Chapter 16

1.8K 85 98
                                    

Ilang araw ang nagdaan at birthday na ni tanch, alam nya ang nangyayari kay sarah dahil nag uusap pa din sila abby at faye ganun din si trixie at jason. Alam nya na hindi naka focus si sarah sa klase lagi daw itong lutang. Bumaba din daw ang grades neto at lagi daw napapagalitan ng coach nila. Lagi pa din itong nag te-text sakanya at pag lasing ito ay tinatawagan sya. Sinasagot nya ito pero hindi sya nag sasalita pinapakinggan nya lang ang mga sinasabi ni sarah sakanya.

Flashback

Sarah: Tanch.. sorry tumawag na naman ako, alam ko nakukulitan ka na sakin. Alam ko din na ayaw mo na ko makausap, pero sobrang miss na miss na kita eh *cry* sorry sa ginawa ko. Gusto ko mag explain sayo hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano kita kakausapin, andaming nakabantay sayo. Yung mga kaibigan ni joross bantay sarado ka, gusto ko mag explain ngayon sayo kaso baka hindi ka maniwala iisipin mo lasing lang ako. *Chuckle lowly* miss na kita. Miss ko na hawakan yung kamay mo, miss ko na titigan ka yang maganda mong mukha miss ko na titigan yan. Miss ko na halikan ka, miss ko na lahat sayo. Miss na miss na kita. Ang sakit lang kase mukang di mo na ko mahal, mukang okay ka naman na kahit wala ako. *Cry harder* lagi kong iniisip kung kelan kita makakausap yung walang mga naka bantay sayo yung tayong dalawa lang. Kaso mukang imposible. Basta alam ko sa sarili ko mahal na mahal kita, at ang gago ko sa part na tinanggap ko yung dare. Basta mahal kita lagi mong tatandaan yan. Pero may tanong ako.. Mahal mo pa ba ako?..... *Chuckled bitterly* Bat pala ko nag tatanong sayo eh hindi mo naman ako kinakausap sinasagot mo lang yung tawag. *Chuckled bitterly* basta mahal na mahal kita tanchellie anne. Tulog na uuwi na ako, Goodnight baby.

End of flashback.

Halos gabi gabi ay umiiyak din si tanch lagi kaseng umiiyak si sarah kapag tumatawag ito sakanya laging sinasabi ni sarah na "uuwi na ako" hindi nya alam kung saan ito laging pumupunta, kahit hindi nya kinakausap si sarah ay sobrang nag aalala pa din ito, tinanong nya sila jason at christian kung saan ito nag pupunta ang sagot sakanya ay hindi nila alam. Maski si faye ay hindi rin alam kung saan pumupunta ang kaibigan. Nag aalala si tanch lalo na at mukang gamit ni sarah ang motor nya lagi. Kinakabahan sya dahil baka nag da-drive ito kapag lasing. Aaminin nya mahal na mahal nya si sarah.

Lahat ng mga kaibigan ni tanch ay nasa bahay nila ininvite nya din sila jason, faye at christian pero mga nahihiya itong pumunta kaya naman nag padala nalang sila ng regalo sa bahay ni tanch. Maski si joross at mga kaibigan nito ay invited din. Sa labas ng bahay nila tanch ay nandun si sarah naka pants at shirt lang ito may dala itong flowers at chocolates na favorite ni tanch may regalo din syang dala. Kinakabahan sya kung ano gagawin nya nakita naman sya ni mommy tess na nasa garahe at nag aayos ng mesa kaya naman agad lumabas ng gate si mommy tess.

Mommy tess: Sarah! Nandyan ka pala, bat di ka kumatok? Tara pasok ka hindi pa nag start ang party.

Sarah: Ahm.. tita, *nautal* hindi po ako invited... Pero gusto ko lang po ito ibigay para po kay tanch.. *sabay abot ng mga dala nya*

Nagtataka man si mommy tess ay kinuha nya pa din ito.

Mommy tess: teka bat hindi ikaw ang mag bigay neto? Sarah?  Nag away ba kayo?

Sarah: Mahabang storya po tita.. uuwi na po ako inabot ko lang po talaga yan...

Napatingin naman si mommy tess sa kamay ni sarah at nagulat ito dahil namamaga ang kamao nya at may sugat.

Mommy tess: teka sarah okay ka lang ba? Ano nangyari sa kamay mo? Namamaga yung kamay mo.. *pag aalala nito*

Sarah: ahmm..okay lang po tita, may nakaaway lang po pero gagaling din yan...sige po aalis na ko..

Mommy tess: Sarah, alam ko na ang nangyari..

Tila binuhasan ng malamig na tubig si sarah sa kinatatayuan nya nagulat ito sa narinig nya.

Sarah: P-paano po?

Mommy tess: narinig ko si tanch na umiiyak gabi gabi sya umiiyak kahit kianna narinig yun nakabukas kase ng onti yung pintuan ng kwarto nya. Siguro sa sobrang lutang nya din nakalimutan nya isara. Pag uuwi sya ng bahay ayaw nyang makipag usap, mainit ang ulo o di kaya naman ay lutang ito. Alam ko may problema sya. Kaya kinausap ko sya. Nalaman ko yung ginawa mo.

Sarah: *naluluha na*  Sorry po tita, hindi ko po sinasadya.

Mommy tess: Gusto ko marinig ang explanation mo sarah.

Sarah: *huminga ng malalim* Birthday po ng kaibigan namin si faye the day after the event sa school po, nag inuman po kami hanggang sa malasing na nag laro kami ng truth or dare. Yung 3 ko pong kaibigan puro truth ang pinili kaya nung ako na ang susunod nag dare po ako. Yung kaibigan ko na si christian sya yung nag dare sakin na dapat mafall sakin si tanch sa loob ng 3 months. Nung una ayaw ko, ayaw din ng dalawa kong kaibigan. Pero dahil lasing po si christian tinuloy nya pa din ang dare at may halaga po 10k. Kahit labag sa loob ko ginawa ko. Yun yung mali ko po.

Hindi namalayan ni sarah na tumulo ang luha nya kaya agad agad nya itong pinunasan

Sarah: Gusto ko po makausap si tanch para makapag explain kaso andami pong nakabantay sakanya. *Chuckled bitterly* tita mahal na mahal ko po yung anak nyo, sorry po kung sobrang nasaktan ko yung anak nyo maiintindihan ko po kung magagalit kayo sakin..

Mommy tess: Hindi ako galit sayo sarah, kailangan ko marinig ang side mo kaya kinausap kita. Pero please ayusin mo to nakikita ko kung gaano ka kamahal ng anak ko, iba yung saya nya sayo. Please ayusin mo 'to nak.

Sarah: Opo promise po aayusin ko to.. *smile sadly* sige po tita mauuna na ako, pakisabi po kay tanch Happy birthday.

Naawa naman si mommy tess kay sarah kaya niyakap nya ito nagulat man si sarah ay niyakap nya din ito pabalik.

Umalis na si sarah sakto naman ang labas ni tanch nag tataka ito bakit antagal ng mommy nya sa labas.

Tanch: Mommy bakit po antagal nyo? Atsaka ano yang hawak mo?

Mommy tess: *humarap kay tanch*  ahm.. may nag bigay neto para sayo, ito oh *abot ng dala nya* Happy birthday daw.

Tanch: k-kanino galing my?

Mommy tess: tignan mo nalang sa card. *Sabay pasok sa bahay nila*

Tanch: *tinignan ang card* Hi baby happy birthday i miss you so much. I hope you like my gift for you and the flowers i know its your favorite. Enjoy your day okay? Even if without me. I miss you so and i love you so much always remember that. Happy 18th birthday my Tanchellie Anne. ♡

Hindi alam ni tanch kung ano ang mararamdaman nya. Kikiligin ba sya dahil naalala ni sarah ang birthday nya o malulungkot dahil sa letter nito. Napahingang malalim si tanch at pumasok sa bahay.

Nag umpisa na ang party halos lahat ng mga lalaki ay sinayaw si tanch nandun din ang daddy nya at mga kamag anak nila. Masaya sya sa birthday nya yun ang importante. Habang si sarah naman ay nag kulong lang sa kwarto nya gusto lang neto matulog ng matulog para mawala ang lungkot at bigat na nararamdaman sa puso nya. Maging ang pamilya nya ay nag aalala na sakanya. Hindi na din ito kumakain ng maayos, gusto nya lang laging uminom ng alak. Tumawag naman ang mga kaibigan nya sakanya para kamustahin ito. Namamaga na naman ang mata nya, malungkot na naman sya. Yun lang ang alam nya. Araw-araw ay sinisisi nya ang sarili nya dahil sa dare. Pero wala na syang magawa sabi nga nila nasa huli ang pag sisisi. Tinignan ni sarah ang kwintas na nakasabit sakanya leeg. Yun ang kwintas na bigay nya kay tanch, kasama ng kwintas ang singsing na bigay nya din ginawa nya itong pendant. Muli, tumulo na naman ang luha nya naalala nya ang nangyari sa ocean adventure. Umiyak nalang sya ng umiyak at nakatulog ito.















To be continued!!!!!!!!

HERE' MY UPDATE!!!! DAHIL BIRTHDAY KO BUKAS AT SABI NYO ISANG UPDATE PA KAYA ITO NA!!!!!!  ENJOY!!!! 💗

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now