5

133 10 8
                                    

VEN

Pusang gala. Nasaan ba si Vaine? Kanina pa ako paikot-ikot sa buong university kakahanap sa bruhildang 'yun. She'll pay for what she did! Humanda talaga siya sa'kin.

"Nasaan si Vaine?!!" tanong ko sa mga kaibigan kong mukhang nadaya sa sugal.

"Gago, 'pre! Binasted ako ni Vaine." Sagot ni Lawrence at padabog na lumabas sa music room.

"Anong nangyari 'dun?" tanong ko kay Drake at Louie.

"Paulit-ulit tayo, pre? Kasasabi lang ni Law na nabasted siya ni Vaine at nasabihan lang naman akong special child." Inis na sabi ni Drake at tinalikuran ako at nagtuloy sa palabas. Anong nangyayari?

"Don't ask me anything, pre. Malala din damage sa'kin," sabi ni Louie na nakatitig lang sa manga niya.

Ang bruhang 'yun! Naghasik nanaman siguro ng lagim niya.

"Ahh, sige pre. Punta lang ako ng cafeteria."

Bigla akong nakaramdam ng pagkagutom. Damn that kiss! Bakit kapag naaalala ko 'yun nanglalambot 'yung tuhod ko? A kiss from a witch.

Papasok pa lang ako ng cafeteria ng may marinig akong sumisigaw.

"Tumabi ka nga diyan, nerd! Alis!"

When will she stop bullying students? It's Vaine, sinisigawan 'yung kawawang babaeng may makapal na salamin.

"Bakit hindi mo sabihin sa buong campus na isa kang nerd-wanna-be at hindi nerd talaga? You don't even have the brain like geeks. You're such a fake! Come on, spill the truth and enlighten us." Umiiyak na 'yung babaeng 'nerd' pero hindi pa rin tinitigilan ni Vaine. Witch!

Dali-dali kong linapitan ang bruha. She causes too much trouble every now and then.

"Vaine, stop it!"

"Whoa! A knight in his casual wear. Hi, Ven! Here's a nerd-wanna-be in distress here."

"Stop it, okay? Tumigil ka na!" Nilapitan ko 'yong babaeng binubully ni Vaine na umiiyak na ngayon. "Okay ka lang?" tanong ko. She smiled at me. Kahit nakabrace at nakasalamin yung babae ay hindi maikakailang maganda siya.

"Okay lang ako," sagot nung babae at tumango.

"That's too rude of you, Ven! Hindi mo manlang ako papansinin?"

Tiningnan ko ng masama ang bruha, ngiting-ngiti pa. May kasalanan ka sa'kin, humanda ka talaga.

"I'm getting tired of you, Vaine! Why don't you just die and go to hell!" Napupuno na ako sa mga kastupidahang pinaggagawa niya.

"Amazing! You want me to die and go to hell? 'Wag na, Ven dahil isasama kita. I will drag you to hell." Yung galit na nakita ko sa mata niya that night, yun ang nakikita ko ngayon. But I don't care. "Oh, mga tsismoso't tsismosa, tapos na ang palabas." Bumalik naman sa kanya-kanyang upuan yung mg nakikiusyuso.

Nakamasid lang sa'min yung babaeng nakasalamin at nakabrace.

"Exit na ako. Bye!" paalam niya at umalis na. Weird.

Nagsusukatan lang kami ni Vaine ng tingin, yung tipong may nagaganap na patayan sa mga utak namin.

***

VAINE

Ako na ang unang nagbawi ng tingin. Nagugutom na ako. Umupo na ako sa pwesto kanina ni nerdy-wanna-be. Akala ng isang 'yun na hindi ko siya mabibisto. Artista 'yun eh, nagpapanggap na nerd dito sa university. Kung ano man dahilan niya, wala akong pakialam. I just hate fake.

"Hindi ka uupo, Ven? Maawa ka sa leg muscles mo," sabi ko at tiningnan si Ven na mukhang galit. Hindi lang pala mukhang galit kundi galit talaga. Hahahaha.

Galit ba siyang kiniss ko siya? Choosy pa hah. Pasalamat nga siya at first kiss ko siya.

"Not beside you."

"Okay, concern lang ako sa mga binti mo. Sayang, gwapo ka pa naman." Ang nonsense ng pinagsasasabi ko. Aish. Kasi naman tuwing naaalala ko 'yung paghalik ko sa kanya. Geez, nagmamalfunction 'yung utak ko. It was just a kiss, Vaine. No big deal.

"We have to talk, Vaine. Sa park, after class." Pagkasabi niya nun ay bigla na lang nawala sa harap ko. Naiwan akong tulala.

Sa park daw kami mag-uusap.

Bakit sa park pa?

***
-end of chapter 5

A/N: Anong meron sa park? Hulaan niyo. Haha

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon