nineteen

248 15 0
                                    


Pasado alas doce ng tanghali nang magising si Jodie at medyo mabigat pa ang pakiramdam pero kailangan na niyang bumangon dahil in three hours ay imi-meet niya si Dana sa isang restaurant sa Ueno District. Maulan ngayong araw sa Tokyo, Japan at mas masarap matulog lalo sa tulad niyang galing sa red eye flight mula sa Manila.

Kinuha niya ang cellphone na nagri-ring. Medyo nanginig ang kamay niya nang makitang si Jamie ang tumatawag. Pasado alas once pa lang sa Manila, hindi nito alam na nasa Japan siya. They were just together yesterday, shared a three-hour lunch before he went back to work and she went home to prepare for her flight that night.
Days before that, they shared their first morning together after almost a decade of trying to forget each other.

Nagising siyang nakatunghay sa kanya si Jamie, marahang pinaglalandas ang mga daliri sa kanyang buhok at hawak ang isang kamay niya. Amoy bagong ligo, basa pa ang buhok na hindi pa nasusuklay at may munting bahid ng shaving cream sa leeg.

He was glowing, his eyes sparkled and smiled as if he just found all the answers to every question in the universe.

Pero parang nagbabantang mabura ang ngiting iyon nang magtama ang mga mata nila. Parang biglang nag-alangan at natakot si Jamie. "Good morning," mahinang bati nito.
Sa halip na sumagot agad ay bumangon siya at hinagkan ito sa gilid ng leeg. "'Morning, gorgeous," she mumbled, then flashed him a teasing smile as she pulled away.

Her heart started to pound faster and louder when his expression relaxed and his gaze slid to her lips, down to her body that had nearly nothing underneath the shirt that she had on. His shirt.

Tuluyang lumayo siya kay Jamie at bumaba sa kama. "Um, I need to -" sumulyap siya sa pinto ng bathroom.

Napakurap ito, bago tumango at tumayo na rin. "Yeah, uh, maghahanda lang ako ng breakfast. Coffee? Pancakes?"

Tumango din siya. Naaalala pa rin ni Jamie kung ano ang gusto niya.

"Kuha ka na lang ng towel dyan, at kahit anong shirt kung gusto mong magpalit." Parang ayaw pang lumabas ng kuwarto ni Jamie pero matapos ang ilang segundo pang pagtitig ay iniwan na rin siya nito.

Hindi pa rin siya nakalma kahit solo na ang kuwarto. His scent was everywhere, even the fresh towel and shirt she pulled from his closet smelled a bit like him.
Nakaupo na siya sa kama thirty minutes after at tinutuyo ng towel ang buhok nang bumalik si Jamie, na dala ang amoy ng bagong lutong pancakes at kape.

"Breakfast is rea-" hindi na nito tinapos ang sasabihin nang makita siya. Sa halip ay hinila siya ni Jamie patayo at walang babalang hinagkan. Sabik, mapaghanap, at parang hindi na matatapos. Napakapit siya sa braso at kamiseta nito nang tugunin ang halik. God, can I have mpre?

"Breakfast can wait," he breathlessly declared before he kissed her again.

Napapikit siya ng mariin. Hindi na niya alam ngayon kung para saan ang mabilis na tibpk ng puso niya - kung sa naalala o sa pagri-ring ng cellphone na sa wakas ay huminto na.

But God, she wanted her every morning to be like that one.. with Jamie.

Tiningnan niya ang call log. May dalawa pang missed calls mula kay Jamie, at ilang texts.

Home now, exhausted and can't wait to rest. Kailan tayo magkikita ulit?

Wow, tulog na agad? You need that. Goodnight, beautiful.

Good morning! Looong day ahead. Kumusta ang tulog? Dagdagan mo pa! Ang nagkita tayo, baka mapuyat ka na naman.

Dinner later? Cielito's? QLP? They always have good bands.

Napabuntung-hininga siya, inisip ng ilang beses pa kung sasabihin kay Jamie kung nasaan siya pero sa huli ay nagdesisyong huwag na at nagsimulang mag-type ng reply:

So sorry I just checked this phone. Rushing to a meeting. The first of several, and this will go on for a week or so. Baka hindi muna tayo magkita hanggang bago ang welcome party for the Theater Stars kids.
Wait for me? I promise it will be worth it, Jamie.

Never Really Over (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon