Maganda na sana ang araw ni Jodie. Excited na siya sa unang meeting kasama ang production crew at iba pang makakasama sa bago niyang raket bilang mentor at judge para sa isang talent search kung saan ang sampung mapipili ay sigurado nang magkakaroon ng cash prizes, scholarships at kontrata bilang musical theatre actors.Natutuwa siya sa project na ito dahil bukod sa tatlong theatre companies ay ka-tie up din ng lifestyle and entertainment cable Channel 33 ang culture and arts department ng gobyerno. Fifty percent ng ipo-produce na stage musicals ay mga gawang Filipino, at kahit noong isang araw lang siya nag-sign ng kontrata at nakausap ang ilang taong involved sa produksyon ay sabik na nag-commit na siyang sumulat ng score at mga kanta para sa ilang itatanghal na plays.
The thought of doing more of what she loves and sort of giving back should've been enough to keep her excited. But she didn't anticipate a seemingly innocent mishap to try and ruin her momentum.Hindi niya alam kung paanong nangyari, pero mula sa kumpiyansa at puno ng positivity na pagrampa niya pagbaba sa sasakyang iniwan sa ikaapat na palapag ng parking area ng opisina ng Channel 33, ngayon ay halos mapaiyak siya sa bawat hakbang at gustong murahin ang sinumang haharang sa dadaanan niya.
Hindi niya maintindihan kung paano siyang nagkamali ng tapak. Sanay naman siyang lumakad na may mataas na takong ang sapatos. Today, she wore her trusty wedge sandals. Three inches ang taas niyon at kaya niyang i takbo ng hanggang limang kilometro o mag-bike na iyon ang suot kaya anong sumpa ang bumalot sa kanang paa niya kanina?
Arraaayyy... shit, ang sakit!
"Ma'am, kailangan nyo po ba ng wheelchair?"
Wheelchair talaga agad-agad? Mabilis na nilingon niya ang nagsalitang guard at agad ding napabuntung-hininga nang makitang nag-aalala talaga ito. Mukhang handa nang mag-dial sa intercom.
"Okay pa 'ko, Kuya. Salamat. May elevator naman, malapit na. Kaya ko na ito," malumanay na sabi at bahagyang ngumiti siya bago itinuloy ang paglalakad.
Oh, my God... napasinghap siya nang kumirot ang kanang paa na hindi niya mayuko para ililis ang jeans niya at tingnan kung namamaga na. Naiiling na namaybay siya sa dingding ng hallway hanggang marating ang elevator na buti at solo niya. Pagsara niyon at pagpindot ng fifteenth floor ay parang nahahapong napasandal siya sa dingding.
Pagdating sa fifteenth floor ay huminga muna siya ng malalim bago maingat na humakbang palabas. Parang buong pagkatao na niya ang nasasaktan. The dull, throbbing, searing pain on her ankle was worse than her last migraine attack, and when she had her last wisdom tooth.
"Jodie? Oh, my God! Are you here for Theatre Stars?"
Napatingin siya sa nagsalita - si Callie Sandoval iyon, na nakilala niya sa New York eight years ago.
She was already a rising star then, and headed a Broadway hit. Magka-edad lang sila ng babae pero parang ito ang naging mentor niya sa pag-arte.
They became friends during the year that she was in New York. Hindi halos nawala ang komunikasyon nila all these years. In fact, three weeks ago ay nagkita pa sila ni Callie kasama ang pinsan nitong si Hera."Yes," singhap niya paghakbang palapit sa babae na nasa harap ng vending machine. "Ikaw din?" excited na tanong niya bago napangiwi.
"Yes! " excited na tumango ang babae, bago... napangiwi din? Parang may naisip ito bigla at na-deflate.
"What?" kunot-noong tanong niya, at hinayaang hagipin ni Callie ang braso niya.
"Ano'ng nangyari sa iyo?" mahinang tanong nito habang iginigiya siya sa entrance ng opisina ng Channel 33. Agad silang ipinagbukas ng pinto ng guard na sabay nilang pinasalamatan.
"I think I twisted my ankle and sprained my foot," she sighed. "Hassle. Hindi ko rin alam kung paanong namali ang tapak ko."
"Ngayon lang 'yan? Tingnan ko nga,"
Hihilahin sana siya ni Callie sa kalapit na couch pero pinigilan niya ito. "Manaya na, sa loob na lang. Wala pa naman sigurong ibang tao. Wala pang ten -"
"Um, about that, Jodie. Uh... " sumulyap sa relo nito ang katabi niya. " Nine-forty pa lang. Gusto mong dumaan muna sa clinic?"
Umangat ang isang kilay niya. "What? Huwag na, medyo tolerable pa. Hindi ko naman siguro kailangan ang mga paa ko habang nagmi-meeting tayo, di ba?" humakbang pa siya papunta sa Conference room.
"Jodie," mariing hinawakan ni Callie ang braso niya. "When were you offered this gig? Two weeks ago kami kinausap ni Rich Manio tungkol dito. Sabay din kaming nag-sign ng contract ni baks," tukoy nito sa head ng isang theatre company at isa aa pinaka-in demand na director at choreographer.
"Hmm, four days ago? Friday ako tinawagan at Saturday ako nakipag-meeting at pumirma ng contract." sagot niya. The contract didn't say anything about the other mentors. Hindi rin naman iyon importante. Ang habol niya ay maging bahagi ng magandang project na ito. Wala naman siyang conflict sa kahit sino sa industriya. Well, except ---
No, imposible iyon!
Pero kinabahan pa rin siya sa naisip, lalo na at nag-aalala si Callie.
"Jodie," hinawakan siya ni Callie sa magkabilang braso nang nasa tapat na sila ng Conference room. "Kailan mo huling nakita si Jamie?"
Napakurap siya. No, hindi pueede! Bakit itinatanong ito ni Callie? "W-why?"
Bumitaw si Callie sa isang braso niya at itinulak ang pinto. "Ano ba 'tong concerns ko," napailing ito. "Ang tagal na nu'n, praning lang siguro ako para sa - -"
Napalunok siya. "H-he' s there?" Mahinang tanong niya.
Callie nodded grimly. "Yes, you okay?"
Huminga siya nang malalim, inayos ang posture at inihahanda sa paghakbang uli ang injured na paa. "Maybe,"
Sure, she's okay. Nagkita na sila uli ni Jamie noong nakaraang Biyernes ng gabi. Nagkatinginan sila at nakilala ang isa't isa. Kinaya kahit medyo nawiwindang siya. Seeing him again now shouldn't unnerve her one bit.
Pero bakit parang aatakehin siya sa puso nang mahagip ito ng tingin? Bakit para siyang matutumba ngayong napatingin ito sa kanya?
And the man was even hotter in broad daylight! Bakit kailangang masikip at halos puputok na ang mga butones ng suot nitong light blue button down shirt?
"T-tubig," pinisil niya ang braso ni Callie. Her throat and the inside of her mouth felt dry.
"Naiinitan ka?" nakangising tanong ni Callie pero inalalayan siya palapit sa water dispenser. Pinuno nito ang isang paper cup ng malamig na tubig at ibinigay sa kanya. "Ang hot nya, 'no? Tingnan mo, nganga na si Rich."
Muntik pa siyang masamid nang makitang parang tulala na nagpapa-cute nga kay Jamie ang usually ay seryoso at no nonsense na director. Parang balewala lang iyon sa huli na pasulyap-sulyap sa kanila habang may kung anong inaayos sa laptop nito.Naubos niya agad ang tubig na pinuno ulit ni Callie na nangingislap ang mga matang minamasdan siya.
"I have dry mouth syndrome, Callie. Naaalala mo nu'ng mawalan ako ng boses at nasundan ng allergy so napagsabay ko ang gamot na may steroids at antihistamines? Remember when the doctor said na eto ang epekto nu'n?" inubos niya uli ang tubig at nilukot ang cup bago itinapon sa trash bin.
"You lost your voice? How the hell did that happen?"
Napaigtad siya, napasinghap, at nanginig ang tuhod nang pumihit para harapin ang nagsalita.
Jamie towered over her, his eyes curious and his brows furrowed slightly. There was a ghost of a smile on his lips and yet, some uncertainty in the way he carried himself, na parang hindi rin ito makapaniwalang magkaharap sila.
BINABASA MO ANG
Never Really Over (COMPLETE)
RomanceNang magsimulang umangat ang eroplano ay narinig ni Jodie ang mahinang pagsinghap ng katabi. Pagbaling niya ay mariing nakapikit ito, at mababaw ang paghinga na parang magha-hyperventilate pero halatang pilit iyong nilalabanan. Puwedeng hindi na la...