one

687 18 1
                                    

hello, this is an elaborate breakup scene. nakaka-stress, nakaka-frustrate. kung ayaw po ng eksenang magjowa na nag-aaway, skip this one. thanks.

~~❤~~

"You're putting our careers between us?" she was beginning to sound more frustrated and angry by the minute. Namumula na ang pisngi, naniningkit ang mga nata, parang mababaw na ang paghinga habang nakatingala sa kanya.

He's almost a head taller than her, he knew she sometimes hated talking to him like this because their height difference was too obvious.

Pero ngayong hapon, parang balewala kay Jodie Kate Villaluz kung magka-stiff neck ito o sumakit ang likod. Pinili din niyang magmatigas at nanatiling nakatayo kahit naaawa na dito dahil namumutla pa dala ng trangkaso. And it was his fault why she got sick.

He got her to spend a weekend with him in their family's garden resort in Tagaytay, even if he knew the weather was going to be bad. He got her to run and bike and dance under the pouring rain on a late afternoon just because. Then they made love in a big couch, in his room, in the shower.

Ngayon ay nakikita pa niya ang malabo nang marka ng mumunting pasa nito sa leeg at braso. Lalo lang din siyang na-frustrate. Paanong nagagawa ni Jodie sa kanya ito ngayon? Bakit ito nagpapaalam?

And what the fuck did she just say? "You're the one who's putting your career between us, Jodie. Ano'ng problema sa mayroon tayo ngayon? Our respective jobs got us on this post grad scholarship. We're both employed by the same prestigious and respected organizatio. We get to keep our music. We're good when we make music together, Jodie. We've proven that for years! Kulang pa ba? Ano pa'ng gusto mo? Sabihin mo lang," mas mahinahon at nakikiusap na ang boses niya.

Sandaling napapikit si Jodie bago bumuntung-hininga. Parehong nakakuyom ang mga kamao nito na parang talagang nagpipigil lang na manuntok. She's just a little over five feet and had a petite frame that made her look fragile but those small hands definitely packs some vicious punches.

Nasampolan na siya noon at masakit talaga. Alam niyang kapag hindi ito nakapagpigil ay mananapak na.

Kanina pa kasi sila paulit-ulit sa pinagtatalunan. It was simple, really. He didn't want her to leave him here to pursue a rare opportunity to write the libretto for an upcoming and much anticipated Broadway adaptation of a best selling book. A book that's one of her favorites, from the author who was once a teaching fellow at their college alma mater.

Naging lecturer nila pareho sa Contemporary Literature class ang Russian Scottish writer na si Dana Miller, na gaya niya at ng iba pang taga-Ackerton University-Manila ay na-impress sa galing ni Jodie sa pagsusulat lalo na ng tula at kanta.

Nanatili ang komunikasyon ni Professor Miller sa kanilang mga naging estudyante nito kahit bumalik na ito sa New York, kahit nang sumikat at maging critically acclaimed ang unang libro nito, hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na gawan iyon ng stage musical adaptation.

At ipagkatiwala kay Jodie ang paggawa ng mga kanta.
Kanina lang niya nalaman ang huling detalye na iyon. Apparently, she already knew for a couple of months. Limang kanta na rin ang naisulat nito para sa stage version ng literary chick lit na 'Neutron Stars', tungkol sa mga celebrities na itinuturing na one hit wonders sa pangunguna ng lead character na si Dyann.

"I need to write at least ten more songs and I have drafts for at least twenty! Grabe, hindi ko inaasahan ito pero nung ialok sa 'kin, alam kong hindi ko dapat palampasin. You knew I always wanted to write songs for a play or movie soundtrack, right? Well, eto na' yon! And after the Chicago run, they're asking me to audition for the Broadway staging. Nakita nila 'yung videos matin sa YouTube. Sabi nu'ng director, sumubok daw ako pagdating ko sa New York bago pumunta sa Chicago.

Never Really Over (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon