"Okay 10-Sapphire, ito ang schedule ng page-exam nyo, Thursday and Friday ang exam nyong lahat na grade 10 kasama na ang mga H-section, Kaya dapat nag-review at research talaga kayo kasi may ibang katanungan doon na minsan wala rin sa pinag-aralan natin, pero alam kong kaya nyo yan, okay lang kahit hindi ganun kataas ang nakuha nyo basta alam nyong may natutunan naman kayo, good luck 10-Sapphire, bibigyan ko kayo ng pahinga kaya ngayun wala masyado tayong gagawin, kung gusto nyo bang mag-review pwedeng pwede, yun lang muna" sabi ni Ma'am umalis na muna sya.
"May na-review kana Les?" tanong ni Hanna.
"Oo meron naman kahit papaano" sabi nya habang nilalabas yung notebook nya.
"Eh kung hiramin kaya natin kay Talia yung binigay sa kanya ni Exceluvs nya na notes" malanding sabi ni Hanna.
At tumingin naman ako sa kanya, Exceluvs? Ang corny!
"Halos nandoon na lahat, bes" sabi ni Leslie.
Oo nga sobrang daming nandun na halos yung iba diko na maintindihan, ganun sya katalino. #sanaol.
Syempre gusto ko naman na may masagot rin sila sa exam kaya nagsheran kami, si Hanna nagkakabisado ng mga formula, si Leslie naman nagbabasa pa ako nakatunganga.
Baliktad na ata, okay lang may naalala naman na ako.
Recess na pero hindi pa sila kumakain tutok sa pagrereview feeling ko may nilagay na ewan doon si Excel na kapag tinignan mo tuloy-tuloy na pagbabasa mo.
Tumayo ako.
"Ako na bibili ng pagkain nyo" sabi ko.
"Kayo mo?" tanong nila.
"Oo naman bakit hindi"
"Baka may--"
"Kaya ko kaya tuloy nyo lang pagrereview nyo" sabi ko at umalis na.
Sa totoo lang hindi ako sanay, kasi lagi ko silang kasama at malawak pa itong school nato.
Nung una tahimik lang akong naglalakad hanggang sa may naririnig na akong pangalan ko.
"Natalia daw ang pangalan nya"
"Oo sya yung babaeng iyon"
"Maganda sya pero mas maganda si Zia"
"Alam naba ni Zia?"
Zia? Sino yun? Bakit yun? Ano yun? Pake ko dun? Wow! Taliang palaban. K.
Hindi ko na sila pinansin na parang bato lang silang dinadaanan ko, basta sa canteen ako pupunta.
Palabas na ako ng canteen, binilan ko nalang ng burger at juice yung dalawa sakin kahit biscuits ok na.
Tahimik akong naglalakad pa puntang exit ng may bumonggo sakin at natapon sa uniform ko yung chocolate na juice.
"Oh, I'm so sorry" pekeng sabi ng isang babae.
Tinignan ko sya at mukha syang tae este tao.
"Omg! Girl sya yun diba?" sabi pa nung isang babaeng kasama neto na mukhang pet nya.
"Oo nga yung babae na lumalande sa Excel mo!" sabi pa nung isa.
Ito na nga ba sinasabi ko! Ganitong ganito yung mga napapanood ko pero hindi naman ako katulad nung iba na magpapatalo utot nila.
"Kung ako iyon anong pangalan ko" hamon kung sabi at nagulat sila.
"Wow, Zia! Girl palaban sya" sabi nung babae kanina.
Ah okay, sya pala yung Zia oo nga maganda sya.
"Hindi ko na kaylangan pang malaman ang pangalan mo dahil, wala akong pake sa mga mukhang basura" maarte nyang sabi.
Arte parang di galing sa lupa!
"Okay?" sabi ko at umalis na ayoko ring mag-aksaya ng panahon para sa kanila.
Dire-diretsyo na akong naglakad pero hinila nya yung buhok ko. Abay!
"Huwag mo kong tinatalikuran" sabi nya at kita ko ang inis doon.
"Huwag mo rin hawakan ang buhok ko!" sabi ko at inalis ang kamay nya doon.
"Baguhan ka nga pala dito kaya dimo ako kilala".
"Kaylangan ba makilala pa kita? Sorry ah sino ka nga uli" tanong ko na parang chill lang.
"Zia Kaye Debaz" sabi nung isa nyang kasama.
"Hala ikaw yun? Ay kala ko ito yung Zia" pilosopo kong sabi.
"Argh! Nakakairita ka!" sabi nung Zia at halatang gusto na akong sampalin.
"Ito tatandaan mo hah! Si Excel! Akin lang okay?" sabi nya at may diin pa sa pagkakabigkas nya sa pangalan ni Excel.
"Okay" yun nalang ang sinabi ko at hinintay kung may sasabihin pa sila kaso nainip ako kaya yun umalis nako.
Hindi ko na pinansin yung mga tumingin sa uniform ko.
At tuloy-tuloy na naglakad, hanggang may mabangga na ako pero hinayaan ko nalang yun nung nasa nasa room nako binigay ko kila Hanna yung mga pagkain nila pero hindi yun yung tinignan nila.
"Sabi ko na nga ba!" inis na sabi ni Hanna at tatayo na sana para sumugod pero pinigilan ko.
"Hayaan mo na hindi naman ako nagpatalo" sabi ko sa kanila.
"Pero tignan mo ginawa nila Insan!" pati si Leslie ramdam ko rin ang galit.
"May time para sa mga mukhang uudo na may make-up na yun kaya hayaan nyo na" sabi ko at pinunasan nalang ang uniform ko pero hindi parin na wala kaya hinayaan ko nalang.
Nung lunch time na namin, kahit sila Leo nainis nung nalaman nila iyon.
"Sinabi ko na nga bang masama ang ugali ng mga nasa H-section na yan, lalo na yung Zia" inis nyang sabi at uminom ng tubig.
"Pano yan, kapag nakita yan ni Tito tiyak na magagalit yun" sabi ni Leslie.
"Hindi ko naman ipapakita" sabi ko at tuloy lang sa pagkain.
"Kapag nagtuloy-tuloy pa to may makakalbo talaga ako" sabi ni Hanna at inis na kinain yung fried chicken nya.
Naghiwa-hiwalay rin kami nung time na mga aala-una siguro nun, pumasok ako kahit ang dumi-dumi ng uniform ko.
Matagal pa bago dumating yung teacher namin kaya nagpasama ako kay Leslie na pumuntang Cr, pupunasan ko lang yung chocolate baka sakaling mabawasan.
Pero papunta palang kami doon nakita ko si Excel na nakatayo malapit doon na parang may hinihintay sya.
Nung palapit na kami nun may inabot sya sakin na paper bag.
"Ano yan?" inis kong tanong.
"Kunin mo nalang"
"Alam mo ba Excel kung anong ginawa ng mga babae mo sa pinsashshhshs" hindi na naituloy ni Leslie yung sasabihin nya ng tinakpan ko iyon.
Tinignan ko si Leslie at hinila pa pasok hindi ko kinuha yung binibigay ni Excel, para walang gulo at hindi ako kulitin ng mga babae nya iiwasan ko nalang sya.
______________________________________
-♥️
AN: So hi sa kaibigan ko na nagrequest ng ganitong eksena, hi bes.
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...