Chapter 20

1.5K 73 22
                                    

2nd day ng exam ngayon nila sarah at tanch at patapos na sila. Excited sila dahil 4pm ang uwi nila isa lang ang ibig sabihin neto para sa lahat ng estudyante. Makakapag gala pa sila. Oh di kaya ang iba ay uuwi na at magpapahinga. Last subject na ang exam nila sarah habang sila tanch naman ay kakatapos lang nilang mag exam. Pero ang iba nilang kaklase ay nagsasagot pa.

Habang tahimik na nag papahinga sila abby ay naisipan nitong mag sulat sa papel at iabot kay tanch.

"BAKLA PWEDE KA BA MAKAUSAP MAMAYA?" yan ang nakasulat sa papel, palihim nya itong inabot kay tanch at agad naman binasa ni tanch ito. Tumingin muna si tanch sakanya bago nag sulat at iniabot ulit ito kay abby.



Napatingin naman ang mga kaibigan nila sa dalawa mukang natunugan na nila ang ginawa ni abby. Kaya naman pinag mamasdan lang nila ito. Alam na nila ang balak ni trixie at abby sinabi nilang dalawa ang balak nila. Lahat ng kaibigan ni tanch ay gusto na silang mag balikan ni sarah kung dati ay galit si kay sarah ngayon ay awa na ang nararamdaman nila. Dahil kinwento ni abby ang buong pangyayari.

Binasa ni abby ang sulat ni tanch ay napamura ng mahina. "PANO KUNG AYOKO?   OSIGE MAMAYA"



Kinindatan nalang ni abby si tanch at palihim na tumingin sa mga kaibigan nila masaya naman ang mga ito dahil sa wakas ay makakausap na nila si tanch. Tinext naman nila trixie sila faye at agad na sinabi na makakausap nila si tanch mamaya tungkol kay sarah. Kaya masaya namang sinabi iyo ni faye kay sarah kaya ginanahan itong mag sagot sa exam nya.



Habang palabas ng gate sila tanch ay nag simula na si abby. Kinakabahan ito kung pano nya sasabihin kaya naman hinatak nya si trixie at support naman ang iba nilang kaibigan. Sa cafe tumambay ang mag kakaibigan.

Tanch: So ano na sasabihin mo abby?

Abby: Ahmm.. tungkol kay sarah to bakla

Tanch: Bakit? Kinausap ka nya? Nag makaawa?

Abby: Hindi naman, yes nakausap ko sya pero kase gusto na namin kayo magkabati bakla. Ang lungkot nyo na parehas eh.

Tanch: *laugh bitterly* wow. Akala ko nung una galit kayo sakanya? Tas ngayon ambabait nyo na. Kayo kinausap nyo din ba?

Tumingin sya sa iba pa nyang kaibigan tanging hindi lang ang mga sagot nito.

Abby: Nalaman na namin yung reason nya sinabi na nila faye samin. Gusto namin malaman mo din yung reason pero ang gusto namin si sarah ang mag sabi sayo.

Tanch: Abby! Galit nga ako sakanya diba! Hindi mo ba naiintindihan yun?

Abby: Naiintindihan ko tanch, kaso kung malalaman ko lang kung ano nangyayari kay sarah maaawa ka eh.

Trixie: Please tanch mag usap kayo ni sarah, hindi mo na ba sya mahal? 

Mag sasalita pa sana si tanch ng marinig nya ang tanong ni trixie, napatigil sya nakatingin lang ito sa mga kaibigan nya.

Tanch: Sige kakausapin ko na sya. Ngayon na ba?

Abby: Oo ngayon na. Itext ko lang.

Napahinga ng malalim si tanch at agad na uminom ng tubig si abby naman ay tinext si faye.



Natanggap ni faye ang text ni abby kaya agad nya itong sinabi sa mga kaibigan nya.

Faye: Sarah! Pumayag si tanch makipag usap sayo
Chance mo na to sabihin ang lahat sakanya okay.

Jason: Brad ito na yun sabihin mo na wag ka kabahan.

Christian: Sabihin mo ang totoo sarah. We got your back. Kaya ko yan.

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now