ten

188 19 0
                                    


"How was it? Mas masarap ang laing pag Bicolano ang nagluto, di ba? Even on pizza,"

Pumo pa ang bibig ni Jodie at abala sa pagnguya pero nag-thumbs up siya sa sinabi ni Justin, ang isa sa magiging judge kapag napili na ang top forty sa mga nag-audition, na siya ding musical director sa performance nights ng Theater Stars. 

Kasama nila ito ngayon at ang magiging host na si Arielle dahil parehong tubong Legazpi. Three hours ago pa sila dumating ni Callie at hinihintay ang iba pang kasama sa restaurant ng hotel na tutuluyan nila. Kanya-kanyang lipad kasi sila pa-Legaspi galing sa isang linggong break nila matapos ang mga auditions sa Mindanao at Visayas. 

Halos isang oras na din niyang tinitiis ang kakulitan at pagpapa-cute ni Justin na kung madali lang siguro siyang kiligin at ma-impress ay in-entertain na niya.

Pero masyadong showbiz at may kayabangan ang lalaking nasa Cosmo Men centerfold last year, at hindi siya kabilang sa mga babaeng tuwang-tuwa na sa ngiti pa lang nito. Mas napapatingin pa siya sa Mount Mayon na kita aa pywesto nila, sa veranda na nasa fourth floor ng hotel kung saan ilang araw silang mananatili. 

"Oy, Justin, tantanan mo nga 'yang si Miss Jodie at hayaan mong kumain," saway ni Arielle na nagtaas ng tingin mula sa tablet nito. Nagagawang pagsabayin ng babae ang pagpo-post sa social media,  pakikipag-chat sa boyfriend at pagkain nito. 

"Sorry na, di ko mapigilan. Ang ganda, eh. Kahit anong anngulo, nakakaaliw tingnan. Ang lakas pang kumain," nakangising sabi ni Justin na bumaling uli sa kanya. "Mas masarap ang laing ko dito,  Jodie. Ever tried laing lasagna? Ipagluluto kita one of these days?"

Napainom lang siya ng tubig sa sinabi nito, at ewan kung bakit ang cheesy beef lasagna ni Jamie ang naisip niya. The saavory sautéed ground beef mixed with three types of cheese and layered with sweet tomato sauce and pasta. And how he once served her a steaming pan wearing only an apron and boxers..

"They're here! Finally!"

Nasamid siya sa gulat, asar na tiningnan niya ang katapat na si Callue na kinakawayan ang mga bagong dating na sina Rich at boyfriend nitong si Gary, pati sina Jamie at Trinity, at dalawang cameraman.

"Grabe, sorry guys, delayed ang flight," humihingal pang sabi ni Rich.

"Tapos ang tagal pang magising ng isang ito." nakangising turo ni Jamie kay Trinity na siniko ito.

Napahinto siya sa pagkuha sana ng isa pang slice ng pizza. What does that mean? Magkasama sa bahay sina Jamie at Trinity? Huli na para pigilan niya ang sariling mapatingin kina Jamie at Trinity  na parehong nang-aasar ang tingin sa isa't isa.

"Excuse me, I was awake and ready on time. I was just - " Trinity's voice trailed off.  "Never mind!"

"You were just?" Jamie prompted, his eyes twinkling. That mesmerized her for a few seconds before she turned her attention back to her food. 

Mukhang masaya naman ang isang ito, bakit ang sama ng ugali pagdating sa kanya?

"Don't you dare, Gallegos!" pagbabanta ni Trinity bago humila ng upuan.  "Anyway, medyo nambulahaw pa ang Jamie  na 'to kaninang umaga dahil tinuruan niya yata yung Grab driver na magbusina ng bongga nang daanan ako. Buti walang nagreklamo na kapitbahay,"

Napayuko siya sa narinig. So, dinaanan lang si Trinity at hindi kasama sa bahay?

"Ganito ba talaga kakulit si Jamie? Parang hyper na tuta.  Talo pa ang alaga ko, "

It took a few seconds for her to realize that Trinity was talking to her. Isang upuan ang pagitan nila at sa kanya nakatingin ang babae. Napakurap siya, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Don't ask her, she wouldn't know," Jamie pulled the chair beside hee and sat.  "We haven't even seen each other in years, wala na siyang alam,"  dugtong nito  pagkatapos ay sumulyap sa kanya.  "Right, Jodie?"

Naningkit ang mga mata niya. "Riiight," kumagat siya sa hawak na slice ng pizza. "Di ko na nga maalala kung paano ka nung college tayo." iniiwas na niya ang tingin at nag-focus sa pagkain.

"Wow, you knew each other back in college?" Manghang tanong ni Justin. "Ang ganda nya siguro lalo noon?"

"Maganda noon pero mas maganda ngayon," mabilis na sagot ni Jamie na paramg nairita pa sa sinabi ni Justin, pagkatapos ay marahas na bumuntung-hinimga na parang agad pinagsisihan ang sinabi. Jodie thought she heard him mumble ,'Shit!' and she had to bite her tongue to keep from giggling. Oh, Jamie...

"Paano siya nung college? I'm just curious, man. Dami sigueong may crush sa kanya? Kasali ka?" nakangising nagtaas ng peace sign si Justin, na hindi naman din napansin ni Jamie dahil abala na sa pagkuha ng pagkain.

Laing pizza, spicy pasta, some fern salad and barbecued pork strips. Sandaling napahinto ito sa tanong pero itinuloy dim agad, parang hindi in-acknowledge ang tanong ni Justin at parang walang balak sumagot.

Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa siya doon at kukuha na sana siya sa dessert platter nang magsalita ang katabi.

"She's very strikingly pretty, with big, curious eyes and a spiky boyish haircut. Ganyan din ang height nya, hindi naman nagbago. Matalino siya, masipag mag-aral, disiplinado. Mabait, game sa lahat, masayang kasama," sumulyap si Jamie sa kanya. "Maraming gusto siya, kasama na ako doon.... Pero hindi nya 'ko type. May iba siyang gusto, may ibang priority and there's high probability that she wouldn't ever choose me. Otherwise, I would've been married to her by now,"

Ilang segundong mapahinto siya sa pag-atake sana sa dessert. Jamie's tone was so casual, like he's so used to talking about their past in this way, and she doesn't understand why she doesn't like hearing it now. Parang gusto niya itong sumbatan, pagpaliwanagin, komprontahin. Ano'ng problema mo, Jamie?

"Paano ngayon?" untag pa ni Justin, na isa pang gusto niyang batukan. "She's still single and you work together,"

From the corner of her eyes, she saw him shake his head. "Sabi nila, malalaman mo daw na wala ka nang nararamdaman sa isang tao if you're able to talk about whatever you two had with other people and it's reduced to a detail, something you won't hesitate to share because it doesn't mean that much to you anymore," he gently nudged her. "Jodie would know, she's quite the expert,"

She flinched, she wanted to scream at him for putting her on the spot like this? Reduced to a detail? Siya lang ha ang nakaka-detect ng bitterness ng lalaking ito? Ang nakakaalala sa di iilang beses na pagkadulas nito kung saan obvious na baka hindi pa talaga ito tuluyang nakaka-move on?

Saglit na tiningnan din niya si Jamie na bahagyang nagulat. Oh, so you were watching out for ny reaction? Good.  Tumaas ang isang sulok ng labi niya bago ibinalik ang atensyon sa dessert - slice of pili cheesecake. She speared a fork on it to get a bite size piece. "That's right, I'm quite the expert. That's why I can actually work with Mr.  Gallegos here without bringing up what we were,  or what we should be all the time," kasabay ng pagsubo niya ng cheesecake ay ang pagtingin kay Jamie, na napakurap bago marahang tumango. 

Iniiwas nito ang tingin para mag-focus na sa pagkain, na parang walang nangyari,  parang walang tensyon sa pagitan nila.
Yet she saw the blush creep from his neck to his cheek, and the slight clench of his jaw as his chest heaved. God, he's beautiful.

And this little victory is sweet. 

Never Really Over (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon