Chapter 5

1.3K 87 38
                                    

Kinaumagahan ay nag simula ng kumain at mag ayos si Sarah dahil lahat ng subject ay excuse sila. Umaga palang ay may practice na sila sa volleyball ganun ka pursigido ang coach nila dahil gusto netong manalo laban sa ibang grade level. Hindi pa rin maalis sa isip nya ang hindi pag reply ni Tanch sakanya, nakaupo sya sa may sala nila at nakatulala napansin naman ito ng mommy nya kaya naman tinanong nya si Sarah.

Lomi: Sarah anak okay ka lang ba? *Umupo sa tabi ni Sarah*

Sarah: *nagulat* mommy nandyan ka pala *tumingin kay lomi*

Lomi: Oo kase nakita kita nakatulala, okay ka lang ba?

Sarah: Opo naman lomi, okay lang ako siguro stress lang po dahil sa mga gawain sa school tapos malapit na ang intrams.

Lomi: Haay basta pag alam mong pagod ka na mag pahinga ka ha kase mahirap ma over fatigue. Mag pupunas ka ng pawis ha nilagyan kita ng extra shirt sa bag at may extra money ka din bigay ni daddy kase alam nya gutom ka mamaya after practice napakamahal pa naman ng mga pagkain sa canteen nyo. *Mahabang sabi ni lomi*

Napayakap naman si Sarah kay lomi at niyakap rin sya nito.

Sarah: Thank you lomi kase suportado kayo sa gusto ko..

Lomi: Syempre baby girl ka namin ni daddy eh.. sige na pasok ka na mag 6:30 male-late ka na sa practice nyo.

Tumayo silang dalawa at hinatid ni lomi si Sarah sa may gate.

Sarah: Bye lomi love you *sabay halik sa pisnge*

Lomi: love you too galingan mo sa practice ingat ka!





-----------------------------------------------------------------------

Covered Court

Busy ang lahat ng players sa pag warm up countings dito countings doon, whistle dito whistle doon. May mga models na din ng iba't ibang baitang na rarampa para sa intrams buti nalang at malaki ang covered court nila halatang doon napunta ang mga cash prize ng mga lumaban na studyante sa iba't ibang contest  last year. Di naman maiwasan ni Sarah na tignan ang mga models na akala mo ay agila kung makatingin, hindi nya alam pero nagtataka sya bat di kasali si Tanch sa rampa for the sports wear maganda naman si Tanch at long legged. Patuloy lang sya sa pagtingin ng tumabi sakanya si Jason at Christian nagulat naman sya at napairap nalang

Jason: Hunting ng chixx na naman ginagawa mo Sarah Joy ah! *Punas ng pawis*

Christian: May nakita na ko dyan kanina maganda kaso bata pa baka maging child abuse ako pag niligawan ko

(Author: Child abuse po ang tawag namin pag mas matanda ka sa crush mo or sa jowa mo. Wag po seryosohin biruan lang po naming magbabarkada yun. Thank you ☺️)

Sarah: Gago anong hunting ka dyan Jason, hindi ba pwedeng nakatingin lang talaga ako kase ang gaganda ng suot nila. *Hampas sa braso ni Jason*

Jason: Sus gago ka din! Yung suot ba talaga ang maganda o yung may suot? *Tumawa ng malakas*

Sarah: Bwiset ka sabing yung suot nga eh!

Christian: Bat ganyan ka makatitig.. sa mukha ka ba nakatitig o sa malaking hinaharap ng mga model?

Natawa naman si Jason at Christian habang namula naman si Sarah

Sarah: Tangina nyo talagang dalawa no? Dun na nga kayo! pumunta lang kayo dito para mang bwiset eh!

Jason: HAHAHAHAHHAAH Gago babye!

Christian: Bye bakla!

Sarah: Gago kayo! Bye!

Nagsi balikan na ang mga players dahil paparating na ang coach nila. Busy lahat pati ang mga studyante na nasa classroom dahil halos lahat ng teacher ay may pa activity ang iba naman ay nasa P.E class. Ang mga kaibigan ni Tanch ay nasa classroom habang sya naman ay kasama na rarampa para sa intrams biglaan ang nangyari dahil ang dapat na model nila ay hindi pinayagan ng mommy nito para sa napili nilang sports attire kaya si Tanch nalang ang napiling model. Okay lang naman sakanya pero nagdalawang isip din sya sa susuotin nya inisip nalang nya na rampa lang naman iyon at ilang minutes lang. Kaya go na sya. Tinuturuan na sila ng isang teacher kung ilang minutes mag stay sa harap etc.

3PM break time na ulit at sila Sarah, Jason, Christian at Faye ay magkakasama kumain halos tinatamad na silang pumunta sa canteen dahil sa sobrang pagod ng tatlo kaya naman si Faye nalang ang bumili ng mga pagkain nila. Nakita na naman ni Sarah si Chelsea kaya naman tumingin nalang ito sa mga models habang busy sa pagkain at busy sa pag tingin sa mga models ay napansin ni Sarah ang isang matangkad na babae mas tumangkad pa ito dahil nakasuot ng heels. Pag talikod ng babae ay nanlaki ang mata ni Sarah dahil hindi nya akalain na kasama si Tanch sa pagmodel. Napatigil sya sa pagkain at tinignan lang si Tanch nasa isip ni Sarah na ang galing nya magmodel, ang haba ng legs. Naramdaman naman nya ang kakaibang pakiramdam sa ibabang bahagi ng katawan nya kaya naman napahawak sya doon.

Faye: okay ka lang Sarah? Masakit ba? Umatake na naman?

Sarah: Okay lang ako hindi naman masakit..

Jason: wag kase tumingin sa legs

Sarah: Gago hindi naman!

Christian: Talaga ba? Halata sa short eh may bakat..

Sarah: letse talaga kayo!

Faye: Easy ka lang Sarah ha mahirap na may practice pa kayo.

Christian: sabihin mo lang pag masakit ha

Sarah: Oo salamat sa pag aalala *smile*

Jason: wala yun boi alam naman namin masakit yan pag alam mo na..

Sarah: Hayst ganito rin kayo?

Tanong nya sa dalawa tumango naman sila at si Faye naman ay nakikinig lang sakanila. Bigla namang dumating si Myra at tumabi kay Sarah

Myra: Hi babe, how are you? Tagal kita di nakita ah miss na kita *malanding sabi ni Myra*

Sarah: Haha okay lang naman. Bat nandito ka?

Hindi naman na sya sinagot ni Myra sa halip ay sinunggaban neto ang labi ni Sarah. Nagulat naman si Faye at napaiwas ng tingin si Jason at si Christian naman ay napamura nalang dahil sa pagiging agresibo ni Myra. Pinutol naman ni Sarah ang halikan nila at sinabing babalik na sya sa practice. Iniwan naman ng tatlo si Myra at buti nalang ay umalis na ito.


Lingid sa kaalaman ni Sarah ay nakita na naman ni Tanch ang nangyari kaya naimbyerna na naman si Tanch pero hinayaan nalang nya iyo at patuloy sa pag kain. Natapos na ang araw at umuwi na silang lahat.























To be continued!!!!!





AN: Hi guys!! Thank you sa lahat ng mga nag babasa ng first story ko kung hindi dahil kay tarahbunny hindi ko to magagawa. Thank you so muchh!!!

P.S. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang extreme ang spg dito sa story na to pero if you're not comfortable to read you may leave at once. Be open minded po tayo dito okay love love lang! Thank you so much! 💗

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now