Chapter 22

1.7K 70 42
                                    

Pag kapasok sa loob ng hideout ay halos mapasigaw si tanch ng makita nya si sarah na nakahandusay at may dugo na lumalabas sa bibig nito.........

Tumakbo si tanch kay sarah at hinawakan ang pisngi nito habang marahang tinatapik ito. Hindi na napigilan ni tanch ang mga luha nya at umiyak na ito.

Paul: Jason nakita mo ba mga kasama ni joross kanina?

Jason: Oo nandun sila sa may garden may pinag uusapan sila kasama yung mga tropa nya.

Jerome: May binabalak sila na hindi maganda tarantado talaga yan!

Tanch: Tumawag kayo ng ambulansya! *Sigaw nyang sabi sa mga kaibigan nya*

Dumilat naman ang mga mata ni sarah ng marinig si tanch kaya naman pinilit nyang bumangon ngunit pinigilan sya ni tanch at nila faye.

Sarah: Tanch sila joross may balak gawin na masama sayo, wag kang lalapit sakanila.

Nahihirapan na sabi ni sarah dahil sa hilo at mga natanggap nyang suntok mula kay joross ay hinang hina na ito. Nabigla naman si tanch sakanyang narinig at dahil na din sa kalagayan ni sarah ngayon ay sobra ang naramdaman nyang galit kay joross.

Tanch: Tara na dadalhin ka namin sa hospital para mache—

Hindi na natapos ni tanch ang sasabihin nya ng biglang mag salita si sarah.

Sarah: Please wag kang lalapit sakanila tanch.. kahit ngayon lang makinig ka sakin.

Tanch: Oo hindi ako lalapit sakanila..

Sarah: Wag nyo ko dalhin sa hospital ayoko..

Faye: Sarah kailangan ka macheck

Wala ng natanggap na sagot sila tanch kaya naman maingat na binuhat ni christian si si sarah at dinala ito sa kanyang sasakyan, sumakay naman si tanch doon at kasama din nila si faye kinuha naman ni jason ang susi ng motor ni sarah dahil sya muna ang mag da-drive nito nakasakay na ang iba sa sasakyan nila paul.

Tanch: Doon tayo sa bahay namin

Christian: Tanch kailangan macheck si sarah kailangan natin syang dalhin sa hospital.

Tanch: Ayaw nyang magpadala sa hospital, tatawagan ko yung tita ko doctor sya. Dun nalang sa bahay namin sya dalhin.

Faye: Sige na christian delikado ngayon lagay ni sarah!

Binaba ni christian ang bintana ng sasakyan nya at sumigaw ito para marinig nila paul.

Christian: Sa bahay nila tanch! Sundan nyo ko! Mag ingat kayo!

Tanging sige lang ang natanggap nilang sagot kaya naman agad silang umalis. Tinuro naman ni tanch ang way papunta sakanila habang ang ibang mga kaibigan ay nakasunod sakanila. Ilang minuto ang nakalipas ay nasa tapat na sila ng bahay ni tanch kaya naman agad na bumaba ang mga lalaki at kinuha si sarah sa sasakyan ni christian. Agad na bumaba si tanch sa sasakyan at kumatok sa gate nila.

Tanch: Mommy!! Mommy!! Buksan nyo po yung gate!

Sumilip naman si mommy tess mula sa bintana nh kwarto nya at nakita na andaming tao sa labas kaya nama agad itong bumaba at binuksan ang gate nila.

Mommy tess: Bat andami nyo ano nangyayari?

Pumasok agad si tanch at ganun din sila christian na dala dala ang duguan na si sarah. Nagulat naman si mommy tess ng makita nya si sarah kaya naman agad nyanb pinapasok ang mga kaibigan ni tanch at nilock ang gate. Pag kapasok sa loob ng bahay ay agad nilang inihiga si sarah sa sofa.

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now