Chapter 26

4.3K 83 55
                                    

Nasa mall ngayon sila abby kasama sila tanch at nag iisip kung ano ba ang regalo na magandang bilhin. Sinisisi naman nila si abby dahil sa ang hirap ng theme ng regalo nila.

Abby: Aba sinisisi nyo ko eh matutuwa naman kayo sa matatanggap nyo atsaka kesa naman sa baso, kawali, arinola. Osige matutuwa ba kayo dun?

Jairo: Pota oo na, tara na at bumili ng putanginang long, soft, hard yan.

Naghiwa-hiwalay naman sila ng punta sa iba't ibang boutique para walang clue kung ano ba ang mga pinamili nila. Habang namimili si tanch ng ipangre-regalo nya ay nakatanggap naman sya ng text message mula kay sarah.

Text

Sarah: baby san ka?

Tanch: Nasa mall bakit?

Sarah: Miss you :(

Tanch: Sus sarah joy tigilan mo ko ah

Sarah: Oh bakit?

Tanch: Di mo sinasabi sakin sino nabunot mo

Sarah: Huy syempre bawal sabihin ano ka ba kelan ka nakipag exchange gift tapos sinabi kung sino nabunot.

Tanch: Nung nagbunutan kami sa room para bukas sa Christmas party duh.

Sarah: Madaya HAHAHHAHAHA Alam mo hanggang text napaka sungit mo.

Tanch: Che! Dyan ka nga muna di ako makapag focus eh pakyu ka bye muna!

Sarah: HAHAHAHHAHA Miss mo lang ako eh sige na bye ingat kayo. I love you.

Tanch: Kapal talaga ng apogs.






Nakahiga naman si sarah sa kama nya, kakatapos nya lang din kumain at nag babasa sa gc nila natatawa sya dahil antagal daw ni tanch pinag mumura naman ni tanch ang mga kasama nya sa mall dahil maski sya ay hirap na hirap mamili ng ipangre-regalo. Kaya naman nakisali si sarah at ang iba pa nilang kaibigan sa usapan nila tanch inaasar nila ang mga ito. Kaya naman nabaling  ang atensyon nila kay sarah tinatanong nila ito kung may nabili na sya na pang regalo para sa christmas party. 

Bago pa sila magbunutan ay nakabili na si sarah ng regalo nya para sa christmas party nila sa school at para naman sa christmas party nilang magkakaibigan ay pinag iisipan nya ito ng mabuti. Nalaman nya din na ang mga sumama kela abby ay wala rin nabili dahil sa nahirapan silang mamili.

------------------------------------

After ng Christmas party nila sa school ay dumiretso agad sila sa mall at nanoood ng sine dahil may bagong labas na horror movie ay yun ang pinanood nila, tuwang tuwa naman si sarah dahil hinahawakan ni tanch ang kamay ni sarah. Marami rin silang mga school mate na nakasabay manood ng movie at medyo naging comedy sa loob ng sine dahil may mga baklang nagiging direktor.

Bakla: Shuta ka! bano! Bat mo kase pinakelaman yung gamit edi lahat kayo namoblema!

Bakla: Gaga! Lumabas ka dyan! Ila-lock yung pinto apakabano mo! Kung ako sayo tumakbo na ko sa kapatid ko!

Halos mag sigawan ang lahat ng biglang lumabas ang multo sa pinapanood nila kaya naman sa gulat ni tanch ay napayakap sya kay sarah at ibinaon ang mukha sa leeg nito. Hindi naman alam ni sarah kung kikiligin sya o matatakot. Kaya naman niyakap nya rin si tanch at nang makarecover sa takot ay hinampas nya si sarah dahil nananantsing ito. Tinawanan lang sya ni sarah at itinuon ang pansin sa malaking screen.

Tanch: Tsansing ka garcia! *Whisper shout*

Sarah: Ikaw nga kanina pa nananantsing dyan

Tanch: Hindi ah!

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now