11

140 10 5
                                    

VAINE

Why so sungit? May regla nanaman siya. I'm not demanding na maging nice siya sa'kin or what. What I'm asking is sana man lang magawa niyang maging casual sa'kin. Tumigil na nga ako sa lahat ng kagagahan at kaestupidahang pinaggagawa ko noon. Halata kasing palaging badtrip whenever I'm around. Wala siyang magagawa dahil ako ako lang naman ang magandang girlfriend ng kaibigan niya.

"Babe, lately ganun si Ven. Baka may problema siya sa bahay nila. May alam ka ba? Diba close families niyo." Nagsimula kaming maglakad ni Lawrence, ihahatid niya kasi ako sa next class ko.

"Ewan ko, babe. Wala namang nababanggit sila mommy at daddy. Kung meron man, I'm sure naibalita na sa'kin." Truth is, I don't really care. Simula ng napagdesisyunan kong mag-move on ay pinutol ko na lahat ng care for him. He's nothing but an ugly past. Minahal mo din 'yun. Hiyaw ng kontrabidang part sa konsensiya ko.

"Siguro may problema lang sa isa sa mga babae niya. Babe, sabay ulit tayo maglunch mamaya hah? I love you babe."

"Sige, babe. I love you too." Sabi ko sabay kapit sa braso ni Lawrence.

Lawrence is love and happiness. Nakita ng mga magulang ko na masaya ako kay Lawrence kaya kahit si Ven ang gusto nila ay hinayaan na lang nila ako.

"Babe, mamimiss kita. I love you always." Gusto kong maiyak kasi napakasincere ng I love you ni Lawrence, nakikita ko 'yun sa mga mata niya. Nakakaoverwhelm ang pagmamahal niya.

"OA na babe hah, magkikita pa tayo mamayang lunch eh." Natatawa kong sabi at kinuha ang bag ko na bitbit niya.

He just smiled and kissed me. If public display of affection is a crime then we are criminals. Haha.

The kiss lasted for many seconds, hanggang sa kailangan namin tapusin dahil madaming tsismoso't tsismosa na ang nagpipyesta sa kissing scene namin ng babe ko.

"Ingat ka, babe. I love you." Pagkasabi ko nun ay kumawaypay pa ako sa palayong si Lawrence. I even mouthed 'thank you'.

"Tapos na ang palabas pwede na kayong magsiupo, nakakahiya naman sa inyo. Nabitin ba kayo sa kissing scene namin ng boyfriend ko? Next time tatagalan namin." Sabi ko sa mga kaklase kong tsismosa na agad namang nagsiupo sa seats nila.

Pero may tumayo bigla na isa kong kaklase. Ang mahaderang si Celine.

"Ang galing mo, Vaine. Pagkatapos kay Ven si Lawrence naman. Malandi ka rin pala." Tiningnan ko siya from bunbunan to kuko sa paa. Chakang mahadera. Si Vaine Ramirez talaga babanggain niya? Sorry siya.

"The last time I checked myself, hindi ako malandi kundi maganda. Baka ikaw ang malandi. Diba may sugar daddy ka at call girl ka? Ay, sorry. Hindi pala malandi ang appropriate description para sa'yo kundi slut. Or whore. Or hoe." Napanganga naman siya. Bumuka yung bibig niya para magsalita pero sinara na lang ulit at naupo. Nagbulungan naman ang mga kaklase kong nakarinig sa sinabi ko. Mga tsismosa!

"May araw ka rin sa'king babae ka." Narinig kong bulong niya.

"Celine, hindi mo naman gustong ipagkalat ko ang little secrets mo, right?"

Yeah, babies. Witch pa din ako kahit na marami ng pagbabago sa buhay ko.

Mabilis natapos ang araw ko, naglunch kami ni Lawrence ng sabay tulad ng usual na ginagawa namin at hinatid niya ako pauwi. Usual day, but a happy one.

It's skype time with the ugly Mina.

"Hoy, panget! Anong balita sa'yo?" pangungumusta ko sa kaibigan kong si Mina. Oo, si Mina na ex ni Ven. Nabuo ang friendship namin dahil pareho kaming naging sawi noon kay Ven.

"Eto gaganda na rin, pagbalik ko diyan humanda ka at mas beauty na ako sa'yo." Baliw talagang babae, hindi ba naman mukha ang hinarap sa'kin sa camera kundi yung paa niya, which I think is much better kasi mas hamak na maganda yung paa niya kesa mukha niya.

"Asa ka diyan. Ang matsing kumain man ng saging, matsing pa rin."

"Hard mo talaga, Vaine. Musta na pala ang VaiLaw?" Tsismosa pa rin talaga ang panget.

"Masaya." I'm smiling while saying that.

"Obviously, but how about VaiVen? You know I'm shipper."

"Tse! Magsama kayo ni Pugo! VaiVen ng VaiVen, wala na kaya 'yun." Tinawanan lang ako ng baliw. "Pero seryoso, Vaine naka-move on ka na sa kanya?"

"Baliw. Hindi ako magiging masaya ng ganito kung hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. He's just an ugly jerky past." I'm really done and over with Ven. Nabibitter ako paminsan minsan which I think is normal, pero yung dating care, wala na.

"Just making sure, may balak kasi akong makipagbalikan."

"Sige, para umiyak ka ulit ng lawa." It's my turn to laugh. I know she's only kidding. Alam ko kung sino bagong type niyan.

"Ah basta, kita na lang tayo so soon. Bye na muna for now."

We bid goodbyes. Ang panget na 'yun biglang naglaho dito sa Pilipinas at biglang nasa Thailand niya. Grabe ding mabigo ang isang 'yun. Palagi pang sinasabi na mas maganda na siya pagbalik niya, which I doubted na mangyayari.

*tok* *tok*

"Ma'am, may bisita po kayo." Sabi ng maid na kumatok sa kwarto ko.

Sinong bisita? Baka si Lawrence, isusurprise nanaman ako. Kaya ko mahal na mahal 'yun eh, masyadong sweet.

Hindi na ako nagtagal at bumaba na rin, nag-ayos lang ako ng kaunti.

But to my surprise, it's not Lawrence.

"What do you need, Ven?" Diretsa kong tanong kay Ven na nakaupo sa sala, feeling at home.

"I need you." Parang lumundag ang puso ko sa narinig ko.

"Wow, it's too early for you to realize that you need me huh." I said sarcastically.

"I'm damn serious. I need you." Madiin ang pagkakasabi niya. Anong nangyayare at may ganitong drama? Sawa na ba siya sa buhay niya?

"I don't care, really. I don't need you anymore."

Iiwan ko na sana siya pero bigla ba namang lumuhod.

"Please, Vaine."

I don't actually get what's happening.

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon