13

88 8 6
                                    

VEN

Nagkakatinginan lang kami ni Drake. Breakfast ba 'to o landian? Ang hirap tuloy lunukin ng pagkain lalo na't nakikita kong naglalandian este nagsusubuan si Law at Vaine.

"Pag-ibig na kaya pareho ang nadarama, eto ba ang simula?" Loko loko talaga si Drake, bigla bang kumanta.

"Wala ka talagang manners, Pugo! Kagabe ka pa." Pinandilatan lang ni Vaine si Drake. Bakit Pugo tawag niya kay Drake? Tch.

Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Hindi ko pa rin maalala yung kagabi. Bigla na lang daw kasi akong napunta dito kila Vaine at nakatulog. Loko nga si Drake, may pictures daw akong tulog na ipopost sa facebook at instagram. Bahala siya, kahit naman tulog ako gwapo pa rin.

"Vaine ako din subuan mo?" Nakapuppy eyes pa si Drake na sinasabi yun.

"Ayoko nga, hindi kita babe. Pugo ka, orange na breading na lang at kwek-kwek kana."

"Ang pogi kong kwek-kwek. I'm sure yummy ako." Ganti ni Drake. Mga baliw.

"Kung pogi ka, edi wala palang panget."

"Babe, sasabay ka bang pumasok sa'kin?" Tanong ni Law kay Vaine. Siete. Bakit ang sweet nila? Nabibitter ako.

"Hindi na, babe. Mamaya pa naman ang klase ko."

Napangiti ako sa loob ko. *evil idea attack!*

"Pare, nginingiti-ngiti mo diyan?" Tsismoso talaga si Drake, lahat napapansin.

"Wala. Vaine, kelan daw uwi nila ninong at ninang?" Pinipilit kong maging kaswal lang ang dating ng boses ko.

"Next week pa nga daw eh, bakit?" Nagtatakang tanong niya. Hindi lang siya sanay na may pakialam ako.

"Wala naman."

"Ahh..."

Napatingin ako kay Law... Awkward lang. Gusto kong basagin ang mukha niya.

Hindi ko masyadong magalaw yung pagkain ko. Hang over ata ang tawag dito sa nararamdaman ko tapos kabiguan ng puso.

Natapos ang agahan at ang sama pa rin ng pakiramdam ko. Umalis na sila Law at Drake. Siete nga eh, magpapaalam na lang sa isa't isa ay makapugtong-hininga halikan pa ang naganap. Sarap ipalibing ng puso ko, durog na durog.

"Umuwi ka na rin." Sabi ni Vaine. Ang sama talaga.

"Ayoko nga." Sagot ko at lumapit sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko dahil bigla ko siyang hinapit sa beywang.

God. Ang tagal ko ng gustong gawin 'to. Sana pala hindi ko na siya tinaboy noon. Sana inintindi ko na lang yung gustong manyari ng parents namin. Edi sana masaya ako.

"Bitawan mo nga ako, Ven! Hindi kana lasing kaya wala kang excuse na umaktong gago!" Alam kong galit siya, pero gusto kong gawin to eh. Ito yung sinasabi ng gago kong puso. Binaon ko yung mukha ko sa leeg niya, narinig ko siyang napasinghap. Putragis kasi. Gusto kong halikan siya tulad ng ginawa ni Law at gusto kong tugunin niya yun tulad ng pagtugon niya sa halik ni Law. Nababaliw na ako alam ko.

"I love you, Vaine."

***

VAINE

Nasa WOW Mali ba ako? Bakit bigla nalang niyang hinapit yung waist ko and ... Aish. Hindi ako makahinga. Nasa leeg ko ba naman ang muka niya. Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa balat ko.

"I love you, Vaine."

Parang tumigil yung tibok ng puso ko. Ano bang sinasabi niya? Anong kagaguhan ito?

Tinulak ko siya pero ang lalong hinigpitan niya yung kapit sa beywang ko.

"Let me go, Ven." Feeling ko pinagtataksilan ko si Lawrence.

"Sana ganito na lang tayo. Sana akin ka, Vaine." Kinikilabutan ako sa sinasabi ni Ven. Anong nangyayari sa kanya? Diba noon kulang na lang patayin niya ako. Oo nga pala, pinagtangkaan niya akong patayin noon, pero bakit siya ganito ngayon.

"Please, let me go, Ven." Ayaw ko sa nararamdaman ko. Iniisip ko ang mararamdaman ni Lawrence sakaling makita niya kami ni Ven sa ganitong sitwasyon.

"Vaine, huli na ba ang lahat? Pwede ka pa bang maging akin? Kung pwede lang irewind ang lahat, kung pwede lang... Hindi ko gagawin yung mga ginawa ko. Sana nasa akin ka pa rin."

Nasa Wow Mali nga yata ako at isa tong malaking prank. Naramdaman kong parang may yumuyugyog.

Ven is crying.

What the heck! All I can feel are  disappointment and frustration. Disappointment kasi I've never expected to see him crying. Frustration kasi huli na ang lahat. Napakahuli na niya kung totoo man lahat ng sinasabi niya. Na kay Lawrence na ang puso ko.

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon