six

225 14 0
                                    


Seriously? Magkatabi pa talaga kami for almost two hours?

Mabilis na iginala ni Jodie ang tingin sa mga kasama, hinahanap ang kahit isa sa mga producer ng Theater Stars. Karamihan sa nga involved sa programa ay kaedad nila o mas bata ng ilang taon. Hindi sobrang sikat ang banda nila noon pero sigurado siyang mas sikat ang detalye tungkol sa kung ano sila dati ni Jamie. It was bad enough that they have to work together for the next several months or so but still...

Fine, naitanong naman sa kanya ng producer at miyembro ng creative team na nakausap kung may mga kondisyon ba siya. That should've covered certain requests regarding people she would be working with, and she really didn't have any. Confident pa niyang nasabi na wala siyang kaaway, at kung nay mga tao man sa industriya na may hindi siya magandang impression ay kaya naman niyang mag-adjust at makisama.

The possibility of working with an ex simply didn't occur to her. What were the odds? Last she heard, Jamie was no longer based in the Philippines. She's heard about his work on some films and TV series as Samuel James 'SJ' Gallegos but she didn't really pay that much attention to details. Busy rin kasi siya, at naka-move on na. Hindi na nga niya naisip ang posibleng involvement din nito sa Theatre Stars.

Malalim na bumuntung-hininga siya.

"That bad, huh? Don't worry, naligo ako. Bagong laba at mainit pa galing sa dryer ang mga damit kong ibinabad sa antibacterial fabric conditioner. Nag-toothbrush at nag-mouthwash din ako. I probably smell of coffee and donuts pero huwag kang mag-alala, hindi ako lalapit masyado,"

Mahina lang ang pagsasalita ni Jamie pero damang-dama ang magkakahalong amusement, sarcasm at pagkairita din nito. Inilagay nito ang dalang backpack sa overhead compartment at inilahad ang kamay para a bag niya. "Alam kong masaya sanang panoorin ka habang pilit inaabot ang compartment pero nakaharang tayo sa daan," pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik.

Walang kibong ibinigay niya ang malaking backpack na dala, pagkatapos ay ginaya ang mula ulo hanggang paang tingin nito. Kainis lang dahil dagdag effort ang pagtingin niya kay Jamie dahil halos six feet ang taas nito, habang bahagya lang lumampas sa five-one ang height niya ngayon dahil sa suot na sneakers. Sumakit tuloy ang leeg niya.

Bago maupo sa puwesto sa tabi ng bintana ay tiningnan niya ang mga kasama. Katabi ni Rich ang boyfriend nito, katabi ni Callie ang isa aa mga producer na si Trinity, at magkakasama ang iba pa na abala na sa kanya-kanyang usapan.

"May dala kang libro? May stock ka ng music o videos sa cell phone mo? You don't have to talk to me," kaswal na saad ni Jamie na naglabas pa talaga ng isang libro mula sa kung saan at hawak din ang cellphone nito pati ang wireless headphones.
Bilang sagot ay inilabas lang niya ang sariling set ng wireless headphones, tablet at eyeglasses. Noong huling magkita sila ni Jamie sa opisina ng Channel 33 ay wala siyang salamin dahil nasira ang frame na palitin na. Kapag may date o special occasions ay contact lenses ang suot niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na paglabo ng mga mata niya simula nang bumalik sa bansa four years ago.

Ang sabi ng ophthalmologist niya ay dala raw iyon ng madalas na exposure niya sa stage lights, at madalas na pagkapagod ng mga nata. Ngayon tuloy ay may astigmatism at myopia na siya at sensitive na rin sa sobrang liwanag.

At kahit ayaw niya, naging dahilan ng ilang pagkaramdam niya ng insecurity ang naging kondisyon. Kahit ilang taon nang malabo ang tingin ay hirap pa din siya.

"Uy, nagsa-salamin na din ako. Mahinang grado lang to help when I read or spend long hours in front of the computer," Jamie turned the flap of his jacket to reveal a dark brown slim case in the inner pocket. "Hay, ganun yata talaga pag tumatanda," mahinang natawa ito at napailing, bago relaxed na sumandal at inayos ang headphones.

Ilang segundong minasdan niya ito bago inayoa din sa puwesto ang nga hawak habang nakatingin sa bintana. Magsi-six thirty na ng umaga at inaasahang darating sila ng pasado alas ocho sa Iligan City kung saan gaganapin ang unang dalawang araw ng Mindanao auditions, bago sila lumipat sa Davao. Isa o dalawang araw na breaks lang sa pagitan ng bawat state university campus na pupuntahan nila bago lumipat sa kasunod, hanggang makabalik sila sa Luzon kung saan gaganapin ang auditions.

Lampas isang buwan niyang makakasama at araw-araw na makikita si Jamie, at wala siyang ideya kung ano ang tingin nito sa sitwasyon nila ngayon. It shouldn't matter, because they're here to work. Wala dapat sa isa't isa ang focus nila at hindi dapat maapektuhan ng nakaraan nila ang kailangan nilang gawin ngayon - pero araw na ang nakalipas ay parang windang pa rin siya.

Sanay na siyang wala si Jamie sa buhay niya, at kahit naisip niya ang posibilidad ng muli nilang pagkikita, hindi niya inasahang sa ganitong paraan. Hindi lang ito basta pagkikita! Magkakasama sila! Magkakatrabaho, magkikita araw-araw! Paanong paghahanda ang gagawin niya?

"Seatbelt," his voice was low and lazy when he tapped her hand that rested on her lap, and it made her gasp. Automatic ang paglayo ng kamay niya habang gulat na nakatingin jay Jamie, na bahagyang nagsalubong lang ang mga nga kilay at parang tahimik na sinasabing 'Huwag kang praning, walang ibig sabihin iyon,' sabay turo sa seatbelt na kailangan niyang isuot.

Napabuga siya ng hangin at sinunod ang instruction na inulit ng nagsasalita sa speakers, bago sumandal sa kinauupuan at bahagya iyong ini-recline. Jamie did the same in the exact angle as he looked at her. "It's just me..." Halatang may gustong idugtong doon si Jamie pero napabuntung-hininga na lang ito, at itinuon na ang atensyon sa cellphone.

Hindi rin tiyak nito inaasahang magkikita at magkakasama pa sila ng ganito. Kahit nagpapaka-civil ay halata pa ring hindi napaghandaan at hindi gusto ni Jamie ang sitwasyon nila, pero gaya niya ay no choice na din.
Nang magsimulang umangat ang eroplano ay narinig niya ang mahinang pagsinghap ng katabi. Pagbaling niya ay mariing nakapikit ito, at mababaw ang paghinga na parang magha-hyperventilate pero halatang pilit iyong nilalabanan.

Ang daming taon na ang nagdaan, kasing dami o higit pa siguro ng nga bansang narating pero mukhang hindi pa rin nawawala ang phobia ni Jamie sa natataas na lugar at ang kaba nito sa sensasyong dala ng unti-unting pag-angat pataas.

His hands gripped the arm rest tightly, and they're beginning to resemble the color of paper. Puwedeng hindi na lang niya pansinin, kunwari ay hindi niya nakita pero mas naunang mag-isip ang kamay niyang hunawak aa kanay nito at marahang hinaplos iyon.

His breathing seemed to even out then, as his eyes relaxed. When he opened them, she was looking right at him, checking if he's feeling much better. Kasabay halos ng pagtatama ng kanilang mga mata ay ang pagbawas ng mga nakabukas na ilaw sa cabin, at ang pag-steady na ng galaw ng eroplano sa himpapawid.

"I'm fine, thanks," he curtly said as he pulled his hand from her grasp, then turned his attention to his cellphone. Sandaling hindi siya makapaniwalang nakatingin dito, bago nag-iinit ang pisnging ibinaling ang atensyon sa bintana - sa karagatan ng ulap kung saan bahagyang sumisilip ang araw.

At ang agad niyang naalala ay ang umaga nila aa tuktok ng Mount Pulag isang taon bago sila maghiwalay. Parang ganito rin ang ulap, at parehong nakapaikot ang braso nila sa isa't isa, habang kunwari ay pilit inaabot ang liwanag na sumisilip. It waa their third year anniversary. Everything seemed permanent, and she loved it that way.

Now, they're just strangers, forced to still be somehow together even if they didn't want to have anything to do with each other anymore.

Never Really Over (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon