Ilang araw nang inihahanda ni Jamie ang sarili sa posibleng kabiguan, kahit alam na imposible yatang maging handa ang kahit na sino na masaktan. Hindi nga siya sigurado kung paano bang maging handa? Hindi siya masasaktan? Hindi gaanong makakaramdam? Hindi na iiyak at tatanggapin na lang?
Even resilient townsfolk tht has gone through supertyphoons can't possibly truly prepare itself for another disaster. There will still be devastation, and that will still hurt.
He sighed, as his eyes scanned the huge clubhouse where the welcome dinner party for two hundred and forty Theater Stars hopefuls. Sa tatlong hostel tutuloy ang mga ito habang nasa Manila, at may allowance pa na sagot ng ilang International organisations na nagbigay ng financial grant sa proyekto.
Tapos na ang dimner ay wala pa din si Jodie. Nagsimula na ang program at nakatayo lang siya sa isang gilid na parang bantay sa isang children's party.
Sinubukan naman niyang makisaya pero mukhang obvious kahit sa mga kabataang narito na may kung anong pinagdadaanan siya.
He didn't even know Jodie was out of the country until he paid a surprise visit to her apartment building and the manager told him she's out of the country. Wala din itong ideya kung saang bansa.
Wala din sa Pilipinas si Callie nang ilang araw pero noong Martes lang ay nakabalik na ito. Dalawang magkasunod na araw daw nitong nakasama sa ilang meetings sa Japan si Jodie, pero dahil may kontrata na sa play ay hindi na siya nagtagal.
"Jodie is in some sort of negotiations, Jamie. Naroon din si Miss Dana. Ayaw niyang sabihin kung para saan pero parang malungkot na stressed siya. Nangako naman siyang a-attend sa party. Hintayin mo na lang," nakakaunawangsabi ni Callie nang makausap niya noong Miyerkules. "I think she misses you, tinanong ako kung nagkita tayo, eh. Huwag ka na ring malungkot. Maaayos din ang lahat."
Part of him was hopeful, really. But another just didn't want to go through that much pain again.
Yet he knew he didn't want to, and won't just give her up this time. Willing na siyang makipag-kompromiso at makipag-bargain ngayon, at hindi siya basta susuko. Alam niyang wala na siyang ibang gustong makasama habang buhay kundi si Jodie lang.
"The next one we'll call up here is our hot, gorgeous, super smart and talented and rich mentor judge... Yes, puwede nyo syang utangan... Sir SJ Gallegos? Yoo hoo! Where na you? Tama na muna ang pag-e-emote, "
Naiiling na itinaas niya ang isang kamay para makita nina Arielle at Trinity na mga host ng event. Mabilis na lumapit siya sa stage at tinanggap ang mic. Just a wuick, practical advice on discipline, patience, loving one's craft and the importance of finding time to de-stress or unwind. Sana ay may sense naman ang mga sinabi niya, n sinundan ng masayang palakpakan ng mga bisita nila.
"Oy, ayan na pala si Jodie! Fresh na fresh galing sa biyahe! Jodie, tara muna dito sa stage at bigyan ng konting advice ang mga future theatre stars natin. Tapos, lapitan mo na agad si Jamie, ha, baka tumalon na 'yun sa pool sa lungkot, "
Muntik pa siyang magkamali ng hakbang sa pagbaba ng stage. Pinaningkitan niya ng mga mata si Trinity na ngumisi lang. Bumalik siya sa puwesto kanina, malapit sa double doors na nakabukas papunta sa pool at garden.
Pagbalik ng tingin niya sa stage ay naroon na si Jodie, hawak ang mic at nakangiti. She looked radiant in her blue dress, but something in her eyes caught him.
She seemed weary, hesitant, a bit scared. Steady ang medyo paos nitong boses habang nagsasalita pero kahit nakamasid sa audience ay parang may ibang iniisip.
"Don't ever forget or give up those people who have been with you while you were still just dreaming. Kung kasama mo silang bumuo ngmga pangarap mo. dapat kasama pa din sila hanggang matupad iyon. I-share mo sa kanila ang mga plano mo, kung gaano ka kasaya o excited, kung nalulungkot o natatakot ka... More than anyone, they are the people who will truly be there for you. Hindi masaya ang katuparan ng mga pangarap kung hindi mo iyon naise-share sa mga taong importante sa iyo. "
He blinked as he listened to her words. Did she ever regret leaving before? Pero may kasalanan din siya. Aalis ba talaga uli si Jodie?
Nakapagdesisyon na ba ito?
Napapabuntung-hiningang tumalikod na siya at lumabas na muna, kasabay ng palakpakan ng mga kabataang ime-mentor nila. Good, she's back. Now what? Do I talk to her now? Give her more time?
Nakita kaya siya ni Jodie?
Napabuga siya ng hangin, bakit pa patatagalin? Mabuti nang malaman niya kung saan dapat lumugar ngayon. Bumaling siya sa direksyon ng pinanggalingan at babalik sana pero agad ding napako sa kinatatayuan.
Naglalakad palapit si Jodie, na sandaling napahinto nang humarap siya pero agad ding nagpatuloy. Derecho ang tingin nito sa kanya pero halata din ang pag-aalinlangan. Minasdan lang niya ang babae hanggang sa huminto ito sa harap niya.
He swallowed as he took in her appearance.. She was exquisite, her mild scent reminded him of their night together and he wanted to step closer to inhale that fragrance off her soft skin. "I guess you've made some decision lately?" Mahinang tanong niya.
"Yes " tumango ito. "Nasa Tokyo ako for a series of meetings... Negotiations... Medyo madugo, nakakapagod, pero nakuha ko ang gusto ko,"
Napalunok siya. "Congratulations, then,"
Tumaas ang isang kiay ni Jodie. "Yeah, I'm doing the libeetto. Magsusulat ako ng mga kanta para sa Kate and Spence pero hindi ako aarte on stage. Hindi na ako magiging alternate ni Callie pero tutulong ako sa screening process. Siguro aalis ako ng ilang araw para tumulong sa gagawin nilang auditions pero hindi ako mawawala ng more than one week. Hindi ko na rin kailangang pumunta sa kung saan para gawin ang libretto . May internet at Skype o FaceTime naman, " she held his gaze.
"And I don't have to leave you, be away from you."
He blinked. "W-what?" tama ba ang narinig niya? "H-hindi ka... I-I was ready to -"
"I have other dreams, Jamie. Masaya at kuntento na akong natupad ko 'yung dati. Pero ngayon, mas gusto ko nang may makasama - sa breakfast, lunch, merienda o dinner, sa road trips, sa hiking, sa pagkaligaw sa mga bundok o gubat o panonood ng sunrise at sunset, sa stargazing,... Mas gusto ko na palaging may nakakausap kahit may pagkakaiba ang ilang opinyon at preferences, may makasamang tumawa kahit corny ang jokes, may maririnig na boses bago ako makatulog sa gabi at paggising sa umaga, " huminto ito, napangiti. "A-at eventually, nagkapamilya. Be a wife... A mother, "
Humakbang siya hanggang halos magdikit ang mga katawan nila at hinagip ang mga kamay ni Jodie. "How many kids?"
Her eyes glistened. "Minimum of two, maximum of four. Sana may isang twin,"
His heart swelled at the thought, as if that dream was coming true right before his eyes at that moment. "With me?"
Humigpit ang hawak ni Jodie sa kamay niya. "Who else would i want to be with, Jamie? Ikaw lang naman ang minahal ko... A-at mahal pa din hanggang ngayon,"
"Ako din," inilapit niya ang mukha dito. "Myth lang yata ang pag-move on ko. Imagination ko lang. Wala yatang araw na hindi kita patuloy na minahal." magaang na hinagkan niya ito sa labi. "I'd kiss you more but I have a feeling we're being watched,"
She bit her lip. "Time to go somewhere more private then,"
He felt his insides tighten as shivers shot through him. He pulled her closer and lifted her up without warning. "I hope you remembered your last text, Jodie. You said it will be worth it.
End
BINABASA MO ANG
Never Really Over (COMPLETE)
RomanceNang magsimulang umangat ang eroplano ay narinig ni Jodie ang mahinang pagsinghap ng katabi. Pagbaling niya ay mariing nakapikit ito, at mababaw ang paghinga na parang magha-hyperventilate pero halatang pilit iyong nilalabanan. Puwedeng hindi na la...