9

100 10 4
                                    

DRAKE

VaiVen shipper ako kaya nalulungkot ako sa mga nangyayari. Si Lawrence ay head over heels inlove kay Vaine, while Vaine is already in her way of loving Lawrence. Si Ven naman nagpapanggap na masaya sa mga chics niya kahit ang totoo ay hindi naman. Si Louie ay mukha nahanap na ang katapat niya. Ako, eto gwapo pa rin at nagmamahal ng palihim at naghihintay sa kanya. Lupet ng mga nangyayari sa Ape Four. Moom peyyns!

Pasensiya na sa poging point of view ko. Pogi talaga ako at mahal ko si... *pabitin*. Sana soon isulat na ni author ang lovestory ko.

Ang kahapon ay nakakonekta sa ngayon at ang magiging desisyon natin ngayon ang huhusga sa hinaharap. Magkabuhol-buhol man ang mga tali, madadapa ka pa rin sa taong nakalaan sa'yo.

Naks! Ano ba 'tong sinasabi ko, daldal ko na 'no? Basta kayo na lang umintindi.

"Hoy, Drake. Baliw ka ba? Wala ng VaiVen! Tanggalin mo 'yung pinost sa facebook, bilis!"

Uwahh. Ayan na si Vaine! Tatawagin nanaman akong mongoloid niyan. Tungunu. Ang pogi ko namang mongoloid.

***

VAINE

"I love you, babe!" Hyper nanaman si Lawrence, lagi naman eh.

"Nauumay na ako kaka-I-love-you mo." Natatawa kong sabi. Paano eh sobrang kulit, hindi maubusan ng I love yous, minu-minuto yatang sinasabi 'yun tuwing magkasama kami.

Everything had changed. My life now is better. I'm now feeling a pure bliss with Lawrence. We've been together for two months now.

I moved on from Ven. I backfired from my plan. Nakita ko kasi kung gaano siya kasaya nung pinakawalan ko siya. I called the arranged marriage off. Though nalungkot ang parents namin, wala na rin silang nagawa. Ako si Vaine, kapag ginusto ko, nasusunod. But I failed with that once, nung nagpilit akong makuha si Ven, nasaktan lang ako. I let him go kasi mahal ko siya. Or I rather say, minahal kasi may bago na akong mahal ngayon.

I still feel bitter kapag naaalala ko si Ven, but it's normal, nasaktan ako eh.

When you really love someone you have to let him go, but Lawrence said, when you love someone at least give it a try. Tama siya, I tried to reach out with Ven. I tried na pasukin 'yung puso niya, 'yun nga lang I had strange ways of doing that, it only annoyed, irritated, and disgusted him to the extent that he hated me. But it was all in yesterday's craziness and effs. Now, it's better.

"Babe naman, 'wag sanang mangyari yan. Hindi ko matatanggap." Lawrence is a perfect boyfriend. Mabait, maalaga, at sweet. I couldn't ask for more. I feel loved and needed, mga bagay na hindi ko naramdaman ng si Ven yung mahal ko.

"Naku hah, tigilan mo na kasi ako. Nakakaumay pa naman 'yang pagmumukha mo." Nagbago man ang lahat pero hindi ang ugali ko, prangka pa rin ako.

"Nakakahurt na 'yang sinasabi mo, Vaine." Tatawa na sana ako kaso nakita kong lumungkot ang ekspresiyon ng mukha niya.

"Honest lang ako, babe. Pero mas nakakaumay pa rin yung pagmumukha ni Drake, mukhang itlog. Makikita ko pa lang, parang masisinok na ako." Tumatawang sabi ko. Ang daling tumawa pag masaya ka.

"Hard mo, babe." Pagkasabi ni Lawrence nun ay hinila niya ako palapit sa kanya at ninakawan ako ng halik sa labi.

"Kadiri ka, babe! Nag-mouth wash ka ba?!" bulalas ko para maitago yung kilig na nararamdaman ko.

"Nakita ko 'yun! Nakita ko 'yun!" Biglang pasok ni Drake sa music room kasunod si Louie at Ven. Hmm... Nakakahiya naman kung nakita talaga nila yun. Niyakap ako ni Lawrence mula sa likuran ng mahigpit.

"Mahal kita," bulong niya pa sa'kin.

"Kinikilig na ako. Kasalanan mo 'to," mahinang sambit ko.

"Anong bago, 'pre?" tanong ni Louie.

"Kami pa rin. Ikaw kumusta, Louie? Hi, pugo! Hi, Ven." Masigla kong bati sa Ape Four. Civil lang ako kay Ven kahit mas naging cold siya sa'kin ngayon. I admit, nabibitter pa rin ako pero masyadong sweet ang boyfriend ko para magpaapekto sa nakaraan.

"Naks! Tungunu. Kayo na may lovelife." Natawa ako sa reaksyon ni Drake. Parang baliw lang na umaktong nasasaktan, nakahawak pa yung kamay niya sa dibdib niya.

"Pare, we're are perfectly fine. Diba, babe?" Sabi naman ni Lawrence at kinintalan ako ng halik sa buhok ko. Sweet niya talaga. Kinikilig ako. Persistent na manliligaw si Lawrence noon kaya kahit na broken ako kay Ven at palagi siyang tinatanggihan ay nag-effort parin siyang manligaw sa'kin hanggang sa sinagot ko na siya. Noong una ay nakukulitan lang ako sa kanya kaya ko sinagot pero nang lumaon ay na-fall na rin ako. It was great ng marealize kong si Lawrence na ang mahal ko.

"Edi kayo na masaya lovelife." Natahimik ako sa sinabi ni Ven. Usually kasi, no say siya about sa relasyon namin ni Lawrence.

"Naku hah! Sinasabi mo bang malungkot ang lovelife mo, 'pre?" Tudyo ni Drake.

"May nangbasted ba sa'yo, 'pre?" tanong ni Louie.

"Asa pa, ako nangbabasted." Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero parang tumingin siya sa'kin at mabilis na binawi 'yun.

"Baka naman lalaki na gusto mo, 'pre?" biro naman ng babe ko. Ako tahimik lang, we're not close para magkomento.

"Loko ka, Law. Sayang lahi ko."

Tawanan lang sila.

"Nakarma ka na siguro, Ven."

Gusto kong takpan 'yung bunganga ko, bigla na lang nagsasalita eh. Huli na para gawin 'yun kasi nakatingin na siya ng masama sa'kin. "Joke lang." Bawi ko at nag-peace sign.

"Whoaa! That was so VaiVen! Namiss ko 'yun." Baliw talaga si Drake, VaiVen ng VaiVen pa rin. VaiLaw na kaya ngayon.

"Karma? Hindi tumatalab sa'kin 'yan. Ang bitter mo naman yata sa akin, Vaine. Pakasaya ka na lang sa lovelife niyo ni Lawrence." Before nag-sink in 'yung sinabi sa'kin ni Ven ay mabilis siyang lumabas ng music room.

"Anong nangyari kay Ven?" tanong ni Louie na ngayon ay nakaupo na sa couch at nagbabasa nanaman ng manga.

"May regla ata si pareng Ven ngayon." Natatawang sabi ni Drake.

"Babe, sorry." Sabi ko kay Law na mas humigpit ang yakap sa'kin. I felt like doing so.

"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko inasahan 'yung tanong ni Lawrence, mahina lang 'yung pagkakatanong niya pero ramdam ko 'yung kaba niya sa isasagot ko.

"Hindi na," diretsong sabi ko. Yun ang sinasabi ng puso ko. I can't lie when it comes to feelings. Vocal ako sa ganyang bagay.

"Louie, pare usog ka nga dito sa tabi ko. Yakapin mo rin ako. Inggit ako." Pagpaparinig ni Drake, baliw talaga. PDA kasi kami. Pakialam namin. Hahaha.

I love this guy who's hugging me right now, no question with that.

-end of chapter 9

Author's Note:

Wheew! Sensiya kung biglang ganito. Sadyang nangyayari ang ganito. Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari sa VaiVen ngayong may Lawrence na si Vaine.

*Makulit pero wagas kapag nainlove. It's Drake Villareal. Abangan po ang istorya niya, soon! :)

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon