“Explain yourself Talie” agad na bungad nya sakin noong nasa room na kami.
“Ay bakit anyari” pakikichismis ni Hanna.
Huminga ako ng malalim sya kanila at nagexplain.
“Hala! Eh? Totoo ba? Nakita mo ba yung condo ni Excel?” yun agad tanong nila.
Sa dami ng kwento ko yun lang naalala nilang dalawa.
“Hindi, syaka bakit naman kaylangan kong makita ang condo nya?” tanong ko sa kanila.
“Wala curious lang kami, siguro lahat ng gamit nya mamahalin, mayaman kasi sila ih, alam mo bang nakakapagpatakbo na sya ng kompanya, sa edad nya yon, pero hindi namin alam kung bakit need nya pang mag-aral” kwento nila sakin.
“Bakit ba sya topic natin?” tanong ko sakanilang dalawa.
“Kung ako sayo tea! Jowain mo na, para hindi mo na kaylangan pa maghanap ng trabaho, oh diba?” malanding sabi ni Hanna, nakita ko namang binatukan sya ni Leslie.
“Shunga, dapat pa-easy to get naman muna sya ah” sabi naman ni Leslie, akala ko pa naman magagalit sya sa sinabi ni Hanna yun para gusto nya rin na jowain ko si Excel.
Tumingin ako sa kanilang dalawa.
“Kahit anong sabihin nyo, wala akong balak gawin ang mga iyon, mas gusto kong galing sa paghihirap ko ang mga nakukuha kong pera, kaya tulungan nyo nalang ako maghanap baka may kakilala kayo, kahit anong trabaho basta matino” sabi ko sa kanila.
“May kilala ako, coffee shop ng tito, malakas ako doon kaya pwede kitang maipasok” sabi ni Hanna, kaya naman malapad akong napangiti.
“Talaga? Salamat Hanna” sabi ko at niyakap sya.
“Oo, syaka mabait yun, ako bahala sayo, tanggap kana agad sa trabaho kaya magready ka” masaya nya ring sabi.
“Sasamahan ko sya, ipasok mo kaming dalawa” sagot naman ni Leslie at napatingin ako sa kanya, hindi nya talaga kaya akong iwanan.
“Sige ba, tapos kapag may sahod kayo libre nyo naman ako” natawa nalang kami sa sinabi nya at umuo nalang kami.
Naalala ko nga pala na ibigay kay Excel yung suits nya, inilagay ko ang paper bag sa suits nya at kinuha iyon para maibigay sa kanya.
Pero hindi ko alam kung paano.
“Iss, bahala na si spider man, ibibigay kolang naman ito tapos magpapasalamat at aalis na yun lang” bulong ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong naglakad papuntang H-section, malaki laki rin ang building nila kaya pwedeng pwede akong maligaw, kaylangan ko pa atang magtanong sa ibang estudyante dito kung saan ang room ni Excel, pero mukhang hindi na mahirap yun, dahil sikat naman sya.
Nasa second floor na ako at iniisa isa ko ang bawat room, dahil hindi ko pa alam kung kanino ako magtatanong dito, kasi sa mga mukha nila parang sinasabi nila, no bawal magtanong sakin.
“Hi, mukhang may hinahanap ka ah” rinig kong sabi ng lalaki na nasa harap ko ngayon, napahinto ko kasi ang pogi nya.
“Ah, haha, ano kasi, ahm...” nahihiya kong sagot hindi ko pa matuloy yung sasabihin ko.
“Huwag kang mahiya, hindi naman ako nangangain e.” sagot nya, ang bait nya naman.
Magsasalita pa sana ako pero bigla kong naanino yung lalaking nasa likuran nya.
Excel?
Mukhang kanina pa sya nandoon at nakatingin samin, sakin?
Tumingin ako sa lalaking kausap ko at ngumiti.
“Ah, wala na pala, nakita ko na sya, thanks sa pagtatanong, ahm?” hindi ko alam isusunod ko dahil hindi ko naman alam ang name nya.
“Zake, I'm Zake” pagpapakilala nya sa sarili nya.
“Ah oo thanks Zake, sige” sabi ko at iniwasan ko na sya agad akong tumingin kung nasaan si Excel kanina pero wala na sya doon.
Aalis na sana ako.
“Wait” sabi ni Zake kaya na pa lingon ako sa kanya.
“Bakit?” nakangiti kong tanong.
“Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo sakin” nakangiti syang sabi.
“Ahh, haha, I'm Natalia” pagpapakilala ko.
Napangiti sya, bat ang cute nya?
“Nice to meet you Natalia” sabi nya.
“Nice to meet you rin, ahm, Zake” pagkasabi ko non ay tumalikod na ako.
Umakyat ako sa 4th Floor, at nakita ko ang isang kaibigan doon ni Excel.
“Lark!” tawag ko sa kanya, isa sya sa crush ni Hanna or ni Leslie hindi ko alam.
“Oh ikaw pala, Natalia” sagot sakin ni Lark sya lumapit. “Why” tanong nya.
“Ahm, tanong ko lang sana kung nasan ni Excel?” pabulong kong tanong, pero alam kong narinig nya dahil napamgiti sya.
“Kayo na ba? Bakit mo sya hinahanap?” asar nyang sabi.
“Hindi, may ibibigay lang ako” sabi ko.
“Ano naman? Pagmamahal?” asar nya uli, parang tanga.
“Sabihin mo nalang kaya kung nasasaan sya” seryoso kong sabi.
Kaya naman tumingil na sya sa pang-aasar at seryosong sumagot.
“Nasa Library, galit ata sya kanina, nagdabog naman paounta dito tapos nagdabog ring umalis, ewan ganun siguro talaga kapag may sakit, sige, bye na” pagkasabi nya non at umalis na sya.
May sakit sya? Hala! Baka dahil kahapon, dali dali akong bumaba at nagtungo sa Library.
___________________________________________
-♥️AN: trip kong paikliin ang chapter na toh, hindi ko rin alam kung bakit e, kemekeme nalang ako ganun HAHAHAHAHAHA. 👆🏼😃
YOU ARE READING
Run Away
RandomNatalia Yvonne Valdez is just a simple girl who is studying in Gemini Academy, also known as GMN Academy.She loves to stay in a peaceful place because it is her way to calm down herself and it is also her happiness but then she met Excel Jax Vergar...