7

115 11 0
                                    

VAINE

Aish. Naaalala ko pa lang na hindi ako sinipot ni Ven kagabe dun sa park ay kumukulo na ang dugo ko. Plus, nilamok pa ako ng bongga. May red small spots na tuloy ang aking flawless skin. Dapat next time mag-off lotion na ako o hindi kaya ay magbaon ng katol. Nakakabadtrip!

"Hi, Vaine!" bati sa akin ng hindi ko kilalang lalaki. Obviously, kilala niya ako kasi tinawag niya ang aking beautiful name pero ngayon ko lang nakita ang gwapong 'yan dito sa KU.

"Excuse me, I don't talk to strangers. How did you know my name?" Stalker ko siguro.

"Vaine, naman si Lawrence 'to."

"Lawrence?" Ang hirap ng mga taong feeling close. Ang dami kayang Lawrence sa buong Pilipinas.

"Oo, Lawrence Benedicto."

"Weh?" Nakakakilabot naman kung si Lawrence talaga 'yan. Pinuri ko pa naman siyang gwapo sa isipan ko. "Kung si Lawrence ka, nasaan na 'yung bangs mo?" Ang gwapo ng kaharap ko at ang linis tingnan, walang dugyot at chaka na bangs na k-panget.

"Vaine, I wanted to show to you that I was serious when I told you that I am going to court you, kahit pa nga binasted mo na ako. Gusto mong gupitin ko, I did." Hinablot ni Lawrence yung bag ko sa kamay ko. "Ako na magdadala."

"Binasted na kita, diba? You know what Lawrence kahit naman pinaputol mo na yung bangs mo, still, si Ven pa rin ang gusto ko. See, it's useless."

"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." Seryoso ba si Lawrence sa pinagsasabi niya?

"Then?"

Lawrence is not that bad, pero it's Ven who I wanted. It's Ven who I badly needed to have, only him.

"Asahan mong I'll be always here to rescue you." Napatigil ako sa paglalakad at napatitig kay Lawrence. Kung pagbabasehan ang ekspresiyon niya sa mukha at yung titig niya sa'kin, I can say he is sincere.

Ngumisi ako sa kanya. "Give me my bag. Later, lunch sa cafeteria."

"Whoa! You mean, pumapayag ka na?" It's like Lawrence's world lights up with the kind of smile he has in his face.

"Hindi. Babastedin ulit kita."

Inabot ko na yung bag ko at nag-wave ng shoo kay Lawrence, ibig sabihin umalis na siya sa harap ko. Tapos humakbang na ako papasok ng room for my first subject.

For the record, si Lawrence pa lang ang unang naglakas-loob na magpaalam na manligaw sa'kin. I am very vocal sa pagkakagusto ko kay Ven kaya walang sumubok, ngayon pa lang. Hmmm. Still, it's Ven.

***

VEN

Dapat na ba kaming kabahan, kasi si Lawrence mukhang nahook na sa isang bruha, si Vaine. Nagpagupit siya para lang sa bruhildang 'yun, creepy. Kung baka nga hindi namin alam kung gaano kamahal ni Lawrence yung bangs niya ay maging normal lang ang reaksyon namin. But it's his trade mark, he was known for that, having that messy bangs. Part 'yun ng personality and suddenly neat cut na yung buhok niya. What's with love? We were laughing our ass off when we saw him with that hair. That was not so Lawrence. Pwe! Pag-ibig. Basta ako, masaya sa mga babae ko.

"Pare, anong ngiti yan?" Puna ni Drake na nagtitipa sa laptop niya.

Hindi ko talaga mapigilan na matawa kay Lawrence.
"Wala, naiisip ko lang si Law. Ang lakas ng tama niya doon sa bruhang baliw na 'yun."

"Loko, 'pre. Dami ko nga ding tawa dun kagabe nung samahan ko siya sa mall. Maiyak iyak pa siya habang ginugupitan. Para daw sa pagmamahal niya kay Vaine, isasakripisyo niya ang lahat. Tungunu. Korni ni Lawrence!" Sabay kaming napahalakhak ni Drake. Kaklase kami sa isang subject, buti wala tao sa designated room namin maliban sa aming dalawa. Mukha pa naman kaming mga ewang nahalakhak na lang. 

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon