6

155 9 11
                                    

LAWRENCE

Kahit magpakalbo ako ay gagawin ko, pumayag lang si Vaine na ligawan ko siya. Ayaw kong nakikita siyang naghahabol siya kay Ven, nasasaktan ako. Decided na akong i-pursue siya, pumayag man siya o hindi. Bahala na si Naruto.

Lawrence Benedicto here. Second year sa Kryptonite University, taking up Bachelor of Science in Accountancy. Simpleng gwapo, simpleng matalino, at simpleng may gusto kay Vaine Ramirez. Hahamakin ko ang lahat maging akin lang siya.

"Pare, sure ka? Papagupit mo 'yang bangs mo. Diba nga basted ka na kay Vaine? Tibay 'pre, martir!" dada ni Drake.

"Oo, 'pre kahit masakit mabasted, susubok ako ulit." Martir ba? Sorry nagmamahal lang.

"Wheew. Pumapag-ibig tayo ah. Hulaan ko ending niyang nararamdaman mo 'pre, kamatayan ng puso mo." Ang supportive talaga na kaibigan ni Drake.

"Oo na, ikaw na shipper ng VaiVen."

Papunta kaming mall magpapagupit ako sa salon, kakatapos lang ng klase ko sumama si Drake dahil mag-chichix seeing raw. Playboy talaga, buti ako mabait lang.

"Alam mo kasi, pare, si Vaine at Ven nakatadhana sa isa't isa, nakalaan para magkatuluyan, 'wag ka ng umepal pa~ ... Namu, 'pre! Dahan dahan naman." Bigla kong natapakan yung preno ng wala sa oras, pinagsasasabi kasi ni Drake. Hindi ko isusuko 'yung nararamdaman ko ng ganun na lang. To think na halos isuka na ni Ven si Vaine.

Ako ang para kay Vaine dahil mahal ko siya. Nagmamahal lang.

***

VAINE

Gaya ng napag-usapan, eto papunta na ako sa park. Naglalakad lang ako, ala-siete na at malamig na ang hangin ang dumadampi sa aking flawless skin. Bakit ba kasi sa lahat ng lugar na kung saan pwede kaming mag-usap, eh dito pa.

Natatanaw ko na ang park. Ang laki na pala ng pinagbago sa lugar na'to. Mas dumami ang palaruan at ang ganda na ng landscape.

Medyo madilim na din at buti na lang madaming lightings sa paligid. Hindi nakakatakot kahit gabe na.

Umupo ako sa isang bench para hintayin si Ven, napaaga yata punta ko, pero pareho naman sched namin.

"Balut! Balut po kayo diyan. Balut! Balut po!" narinig kong sabi ng tinderong may bitbit na styro.

"Mam, balut po kayo?" Nagulat ako dahil nasa harapan ko na yung magbabalut. "Pampagana po, mam."

Dahil nainis ako kay kuyang magbabalut ay tinarayan ko siya. Pampagana? Mukha ba akong matamlay?

"Excuse me, kuya. Kung gusto ko ng balut siguro kanina pa kita tinawag. Pwede po bang umalis na kayo sa harap ko?" Mahinahon pero mataray kong sabi, nagpipigil lang ako. May respeto naman ako kahit papaano.

"Mam, pampagana po ang balot para pag naglabing labing kayo ng hinihintay niyo ay agresibo kayo."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. My brow exaggeratedly arched one hundred eighty degrees celcius.

"Bastos ka kuya hah. Gusto mong ireport kita sa BIR? I'm sure hindi ka nagbabayad ng tax. O gusto niyong sa pulis ko kayo ireport, harassment 'tong ginagawa mo!"

"Taray naman," mukha namang natakot yung magbabalot dahil pagkasabi niya nun ay umalis na sa harapan ko. Mabuti naman. Nasaan na ba kasi si Ven? Wag niyang sabihin na mang-iindiyan siya.

One hour na akong nag-aantay, wala pa rin si Ven. Nilalamok na ako dito sa park. Ang tino ng usapan namin tapos hindi niya ako sisiputin, magaling.

Tayo upo ang ginawa ko, naiinip na ako.

"Bakit? Bakit ang pangit ko? Lord, bakit kasi ng magsabog ka ng kagandahan sa mundo, busy ako? Bakit?"

Gusto kong matawa sa nagdadramang babae na natatabingan ang mukha ng mahaba niyang buhok na nakaupo sa swing at nagpapapadyak pa ang paa. Nacurious ako kaya nilapitan ko.

"Miss, are you okay?" tanong ko. Gulat ko nang hawiin ng babae yung buhok niya. Si Mina pala, isa sa mga babae ni Ven. Don't tell me dito sila nagdedate ng babaeng may pasang-awang kagandahan na yan.

"Vaine?" Yeah right, nagulat din siya. Hindi niya yata inaasahang may magandang tulad ko ang maliligaw sa park na'to.

"Yeah, this is me. This is not a nightmare. I'm real."

Nakakaawa naman ang hitsura ng babaeng yan. Kalat kalat na yung make up niya sa mukha. Itim na yung gilid ng mga mata niya sa nagkalat na maskara. Pati luha niya parang tubig sa imburnal.

"Vaine, panget ba talaga ako?"  Obviously, oo, panget siya. Hindi na kailangang itanong.

Nakatayo lang ako sa harap niya. 

"Alam mo, kung kagandahan ko pagbabatayan, panget ka nga talaga. But you know what, life is not all about physical looks. Don't put too much effort pleasing others. Just be who you are and surely you will stand out from the rest."

"Iyan na ang pinakamagandang sinabi mo, Vaine pero I don't believe that physical looks doesn't matter. It does. We're living in a cruel world." Pagkasabi niya nun ay tumayo na sa swing at pinahiran yung mga luha niya sa mata. May pinagdadaanan ang isang ito. "Hindi ka naman pala masama, totoong tao ka lang. Salamat."

Naglakad na siya palayo sa'kin. Wow, resilient girl. I like her na.

"Wait, Mina!" tawag ko sa kanya at lumingon naman. "Next time, make sure na mas maganda ka na sa'kin." And I smiled at her.

"Oo ba," tuluyan na nga siyang naglakad palayo sa park. Pang-tao pa din naman ang hitsura ni Mina, it's just that hindi siya papasa sa lebel ng pagiging maganda.

Nasaan na ba si Ven? Nilamok na ako't lahat, wala pa rin. Tss

***

VEN

"Let me explain, Shan. I'm busy this past few days kaya hindi kita madalaw sa inyo." Hirap din pala maging gwapo at magkaroon ng lima limang girlfriend. 

"Puro ka palusot, Ven! Sabihin mong nambabae ka lang! I hate you." Maluha-luhang sabi ni Shanaya. Ang hirap talagang ihandle ng mga babae. Si Shan pala, she's my number #1 girlfriend ang pinakamatagal sa lahat.

"Shan naman. Maghahanap pa ba ako ng iba kung kasing ganda mo naman ang girlfriend ko. You are more than enough." Sana lang gumana ang pag-dadrama ko.

Pagkatapos lang klase ko kanina ay tumawag na si Shan, mag-usap daw kami. Kaya heto, pinagbibintangan akong nambabae which is totoo naman. 

"This! Lunukin mo lahat ng kasinunggalingan mo! Makarma ka sana!" halos humiwalay ang ulo ko sa katawan ko. She just slapped me at nagkalat 'yung mga litrato kong may kasamang iba't ibang babae. Putragis! Parang alam ko na kung sino ang may pakana neto.

Ang bruhildang 'yun, inuubos niya na ang pasensiya ko. Bakit ba kailangan niyang makialam sa buhay ko? Litsi!

"We're over!" isang sampal ulit ang dumapo sa pingi ko at iniwan akong akong nakatanga sa parking lot ng Louissy's Diner. Sayang kagwapuhan ko. Ilang sampal na ba ang natanggap ko sa araw na ito? Isa lang ang may kasalanan neto. Vaine! Ubos na pasensiya ko sa'yo!

"Babaero ka kasi, dapat lang 'yan sa'yo. Pogi ka nga, mapaglaro ka naman sa babae," biglang may babaeng sumulpot sa tabi ko. Isang babaeng baduy manamit pero maganda.

"Lala Ligaya ang pangalan ko at isinusumpa kong mabaog lahat ng mga lalaking manloloko," muling nagsalita yung babae tapos may biglang humilang lalaki sa kanya.

"Potaina, Homo! Bitawan mo'ko!" narinig ko pang sigaw ng babae habang palayo sa kinaroroonan ko.

3 down for today.

Vaine! Masasakal kita!

-end of chapter 6

Author's Note: Lala Ligaya is the Ampalaya Girl. :)

Yan hah, may POV na si Lawrence. VaiLaw or VaiVen? :)

Yesterday & TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon