17

102 6 0
                                    

VEN

Hindi kami nag-jive ng buhangin sa Mactan Island sa Cebu kaya heto ako three days pa lang doon ay umuwi na ng Manila at naglungga na lang sa hotel nila Drake the rest of the week. Hindi ko pala kaya mahiwalay sa kanya, kahit nandoon ako hinihila naman ako ng mga paa na magpunta dito.

"Hindi, Vaine. Fiancé mo na ulit ako."

Alam ko namang magugulat siya pero ito na nasabi ko na. Wala ng bawian 'to.

"NO! VEN! Umayaw na tayo pareho, diba? I made everything easy for you and now, why are you making things complicated and difficult again?!"

Ang sama ng tama ko sa babaeng 'to at pati galit niya parang tinutusok ng aspili yung bagay na tumitibok sa loob ng dibdib ko. Tragis. Korni.

"Sorry, Vaine. Pero hindi ko talaga kayang ibigay ka na lang kay Law ng ganun ganun na lang."

"Ang kapal mo! Ang gago mo! Pati kaibigan mo ginagago mo!" I suddenly felt the guilt hearing that. Oo, selfish ako. I don't want to let her go. Sapat na iyong selfishness na iyon para kausapin ko ang parents namin to reconsider that arranged marriaged that she cancelled.

"Vaine, last chance pa please."

"Last chance? You blew all your chances when you pushed me away. Wag kang gago, Ven."

"Please, Vaine. One last chance." I'm desperate and I admit it.

"Look at me!" Galit niyang sabi. "Tingnan mo ako sa mga mata ko, Ven. Nakikita mo pa bang mahal kita? Nakikita mo ba na wala na akong gusto sa'yo? Sumagot ka!"

She's furious at oo, wala na nga. Lahat ng pag-asang nabuhay kanina nang halikan ko siya at sa pagtugon niya ay biglang nawala.

"Mahal ko si Lawrence, Ven. Si Lawrence na yung nandito." Sabi niya pa sabay turo sa dibdib niya.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Alam ko naman yan eh."

"Alam mo naman pala bakit kaya hindi ka lumayas sa harap ko at maglaho na lang?!"

Nabaliktad na nga ang mundo at mga pangyayari.

"No, Vaine. Sabi ni Ninang at Ninong I'll stay here with you dahil next month pa sila uuwi."

"Ganito ka desperado, Ven? Maawa ka sa sarili mo? Wala ka bang pride? Iangat mo nga yang pagkalalaki mo. Wala ka ng aasahan sa'kin. Hope I am making myself clear. Lumabas kana, please."

May magagawa pa ba ako? Is this worth fighting for? Is this worth all the pain? Kaya ko pa bang makitang masaya siya habang ako umaasa na baka bumalik yung dating Vaine na ako lang ang hinahabol habol?

"Eto na ata ang karma ko pero I'll stay. Haharapin ko yung karma ko, ikaw."

"Wag mo akong iniiyakan, Ven! Hindi masayang makitang umiiyak ang taong minsan mo din minahal.  Move on from yesterday, Ven. We're here face-to-face, supposedly kumakabog yung dibdib ko ng napalakas pero hindi eh. Yung utak ko lumilipad kung nasaan ba si Lawrence. I hope you're getting my point here, WALA NA TALAGA."

I forced a smile. I hate this gayish crying shits pero ang sakit eh. Tinataboy kana, still gusto mo pang paulit-ulit ka niyang itaboy at umaasa na baka makulitan siya at tanggapin ka ulit.

"Gago ako. Ang tanga tanga ko na siguro dahil ayokong paniwalaan yang sinasabi mo. But I love you, Vaine. I'm willing to be stucked with this feeling. Karma is a bitch. And you are my KARMA, a bitch and a witch in one."

"Choice mo iyan at labas na ako diyan. Good luck, Ven."

***

VAINE

Nagmahal lang naman ako. Nasaktan kasi pinagtabuyan ako ng taong napili ko noong mahalin. Nag-move on kasi yung ang pinakatamang gawin. Nagmahal ulit kasi muling tumibok ang nasaktan kong puso. And now, yesterday's remains keep haunting me.

"Drake, Reji, pasensiya na but I have to go. May pupuntahan lang ako." Paalam ko sa dalawa na nagmomovie marathon na. Itong si Reji, pasimple pa sa pagkurot kurot kay Pugo.

"Nasaan si pareng Ven? Tapos na kayo?" Nanunuksong tanong ni Drake. Sarap lagyan ng orange na breading ng maging tokneneng.

"Nasa kwarto."

"Gurl, si Papa Ven nandito?"

Tango lang ang isinagot ko kay Reji at iniwan na sila.

Dinala ako ng mga paa ko sa park ng subdivision. Ang park na naging saksi ng chilhood years namin ni Ven. Umupo ako sa kabilang dulo ng see-saw. Paboritong spot namin 'to noon. Dito nabuo yung young promises.

"You'll be the king of my kingdom. Bwahahahaha!" A little witch laughed while spreading her hands in the air.

"Totoo, Vaine?" The cute little boy asked. His innocent eyes are glowing with hopes.

"Oo, Ven. Kapag lumaki tayo magiging makisig kang knight tulad sa mga palabas and you'll be my protector." She smiled while looking intently at him and then again, she laughed.

"Then I'll be your king." He said with assurance he got.

I slightly shook my head. That was innocent yet so childish of me. Bata pa nga kami nun. We were three if I am not mistaken. Isa sa mga pinakapaborito kong alaala sa park na ito. It happened exactly here,  sa see-saw.

When promises are meant to be broken then it will surely break. Kahit naman gusto mong tuparin iyon kung ang tadhana na mismo ang nagtakda para hindi matupad yun, wala kang laban. This is fated to happen-- ang mainlove, masaktan at magmahal ulit. Natuto na ako sa kahapon kaya hindi na kailangang lumingon pa.

Napapangiti ako at biglang tibok ng puso ko nang biglang litaw ng mukha ni Lawrence sa isipan ko. Today, it's you babe.

"May mga bagay na dapat binabalikan dahil nandun lahat ng kasagutan."

Napalingon ako sa nagsalita. Bakit siya sumunod?

"Binabalikan para tuluyang makapagpa-alam at iwan. Goodbye, Ven."

Tumayo ako mula sa see-saw at nagsimulang maglakad palayo ng park at iwan lahat ng alaala meron sa lugar na 'yun.

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon