eight

209 17 0
                                    


Jodie saw this moment coming, and by the second day of their UP Davao auditions,  she's convinced that it wasn't just Callie who knew about her past with Jamie. 

Hindi puwedeng hindi na magtaka at makahalata  ang pitong kasama nila na may kung ano sa pagitan nila ng ex niya dahil kapag wala sila sa auditions ay hindi talaga siya nito kinakausap.

Hindi kinakausap pero ipinararamdam nito ang presensya, harapang tinitingnan siya na puno ng kahulugang ito lang ang nakakaalam, at nagbibitaw ng parinig o sarcastic comments na konti na lang ay magiging dahilan na para manapak siya.

"I think our focus for now should be on honing and improving their craft. Huwag muna nating silawin ng International stardom. Mahirap na, baka iwan lang tayo for a supposed 'once in a lifetime opportunity', di ba?"

"Hindi sa pipigilan natin silang mangarap nang higit pa sa kaya nilang marating dito, but I believe it's best if we at least know their plans so we can compromise at the very least? Mahirap 'yung biglaan. Unfair 'yun."

"Hinihintay mo pa rin ba siya, Callie? Ipinagpalit ka na sa ambisyon niya. He made his choice years ago. Gugustuhin mo pa bang makasama ang taong may potensyal na saktan ka uli?"

Habang kumakain ng hapunan o nakatambay sa veranda ng hotel o resort na tinutuluyan nila ay kung anu-ano ang napag-uusapan - mula sa kung paano nila planong i-mentor ang mga mapipili sa nag-audition hanggang sa lovelife ni Callie,  ay nagagawang singitan ni Jamie ng mga pasimpleng patama sa kanya. Hindi siguro napapansin ng iba pero tila nananadya pa ang lalaki na susulyap o tataas ang isang kilay sa gawi niya. Then it will be followed by that irritating smirk.

She used to like it, she even thought it was sexy - hell, that little quirk of his luscious lips looked even sexier now, but it's also getting to her. Hirap na hirap siyang pigilan ang urge na sakalin si Jamie,  o halikan,  o gawin na lang kaya niya pareho? Argh!

And when no one is paying attention, he'd be staring at her as if he was challenging her to say or do something.  He'd give her these lingering gazes, his eyes would roam her body seemingly with appreciation at first, and when she'd catch him,  his eyes would suddenly turn cold.  Parang nakagawa ito ng kasalanan na agad pinagsisihan. 

Iyon ba talaga siya para kay Jamie? Isang pagkakamali lang?

"Ooohh, this is interesting,"

Natawa sina Callie at Rich, pati mga ptoducer sa likod nila. Isang pareha kasi ang umakyat sa stage. A boy and a girl.  The boy looked longingly at the girl while he set up his keyboards. Ina-adjust naman ng babae ang mic stand nito. Inayos nila ang mga iyon pati ang mga upuan na magkaharap. 

"Lawrence Ricardo and Rachel Estino.  Both nineteen. And you guys are...? Friends?"

Nilaru-laro ng mga kamay niya ang ballpen para mapigilang isalo iyon sa mukha. Eto na naman si Jamie, gumagawa na naman ng paraan para mang-inis.  Itinutok niya ang atensyon sa mga nasa stage para hindi maisip na batukan ang katabi.
Nahihiyang nakangiting nagkatinginan ang pareha. "Kami po, sir. As in boyfriend girlfriend po,"  sagot ni Rachel.

"Gaano katagal na kayo? "

"Two years po, pero friends na po kami since Grade ten," nakangiting sabi ni Lawrence. 

"Okay, cool, " tumango si Jamie. " Wala naman kayong conflict nyan? Desisyon nyong pareho na sumali dito?"

Oh,  God. Gusto na niyang sipain sa binti ang katabi.

"Paano kung isa lang sa inyo ang makuha?"

Parang inaasahan na ni Lawrence ang tanong. "Okay lang po, sir. Napag-usapan na po namin ito. Walang magbabago. Susuportahan po namin ang isa't isa. At least po, walang gulatan."

Jamie nodded approvingly. "Very good.  Tama iyang napag-usapan nyo ang mga plano ninyo.  At least, you guys respect each other, and care enough for each other to talk about what's going on..."  he paused and Jodie could almost hear what he wasn't saying.

Hindi gaya ng katabi ko. Don't ever be like this one beside me.

"Anyway,  let's hear what you two have for us, "

Oh, thank you,  Lord! Relieved na dumerecho siya ng upo at minasdan ang mga nasa stage.  The pair was singing 'I See The Light'  from that beautiful boat scene in Disney's Tangled, and they did so amazingly.  Mas buo at malinis pa ang mga boses at pagkanta ng mga ito kesa sa original,  at kahit sino ay mararamdaman kung ano ang mayroon sa dalawa. 

Lawrence and Rachel barely broke eye ckntact, and as the song came to an end,  the audience started cheering for them to kiss. The pair gazed at each other for a few seconds before they kissed, then pulled away immediately as they raised a peace sign. 

Natawa lang siya. Naaliw naman siya sa dalawa at nalimutan sandali ang inis kay Jamie  na ngayon ay matamang nakatingin sa kanya. Nginisihan niya ito nang i-on niya ang mic. "Inggit ka, Mr.  SJ?" she grinned wickedly. 

Natawa ang audience. May humiling uli ng kiss.  "Huwag, hindi puwede. Hindi ako type nyan,"  Dama niyang hindi inaalis ni Jamie ang tingin sa kanya,  at ewan kung bakit siya kinabahan. Itinuon na lang niya ang atensyon sa nga nasa stage at ibinigay ang komento sa dalawa, na gaya ng sa iba pa ay positibo at encouraging.

Habang nagsasalita ay hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba, parang may mali? Itinuloy lang niya, hanggang sa maubos na ang sasabihin niya sa dalawa at ttumingin sa mga kasama na ngayon ay puro nakangiti sa kanya. 

Rich and Callie both looked amused,  while Jamie seemed confused, then annoyed, then it's like he's trying to suppress a smile. Sumulyap sita sa cue card niya, at mahinang napasinghap.  Dama niya ang pag-iinit ng pisngi nang mapangiwi, at nag-iwas ng tingin. "Sorry,  guys, nawala sa isip ko," Grabe! Hindi niya turn para magbigay ng feedback! Katatapos lang niya sa naunang nag-audition.What was she thinking?

"Distracted, Jodie?" Mahinang tanong ni Jamie, bagp tumingin sa mga nasa stage. "You two, you better have listened to Miss JK here, dahil wala na 'kong maidadagdag, nasabi na niyang lahat," there was laughter in his voice.

Parang gusto niyang maglaho. Ang init pa din ng pisngi niya. 

"And much as I don't want to admit it,  everything she said was on point. Take note, everyone. Miss JK here knows her shit," he added, before thanking the pair. He turned off the mic then munbled: "Unfortunately, she also knows how to break one's heart into pieces,"

Mahina lang iyon, at parang wala sa loob na nasabi ni Jamie. Natigilan ito pagkatapos pero hindi iyon binawi.

Naiinis siya, kailan ba ito titigil?

Pero hindi rin naman niya ito masisi.  Hindi lang kasi siya ang nasaktan. 

Never Really Over (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon