Chapter 4

1.2K 70 11
                                    

Kinakabahan si Sarah ngayon dahil oras na ng 1st Subject nila, unang mag rereport si Christian at sunod sya, pilit nyang inaalala mga tinuro sakanya ni Tanch ngunit pinapangunahan sya ng kaba, nang matapos na ang report ni Christian ay agad na tinawag ang kanyang pangalan. Habang nag rereport sya ay may dumating na studyante kaya naman natigilan sya sakanyang mga sinasabi at ng marinig ang boses ay napatingin sya sa may pintuan. Walang iba kundi si Tanch ang nag sasalita.

Tanch: Good Afternoon 11 - Francisco Good afternoon Mr. Sanchez sorry for interrupting your class, but I just want to inform all of you that in the day of intrams lahat po ng section ay bababa at pupunta ng court para manood at suportahan ang ating mga pambato sa basketball at volleyball. Ganun rin po ang ang mga mag mo-model for the sports wear. Yun lang po thank you *smile*

Si Sarah naman ay nakatingin lang sakanya at nakangiti dahil nagagandahan talaga sya kay Tanch, nag pasalamat naman si Tanch kay Mr. Sanchez at tinignan si Sarah sabay ngiti. At umalis na ito, abot tenga naman ang ngiti ni Sarah at pinag patuloy ang reporting na animo'y nawala ang kaba na nadarama.

Successful ang individual report ng mag kakaibigan, agad naman silang nag pasa ng excuse letter at agad nag palit ng pang basketball at si Sarah naman ay pang volleyball. Hindi alam ni Sarah kung bakit ganado sya mag practice ngayon. Mahigit isang oras narin silang nag papractice at pinagpahinga muna sila ng coach nila. Umupo si Sarah sa sahig at uminom ng tubig bigla namang tumabi si Chelsea sakanya at hinalikan sya malapit sa bibig

Chelsea: hi babe, galing mo naman mukang good mood ah.. *sabay punas ng pawis sa noo ni Sarah*

Sarah: *awkward* haha oo nga eh. Bat pala nandito ka?

Chelsea: eh boring sa subject namin kaya sabi ko punta lang ako sa CR ayun pumunta ako dito *hinalikan si Sarah sa labi*

Tila nakaramdam si Sarah ng init sa katawan at nadala sa mga halik ni Chelsea. Ang mga coach ng dalawang magkaibang laro ay wala sa court kaya malaya silang maglaplapan wala namang pakialam ang bawat players dahil kilalang kilala na nila si Sarah.


Sa kabilang banda naman ay magkakasama sila Tanch at mga kaibigan neto ng makita ni Jane si Sarah at Chelsea na naghahalikan kaya naman kinalabit nya si Abby.

Abby: Bakit jane okay ka lang ba? *Kunot noo nitong tanong*

Jane: Abby diba si Sarah at Chelsea yun? *Turo nya sa dalawa*

Abby: *naningkit ang mata* oo nga no! Anlandi talaga ng chelsea na yan!

Narinig naman ni Tanch ang usapan nila at napatingin sa gawi nila Sarah at oo nga walang hiya  na nag lalaplapan ang dalawa sa court. Bigla naman syang nainis at nawala sa mood hindi nya alam kung bakit, habang sila Claire, Chezka, at Trixie naman ay nakatingin din sa gawi nila Sarah.

Claire: tanginang yan napakalandi talaga

Chezka: Sino malandi?

Trixie: Both.

Tanch: walang kahiya hiya naghahalikan sa court. *Tila nag seselos naman si Tanch*

Abby: Selos ka?

Tanch: tangina mo Abby *irap* tara na darating na teacher natin sa isang subject.

Agad naman silang tumayo at naglakad papunta sa classroom nila. Buong araw ay wala sa mood si Tanch hindi nya maintindihan bat ganun naramdaman nya nung makita nya na may kahalikan si Sarah, dapat nga sanay na sya dahil alam nyang play girl ito.

Natapos ang buong araw at pagod na pagod si Sarah at Tanch sa mga gawain sa school patulog na si Tanch ng tumunog ang phone nya pagtingin nya ay isang message mula kay Sarah.

From Sarah: Hi Tanch! Thank you ulit sa pag tulong sakin sa project ko kung wala ka di ko na alam gagawin ko kaya thank you <3

Hindi binuksan ni Tanch ang message ni Sarah sa notification nya lang binasa hindi nya alam bat hanggang ngayon ay naiinis pa din sya dito kaya naman natulog nalang sya.

Si Sarah naman ay biglang nalungkot ng hindi mag reply si Tanch.. nilapag nya ang phone nya sa bedside table at pumikit, bigla namang nag talo ang isip at konsensya nya

Bat ka nag aantay ng reply ni Tanch eh hindi naman kayo close. Tinulungan ka lang nya kase sinabi ni Abby.

Baka naman tulog na kaya hindi na nakapag reply

Bat iniisip mo sya ngayon? Inlove ka sakanya no?

Hindi ah. Sus muka ngang madaming nanliligaw dun

Pano kung wala?

Pano kung meron?

Baka tinulungan nya lang talaga ako dahil sinabi ni Abby..

Napasigaw naman si Sarah sa kanyang unan at huminga ng malalim naisipan na nyang matulog dahil maaga practice nila bukas.












To be continued!!!!!

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now