"Hoy, Talia! Anong bibilin mong pagkain" tapik na sabi sakin ni Leslie.
Pero hindi ko napansin kasi tutok na tutok ako sa pagbabasa ng notes ko.
"Fries nalang syaka juice, huwag nyo istorbohin busy sya sa pagbabasa, sipag mag-aral bes?" sabi ni Hanna habang kumakain.
Natawa nalang sila Alyssa.
"Hayaan nyo atleast hindi sya katulad nyo, kaylan nyo balak mag review?" sermon ni Alyssa sa kanila.
"Sorry Ma'am pero mangongopya nalang po ako, para walang hirap-hirap diba?" sabi ni Leo at hinampas naman sya ni Alyssa pero hindi ko na sila pinansin.
"Minsan gusto talaga kita Leo parehas lang tayo, mabait naman tong si Yvonne magpapakopya yan diba?" masaya nyang sabi.
Tinitigan lang sya ni Alyssa.
"Oo nga sabi ko nga hindi ko i-istorbohin" sabi nya at nag- piece sign.
Ilang minuto rin ang lumipas inaya ko na silang pumunta sa room masyado kasing maingay sa canteen hindi ako makapagfocus.
Lalo na at Math nalang ang sobrang nahihirapan ako, sino bang hindi diba? Math-matulog lang ata yung pinakamadaling math na alam ko.
Matagal pa bago ang time kaya sinulit ko na ito para magbasa pa ng maigi nagdadal-dalan lang naman sila Hanna at Leslie.
"OMG! NANDITO SILA?"
"Really? Bakit nandito sila? First time ito ah"
"Ayaw mo yun nakita mo sila ng malapitan, ackkkk"
Sigawan ng mga estudyanteng nasa labas pati narin yung mga ka-klase namin.
"Hoy! May nagre-review dito diba? Tili pa!" pagsasaway nila Hanna at Leslie kasi ayaw nila akong ma- distract
Sabi nga nila kanina sila na daw tiga-saway ng mga magpapa- distract sa paligid ko para makapag-focus ako at ako naman magpapakopya sa kanila, galing din ng dalawang ito.
"Omg! Nandito sila Leslie!" sigaw ni Hanna.
"Sino? Sila Tyrone? At Lark?" tanong nya.
"Oo" sabi ni Hanna.
"OMG!" sigaw nilang dalawa.
"Galing! Ang galing naman talaga, nasan na yung mga nagsabi ng 'Huwag kang mag-alala Talia! Kami ang magsasaway sa mga magiingay sa paligid mo para makapag- focus ka' nasan na?" sabi ko sa kanilang dalawa at tahimik sila halata pang pinipigilan yung tili at tumitingin tingin pa sila sa pinto halatang may sinisilip.
"Why are you so sassy" tumingin ako kung saan nanggagaling yung boses at nakita ko si Excel?.
Excel? Anong ginagawa nya dito?
At ano naman kung nandito sya Natalia?
What i mean is bakit nandito sya sa classroom namin?
Nawala ang lahat ng iniisip ko ng mau bigla syang nilahad na notebook sakin, tinignan ko sya ng nagtatakang tingin.
"Ano to'?"
"Just take it and read it, okay?" sabi nya at agad nang umalis.
Hahabulin ko pa sana kaso pinagkaguluhan narin ako dito.
"Natalia, kayo ba?"
"Omg, ang swerte nya"
"Diba sya yung bagong student dito?"
Sunod-sunod nilang sabi pero sila Hanna na ang sumagot.
"Wala kayong pake kung sila, mag-review nalang kayo mga mahihilig sa cheese" sabi nila at hinila nako sa upuan ko.
At sabay rin silang umupo sa harapan ko nung nakaupo nako, tapos nakatingin lang sila sa notebook na hawak ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Patingin kami" sabi nila may excitement pa sa mga boses nila.
Kahit ako nacurious kung anong meron doon pero mamaya ko nalang titignan kaya binigay ko sa kanilang dalawa at kinikilig nilang binuksan yun.
"Hala! Binigyan ka nya ng mga notes! May pagre-reviewhan kana! Sana all" sabi ni Leslie.
Huh? Bakit naman? Ayaw nya ba ko turuan sa personal dahil bawal sa batas ng school nato ang makisalamuha ang H-S students sa mga regular students?
At bakit Natalia gusto mo talagang magpaturo sa kanya? Bakit gusto mo syang kasama? Gusto mo na sya?
"OF COURSE NOT! HINDING HINDI"
Nagulat ako kasi naisigaw ko pala iyon sa kwarto ko.
Hindi ko na alam kung anong nangyari kanina at yung mga tanong nalang na yun ang tumakbo sa utak ko!
"Aishhh!" sabi ko sabay tapik sa noo ko.
Napatigil ako ng may kumatok sa pinto.
"Okay ka lang ba anak?" si Papa.
Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Okay lang po Tay" sabi ko.
At narinig kong bumukas ang pinto nakita ko naman agad doon si Tatay.
"Anak bigyan mo rin pahinga ang sarili mo ah" nagaalala nyang sabi.
Ngumit naman ako.
"Ayos lang po ako tay, ako paba?" may pagmamayabang kong sabi.
"Syempre alam kong kaya ng prinsesa ko yan, pero iba parin yung magpapahinga ka anak" sabi nya at lumapit ako sa kanya para yakapin.
Umalis na rin sya pagkatapos natulog narin ako sabado naman bukas pwedeng tanghali magising.
______________________________________
-♥️
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...