8

95 9 0
                                    

VAINE

Gustuhin ko mang magtatakbo, hindi ko magawa. Masyadong mabigat yung sakit na nararamdaman ko. I am just standing here, face to face with him. Mababakas sa mukha niya ang pagdiriwang. He's happy na nasasaktan ako. He's happy that he has the capability to hurt me like this. Bakit ba kasi I have to admit to myself na hindi ko lang pala siya gusto kundi mahal na? Mas malala tuloy 'yung epekto ng sakit sa buong pagkatao. Loving someone who hates you is suicide.

"Masaya ako, Vaine. You're causing me troubles every now and then. Seeing you almost on the verge of crying, I want to celebrate. Come on, let's celebrate." He is happy. Letse ang lalaking 'yan. He held my hand at lumabas kami ng library.

Yung paraan ng paghawak niya sa kamay ko, lalo akong nasasaktan. It's like he is so near yet so far. Hindi ko na napigilan at naiyak na ako.

Nandito na kami sa isang shade dito sa university. May nakakalat kasing shades dito sa buong campus na dinesenyo para maging tambayan ng mga students.

Tuloy-tuloy lang ang agos ng mga luha ko. Cupid is indeed stupid. Hindi dapat nasasaktan ang mga nagmamahal, dapat masaya sila. Dapat masaya ako pero hindi.

"Umiyak ka lang, Vaine. Natutuwa akong panoorin kang ganyan. Natutuwa akong nasasaktan ka. It's crazy but I feel happy." Nakangiting sabi ni Ven na nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko. Sadista siya.

NO! Ayokong maging napakahina. Dinukot ko yung panyo ko at pinunasan yung mga luha ko. And then I smiled at him.

"Masakit, Ven. Masakit sa pride that you rejected me again. Pero immune na ako sa ganito, immunena ako sa ugali mo. Ngayon natin pag-usapan ang lahat." We really need a good talk after a good cry. Tama yan, magiging resilient ako. Dahil anuman ang mangyari, we will still end up together. Sa akin pa rin ang bagsak niya.

"Ngayon ko lang napatunayan kung gaano ka kabaliw. And witches do cry huh? You amazed me."

"I'm taking that as a superb compliment." Hiding the pain I am feeling kahit magmukha akong lukaret sa harap niya, I smiled. We need this 'peace talk'. Syempre, hindi 'to peace talk. This would just be a start of bigger plan I have in mind. I have to give him much space and I need to take a break from all these.

"I'm calling the arranged marriage off." I said as I cleared my throat. Ang sakit pala talaga na ako 'yung tatapos ng mga pangarap ko. Ven has always been a dream. Once a sweet dream that became a nightmare.

Nashock siya sa sinabi ko. I know right, hindi siya makapaniwala.

***

VEN

"I'm calling the arranged marriage off."

The day has come when finally I am going to be free. My freedom is all in Vaine's hand. Nakasalaylay sa bruhang 'yan ang future ko.

Let me tell you a story. Bata pa lang kami ay ipinagkasundo na kami ng mga magulang namin na ipakasal pag dumating na 'yung tamang panahon. Vaine and I both knew it. When we were thirteen ay sinabi sa'min 'yun ng mga magulang namin. And the moment they told me that, naging distant na ako kay Vaine. I started hating her kahit pa nga magkasundo kami noon. We were fourteen when she started being vocal about liking me and all, and that was also the start when she bugs me around.

Day by day, the hatred got deeper. Lalo na pag pinapaalala ng mga magulang ko na I should be staying away from girls dahil kay Vaine lang ako. I felt like that arranged marriage was manipulating me. Naging mas rebellious ako sa sarili ko. Dahil nga mahilig ako sa mga babae, naging playboy ako.

Natutuwa ako at naisipan niyang 'wag ng ituloy ang kalokohan ng mga magulang namin.

"Napag-isip isip kong ayaw kong matali sa taong napipilitan ko lang gustuhin." Sabi pa niya. Buti naman at naisip niya 'yun. Kawawa ang kagwapuhan ko kung sa kanya lang ako matatali. I am facing the more mature version of her, not so witchy but bitchy.

"I'm cool about this. Thanks, Vaine!" Nginitian ko siya, perhaps the most genuine smile I gave her after how many years of faking everything.

"But I have one condition to make." Napatitig ako sa brown eyes niya, isa sa mga masasabing assets niya. "Let's act civil when our families are around and act strangers outside. Ako na magsasabi sa kanila, hahanap ako ng tiyempo."

"Geh." Ewan ko kung bakit yun lang ang naisagot ko at walang paalam na iniwan siya sa shades. Five minutes na lang kasi klase namin.

Masaya ako. I CAN NOW LOVE HER, freely.

-end of chapter 8

Author's Note: Hyper ang utak ko sa mga mangyayari kaya sunud-sunod ang update. Hahaha!

Happy reading! :)

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon