Chapter 12

1 0 0
                                    

Isang linggo kong iniiwasan si Excel, hindi dahil sa ginagawa nya, oo isa narin yung dahilan. Pero kaya ko sya iniiwasan ay dahil gusto ko na rin minsan kasi may mga pumupuntang ibang section sa room namin para lang tanungin kung totoo daw ba na nilalandi ko si Excel, yung iba pa nga ay taga, H-section.

Minsan nakikita si Excel na pumupunta sa canteen namin kahit hindi naman doon ang canteen nila para lang magbigay ng letter na palaging sorry’ ang nakalagay.

“Talie, magtapat ka nga. Bakit mo iniiwasan si Excel,may nananakit ba sayo dahil sa kanya?” tanong ni Leslie.

“Oo nga pansin rin namin yon, ‘wag kang matakot na sabihin samin, Natalia.” sabi ni Leo.

Ngumiti nalang ako sa kanila at kumain.


Feeling ko ganun nalang kabilis natapos ang klase namin, uwian na naman.

Pero hindi naging boring ang uwian kapag kasama ko sila Hanna, Leslies, Leo, at Alyssa.

Sa tuwing uuwi kami, nakasanayan na naming pumunta sa mga park kahit na ang tatanda na namin, actually sila Leslie, Hanna at Leo talaga ang mahilig pumunta doon. Nakikipag-agawan pa nga sila sa mga bata sa slides.

Natatawa nalang kami ni Alyssa sa kanila.

Sa tagal ko na silang nakakasama, si Alyssa lang talaga yung matino ang pag-iisip pero yung tatlo, ewan ko nalang.

Sabay kami ni Leslie umuwi pero mas nauuna sya sa bahay nila ako ilang bahay pa ang madadaanan.

“Magandang hapon pa, mano po?” sabi ko kay Papa.

“Magandang haron rin anak, kamusta ang school?” tanong nya sakin.

“Ayos lang naman po”

“Kayo po? Mukhang pagod kayo lagi pa ah, sabi ko kasi sa inyo tulungan ko na kayo sa pagtratrabaho, para hindi na kayo gano mahirapan” sabi ko kay Papa, matagal ko naring naisip na baka pwedeng magtrabaho narin ako para matulungan ko si Papa.

Nilapita ako ni Papa at ngumiti sakin.

“Huwag na anak, kaya ng papa mo ito, mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo dahil yun ang gusto ko para sayo anak” sabi ng papa ko.

Tumango nalang ako pero kung hindi papayag si papa, siguro mas mabuti na isekreto ko muna sa kanya.

Sabado na rin naman bukas, pwede akong maghanap ng trabaho, kahit ano basta matino.




Kinabukasan ay maaga akong gumising para masinulan ko na ang paghahanap ng trabo.

“Pa, alis na po ako, may project pa po kasi kaming gagawin ni Les e.” pagsisinungaling ko sa kanya.

“Ah sige anak, anong oras ka uuwi para masundo kita” tanong ni papa sa akin.

“Mga hapon narin po Papa, syaka wag nyo na po ako sunduin hindi naman po malayo pupuntahan ko pa e.” sabi ko at narinig kong sabi ni papa na mag-ingat ako, umuo nalang ako.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi rin alam ni Leslie na may plano akong ganito.

“Kaya mo toh, Natalia.” cheer ko sa sarili ko at syaka nagsimulang maglakad papuntang bayan, mas marami kasi akong mahahanap roon.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong palakad lakad dito, marami na rin akong napagtanungan pero, ang sinasabi lang nila ay nakahanap na sila.

Hindi pa ako kumakain ng tanghalian, kulang rin ang pera ko, pangtricycle ko nalang pauwi ang nasa wallet ko.

Tumambay ako sa isang waiting shed kasi ang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.

Run AwayWhere stories live. Discover now