12

117 9 0
                                    

VAINE

Lasing yata 'tong si Ven, paano eh biglang bumagsak sa sahig nung nakaluhod siya kanina.

Tinawag ko 'yung isang maid para icheck kung anong lagay. Ayun, amoy alak nga daw. Magaling. Susugod dito ng lasing. Problema niya sa'kin? Nanahimik na nga ako.

Nag-dial ako sa phone ko. Nag-ring naman agad sa kabilang linya.

"Babe, punta ka dito sa bahay. I need you. Ingat sa pagdadrive. I love you."

Si Lawrence yung tinawagan ko instead na si Ninang Lindsey, nanay ni Ven ang tawagan ko. Mag-aalala lang 'yun. Paano kasi masyadong pasaway si Ven, eversince.

Twenty-five minutes yata ang lumipas at tumunog ang doorbell. Dumating na si babe. Ewan ko ba sa nararamdaman ko. Parang gusto kong biglang nasa tabi ko si Lawrence sa oras na 'to.

Pinagbuksan naman ng isa naming maid, syempre inutusan ko. Ako pa ba mag-bubukas eh ako senyorita dito.

"Babe!" bulalas ni Lawrence at nagmamadaling lumapit sa'kin. Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Anong meron? Sleepover ba ito? Whoa! Pareng Ven!"

Aish. Kasama pala si Pugo.

"Anong nangyari, babe?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Lawrence habang nakatingin kay Ven na nakahiga na ngayon sa sahig.

"Ewan ko diyan. Biglang sugod dito sa bahay, lasing eh." Pinag-isipan ko kung sasabihin ko kay Lawrence yung mga sinabi ni Ven, but I chose not to.

"Ang sama mo, Vaine. Hindi mo manlang inihiga ng ayos si pareng Ven. Mayroon bang comeback ang VaiVen?" Binato ko ng tsinelas kong pambahay si Drake. Ang ingay ng bunganga. VaiVen pa eh, nandito si Lawrence.

"Babe, bakit mo ba sinama si Pugo. Alam mo naman ang ingay at ang gulo niyan."

Ngumiti lang si Lawrence sa'kin at saka tumayo, nilapitan si Ven.

"Nays naman. Hindi ba ako welcome dito sa inyo, Vaine. I'm so hurt." Sabi ni Drake na wari'y nagtatampo, nakanguso pa. Ngali-ngali kong batuhin ulit si Drake ng tsinelas.

"Saan ba natin pwedeng pagpahingahin 'tong si Ven?" tanong ni babe na niyugyog si Ven.

"Gago ka Law, mang-aagaw ka."

Nagkatinginan kaming tatlo. Paano biglang nagsalita ang tulog.

"Ha-ha-ha. Binabangungot si pareng Ven, bigyan ng kape yan!" Baliw talaga si Drake kahit kelan. Pinandilatan ko nga.

"Babe, doon na lang yan sa guest room."

Pinagtulungan buhatin ni Lawrence at Drake si Ven hanggang sa guest room. Aish. Maglalasing lasing tapos bigla na lang makakatulog.

"Tungunu. Bukas lang 'tong si Ven. Ibablackmail ko siya para ibahagi naman niya sa'kin mga chics niya." Inilabas naman ni Drake yung phone niya at pinagkukuhaan ng picture si Ven na mahimbing ang tulog.

I was able to stare at him... kay Ven. Pero sandali lang dahil hinapit na ni Lawrence ang beywang ko.

"Naku! PDA ulit, VaiVen shipper pa din ako." Nakakatawa si Pugo, avid shipper talaga ng VaiVen.

"VaiLaw na ngayon." Sabay naming sabi ni babe.

Bigla namang nag-ring ang phone ni Lawrence at nag-excuse na lalabas ng guest room. Daddy niya daw kasi ang tumatawag.

"Nasabi niya ba?" Nagulat ako dahil biglang naging seryoso ang tono ng boses ni Drake.

"Ang alin?"

"That he needs you and he wants you back." Sagot ni Drake na nakatingin lang kay Ven.

I don't know what to say.

***

VEN

Naramdaman kong may nakadagan sa'kin. I opened my eyes and I almost freak out. Leshe. Nakapatong si Drake sa'kin.

"Hoy!" Takte ayaw magising. Nasaan ba ako? Putragis. Wala akong maalala.

"Babes Loves, kahit na pangit ka, akin ka." Pinitik ko ang kaliwang mata ni Drake, nagsasalita ng tulog. "Tangna! Sakit!" Nagising din. "Waaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"Loko, wag kang sumigaw."

Bumukas bigla ang pinto at ang magkahawak-kamay na si Vaine at Law ang pumasok. Siete. Ito nanaman, nararamdaman ko nanaman.

"Pare, bakit mo ako pinagsamantalahan?" Umagang umaga nang-gagago 'tong si Drake.

"Anong nangyare sa inyo?" tanong ni Vaine.

"Binaboy niya ako at kinuha ang puri ko't dangal. Nasaan ang hustisya para sa fallen 44? Aray~ Grabe ah, ang sakit niyong magmahal." Ang daldal kasi ni Drake nabatukan tuloy ng bruha.

"Tumigil ka, Drake. Ang epal mo talaga kahit kelan. Okay ka na?" Ako ba tinatanong niya? Sa'kin nakatingin eh.

"Pare, nalasing ka ah. Problemang chics ba yan?" Tanong ni Law. Gusto ko ngang sagutin ng, "Pare, sarap mong bigwasan."

"Wala, nagkatuwaan lang kami ni Drake." Paglingon ko kay Drake, tumatawa ang loko.

"Ayusin niyo na mga sarili niyo ng makapagalmusal na tayo."

Hindi ko talaga maalala kung bakit nandito ako kila Vaine at kung bakit pati si Law at Drake ay nandito.

Naunang lumabas yung tuko. Siete. Ang bitter ko ba? Nasasaktan ako eh. Tragis. Ambading.

"Okay lang yan pare, alam kung kayo parin hanggang sa huli."

"Oo na lang." Sagot ko kay Drake at bumangon na at pumunta ng comfort room. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Pag harap ko sa salamin, ibang Ven na ang nakikita ko. Nasaan na ba 'yung Ven na nilikha ko sa loob ng four years? Siete. Pumapatak na pala ang mga luha ko. Ambading. Tch.

Mahal ko kasi 'yun, pero masaya siya sa iba gawa na rin ng pagtataboy ko sa kanya. Kung kaya ko lang siyang bawiin, ginawa ko na. Pero hindi eh, masaya siya. Baka pag gumawa nanaman ako ng hakbang, maging mali ulit ang lahat. Mawala pa 'yung ngiting nakikita ko sa mukha niya. Yung ngiti na hindi ako ang dahilan kundi si Lawrence.

Takte. Makapaghilamos na nga lang.

This is more than a heart break.

This is lethal.

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon