Ikasampung luha, ikasampung tula, mga PANGAKO mo'y unti-unting nabubura.
Ikasampung luha | Pangako | lazyrature
-
Marami ng pangako ang napako,
Parang bula na bigla na lang naglaho,
Pangakong sa imahinasyon mo na lang matatamo,
Tila nasunog dahil naging abo.Mga pangakong isinambit,
Hinliit ay ikinawit,
Sa puso't isipan ay iginuhit,
Ngunit tila isang papel dahil biglang napunit.Sa t'wing masisilayan ang buwan,
Ang mga anino ng nakaraan,
Ay nanunumbalik sa aking isipan,
Na nagdudulot ng aking kasawian.Pagsapit ng haring araw,
Pangalan mo ang isisigaw,
Tatayo't lalaban para sa bagong pananaw,
Para sa bawat araw na sisilaw.-
![](https://img.wattpad.com/cover/252344191-288-k641128.jpg)
BINABASA MO ANG
Project Poetry (Non-stop)
ПоэзияNon-stop. | Language: Filipino & English Mga pinagsama-samang mga luha, aking gagawing instrumento upang magakawa ng iisang akda pero marami at siya ang pangunahing paksa. © Lazyrature