leslie napailing nalang ako sa kanila.
Hinatid ako nila Leslie pauwi kasama nya si Alyssa.
Sinalubong ako ni Papa at nagmano naman ako.
"Musta anak?" tanong nya ngumiti naman ako.
"Ayos lang po tay, kinakabahan nga po ako sa result e" sabi ko at nilagay sa upuan yung bag
"Ayos lang kung hindi ganun kataas anak, huwag kang ma-stress sa grades mo, lagi ko naman sinasabi sayo yan" pagaalalang sabi ni Papa at lumambot naman ang puso ko dahil doon ang swerte ko sa tatay ko.
Alas-diyes na ng gabi hindi pa rin ako makatulog.
Nagse-cellphone lang ako at hindi ko alam kung bakit na isearch ko yung name ni Excel doon.
Pinindot ko yung profile nya na nakaharap sa camera habang may iniinom sobrang seryoso ng mukha nya naalala ko tuloy yung nangyari sa library.
Di narin ako nagtaka na marami yung mga reactors nya.
May mga nakita rin akong post ng kaibigan nya na nakatag sya.
Mukhang matagal na silang magkakakilala, sila yung dalawang kasama nila Hanna noon.
Nagulat ako ng bilang may nag-popup na message.
"Are you done stalking me?"
O.M.G!!!!
Nalike ko yung pictures nya na pinost nya! Anak ng uod at daga!!!! Anong ginagawa mo Natalia Yvonne Valdez!
Huwag mo nalang iseen! Okay?
Agad kong tinago yung phone ko sa ilalim ng unan ko pero nagulat ako ng bilang nagring yon at nakita ko sya yung tumatawag.
Sasagutin ko ba?
Oo!
Hindi!
Sagutin mo bat ka natatakot may gusto kana sa kanya noh? Crush mo na!!!
"Hello!"
Hindi ko namalayan napalakas ko pala yung boses ko ang epal naman kasi ng Yvonne sa utak ko.
[What are you doing?] Malalim na boses ang narinig ko sa kabilang linya at anong ibigsabihin nya sa 'what are you doing?'
"Ahm, wala" yun nalang nasabi ko.
[Can't sleep?] tanong nya.
"Hmm, oo?"
[Do you like those pictures?] may pang-aasar akong narinig sa tono nya.
Ano daw? Hindi ko naman sinasadya na ilike!!!
"Kapal mo! Bye na nga!" sabi ko at agad na pinatay yung tawag pati narin yung phone ko para di nya sya makatawag uli.
Hindi ako nakatulog kaya paglabas ko ng kwarto medyo sabog ako tinawanan pa ako ni Papa mukha daw akong sabog na panda.
"May pupuntahan kaba ngayun anak?" tanong ni Papa habang kumakain ako ng ewan umagahan ba o tanghalian? Umtanghalin?
Ah basta yun.
"Wala-"
Wait? Meron ata? Nasan ba cellphone ko?
"Wait po Papa, chat ko si Les baka meron po e"
"Sige anak, tutal aalis rin ako maiiwan ka dito ayoko naman yun kaya sama kana lang sa pinsan mo"
Tumango ako at kinuha yung phone ko sa kwarto binuksan ko na yun habang pababa at pumunta uli sa lamesa para makakain.
Pagbukas lumabas yung mga chat nila gumawa na pala sila ng GC namin o baka dati pa to?
Inopen ko yun.
Hanna: Ano G ba?
Les: Oo kahit sa plaza lang tayo
Leo: Sakto pwede magbasketball
Alyssa: Nasan si Natalia?
Les: Ako na susundo mga teh! @Natalia Yvonne, magready kana!
Mag 15 minutes nung chinat nya yun sa Gc baka papunta na sya dito.
"Tao po!!!"
Nandito na nga sya.
"Oh nandito na pala pinsan mo anak" salubong ni Papa kay Les.
"Good morning po Tito, hiramin ko po uli anak nyo hehe" magalang nyang sabi.
"Naku sige, aalis rin ako basta mag-iingat kayo" paalala ni Papa.
"O sya ikaw na mag-lock ng bahay anak ah, alis na ako"
"Sige po Pa, ingat kayo! Mwah!" sabi ko kay Papa at kumaway-kaway umalis na rin si Papa pagkatapos non.
"Naku! Maligo kana Prinsesa ni Tito Frido" sabi ni Les at nakiagaw sa pagkain ko.
"Kaylangan pa ba yun? Tinatamad ako e"
"Maligo kana! Sige ka pagsisisihan mo kung di ka maliligo"
"Ito na po maliligo ka" sabi ko at pumunta sa kwarto.
Simple lang suot ko naka jogging pants and oversize t-shirt samantalang si Leslie nakaporma, tinatamad naman kasi ako! Tapos di pa ako nakatulog ng maayos.
"Tara na" sabi ko at nagpaunang lumabas.
"Yan na yun?" tanong nya.
"Bakit mag-ga-gown ba dapat ako?"
"HA.HA.HA. ang funny mo po! Tara na nga!"
"Oo nga tara na!"
______________________________________
-♥️
AN: Minsan kahit ako naguguluhan sa mood ni Natalia! At Yvonne! Or ako talaga yung lutang gumawa! Ah basta btw may kwento ako! Isang araw, pangalawang araw, pangatlong araw, tapos. K ang corny. Bywe.
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...