Chapter 5

2 0 0
                                    

Nagising ako nang mga tanghali na hinayaan naman ako ni Tatay kasi alam nya na binabawi ko yung mga pagpupuyat ko.

"Tito gising na po ba si Natalia?"

Rinig ko ang boses ni Leslie mula sa baba ng bahay namin.

"Hindi ko alam hija pero pwede mo syang puntahan sa kwarto nya"

"Sige po" sabi ni Leslie.

At hindi pa sya kumakatok binuksan ko na yung pinto sobrang lawak pa ng ngiti nya.

"Tara gala!" aya nya.

"Saan naman?" tanong ko habang ginugusot pa yung mata.

"Basta, kasama natin sila Tropapips" ngiti nyang sabi.

"Baka–"

"Pagpapaalam na kita, tara na bilis ligo kana ako na maghahanap ng damit mo" sabi nya at tinulak ako papunta sa Cr.


Ilang minuto natapos na rin akong magbihis binigay sakin ni Leslie yung simple white t-shirt and light brown mini skirt.

Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta basta kasama ko naman sya.

"Oh nandyan na pala sila" rinig ko ang boses ni Hanna pagkababa palang namin ng tricycle.

"So sa Mall naman pala tayo" sabi ko kay Leslie at ngumiti sya.

"Maraming masasarap na pagkain dyan, syaka laro tayo sa Quantum" excited nyang sabi.

"Puro ka naman laro Les, pero hayaan muna first time palang nating makakasama si Talia doon" sabi ni Alyssa napatingin ako sa kanya ang ganda nya babaeng-babae.

"Tara selfie nalang" sabi ko at kinuha yung phone ko.

"Meron ditong photo booth, tara?" aya ni Leo.

"Tara!" sabay sabay naming sabi.

Masarap rin silang kasama kahit na minsan laging nag-aaway sila Hanna at Leo tapos tagabawal si Alyssa.

Nakakatawa nga silang panoorin tapos si Leslie hindi malaman kung sino kakampihan.

Pagkatapos naming kumain sa Food court nag-aya akong dumaan sa National Bookstore nung una umayaw sila Hanna kasi baka daw aral na naman ang gagawin namin doon pero sabi ko hindi kaya yun pumayag na sila.

Malawak rin ang National Bookstore dito kaya pwede rin kaming maghiwahiwalay.

Mahilig talaga ako sa mga library or National Bookstore kasi feeling ko ang payapa ng lugar na iyon.

Tahimik akong nagtitihin ng mga libro pati narin si Alyssa.

Tapos sila Leo ang iingay,  nagaasaran sila doon sa nabasa nilang story tungkol ata sa mga hayop.

"Hala! Ley! Kamukha mo naman yung unggoy! HAHAHHAHA" natatawang sabi ni Hanna.

"Sabi nila magkamukha daw tayo" ganti naman neto.

"Totoo bang nakikipagaway ang kapwa unggoy sa kapwa nya ring unggoy" sabi naman ni Leslie

Ako nalang ang natatawa para kay Alyssa kasi hindi ko alam kung pano nya naiintindihan ang kabagtitan ng mga ito.

"Alyssa, tara sa taas" mahina kong sabi para di nila ako narinig.

Sumama naman agad sya sakin at iniwan namin silang nag-aasaran doon.

"Ang iingay nila" sabi ko habang nagtitingin ng mga libro.

"Sanay nako, mamaya pagagalitan na sila doon, buti nalang nandito tayo" ngiti nyang sabi.

"Mahilig karin pala sa mga libro"

"Ahm, sakto lang, ikaw mukhang gusto mo laging nagbabasa" sabi nya.

Ngumit ako. "Hindi naman, gusto ko lang tumambay kasi ang tahimik"

"Ah, wait may alam akong librong magugustuhan mo, dito ka lang" sabi nya at mabilis na umalis

Ako naman nagtitingin-tingin lang hanggang sa hindi ko na alam kung anong tinitignan ko may narinig naman akong naglakad kaya akala ko si Alyssa yun kaya sinundan ko.

Pero nung nakita kong si Excel yun agad akong nagtago.

Anong ginagawa nya dito?

Pano kapag nakita nyako?

Ano naman kung makita ka nya? Bakit ka iiwas? Gusto mo na sya noh?

Hinampas ko yung noo ko kung ano-ano kasi iniisip!

Mahina akong naglakad pero nakayuko ako hanggang sa tinignan ko kung malayo na ako sa kanya nakita ko namang wala na sya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pagkalingon ko sa mga libro nakita ko puro mga SPG yung mga iyon.

Aalis na sana ako kaso nakita ko si Excel na papunta sa dadaanan ko kaya lumingon ako uli sa mga librong nandito at kunwari nagbabasa.

May narinig naman akong tawa kaya mahina kong binaba yung libro.

"So you like reading this kind of books, huh?"

Nagulat ako at nakita si Excel na tinitignan yung libro inisip ko na baka may iba pa syang kausap pero tumingin na sya sakin kaya alam kong ako lang yung kausap nya.

Nahiya uloy ako.

"Ah-ahm, hindi napadaan lang" pilit kong ginawang seryoso yung boses ko pero kahit sa totoo lang hiyang-hiya nako.

And ano naman pake nya diba kung basahin ko iyon? Mas mabuting may alam ako sa mga bagay na iyon kesa mag feeling inosente.

"Ano naman kung basahin ko ito" turo ko sa libro pero yung naturo ng darili ko is yung sa abs nung lalaki sa librong iyon.

Narinig ko yung tawa nya at agad ng binalik yung libro, gusto ko nalang tumakbo pababa pamunta sila Hanna.

Argh, nakakahiya ka naman Natalia.

"Did you read it?" Tanong nya

At hindi ko alam kung ano yung tinutukoy nya baka yung librong hawak ko kanina.

"Ahm, medyo" sabi ko.

"Saan doon?" tanong nya.

Nahiya ako kasi yung nabasa ko ay doon sa scene na naghalikan yung babae at lalaki sasabihin ko paba? Sige sabihin kona.

"Ahm, y-yung... sa.. nag-naghalikan yung babae at lalaki" yumuko ako ng sinabi ko iyon.

Narinig ko namang taka syang natawa.

"W-what?" natatawa nyang tanong.

Tumingin ako sa kanya.

"Nasabi ko na, paulit-ulit! Basahin mo nalang kaya para malaman mo!" inis kong sabi at kinuha yung libro at binigay sa kanya.

Narinig kong natawa sya uli.

"Ano bang nakakatawa? Baliw kana ba? Ganun bayun kapag nasobrahan sa talino" may pagtataka rin sa tono ng tanong ko, sabi kasi nila kapag nasobrahan daw sa talino pwedeng mabaliw ang isang tao.

"Wait Ms. Valdez, i just want to say na hindi ito ang tinutukoy ko"

Huh? E ano? OMG! Yung binigay nya bang notebook! Hala!!!! Nakakahiya ka masyado Natalia Yvonne Valdez!.

"Ahm, ah yun ba oo nabasa ko na, yun lang ba sasabihin mo sige alis nako bye." ni hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon na magsalita pa mabilis akong naglakad na halos mahulog nako sa hagdan.

"Tara na!" sabi ko agad-agad sa kanila nandun na rin si Alyssa hinahanap siguro ako pero inaya ko na silang umalis.

Sobrang nakakahiya! Bakit ba kasi yun yung naisip ko! Arghhhh.

______________________________________

-♥️

Run AwayWhere stories live. Discover now