Chapter 17

1.7K 85 57
                                    

Gabi na ng matapos ang party ni Tanch nasa kwarto na sya at nakapag ayos na din ng pang tulog excited nyang binuksan ang mga natanggap nyang regalo at inaamoy pa ang mga flowers na natanggap nya. Napahinto sya ng makita ang regalo sakanya ni sarah.
Binuksan nya ang laman ng box at nakita ang isang magandang relo na mamahalin, gold ang kulay nito at bagay na bagay kay tanch nagtataka si tanch kung bakit sya binilhan ni sarah ng ganun kamahal na relo pero isinantabi nya ang kanyang iniisip at binuksan ang isa pang regalo ni sarah sakanya, isang magandang bracelet iyon silver naman ang kulay at halatang mamahalin din. Napapikit nalang si tanch dahil naisip nya na gumagastos ng malaki si sarah para lang sakanya. Pero wala naman syang magawa dahil hindi nya mapagalitan si sarah hindi naman nya ito kinakausap. Nakita naman nya na may papel na nakaipit sa box ng relo kaya agad nya itong binasa.

Alam ko aangal ka kase mukang mahal ang relo at bracelet pero wag ka na umangal kase kahit mahal pa yan para sayo bibilhin ko.  Kahit dito man lang maipakita ko kung gaano ka kaimportante sakin. Sana magustuhan mo yung gift ko sayo. Enjoy your day baby i love you so much ♡

Napatitig nalang si tanch sa papel na hawak nya hindi nya namalayan na may pumatak na pala na mga luha galing sa mata nya, naalala nya kase ang usapan nila ni sarah nung sila pa

Flashback

Sarah: Mag 18th ka na baby, matanda ka na *pang aasar nya*

Tanch: Alam mo tangina mo *rolled eyes*

Sarah: Mahal mo naman ako *smirk*

Tanch: yabang amp!

Sarah: *laugh* sus totoo naman eh!

Tanch: Oo na! Pakyu ka talaga

Sarah: U pak me ay pak u ha *may pagka malanding sabi nito*

Tanch: *laugh* bwiset ka!  HAHAHAHAHAHA! Kahit kelan talaga napaka green mo!

Sarah: *laugh* haynako wag kase mag sasabi ng ganun

Tanch: *chuckle* Mag 18th na ko gusto ko nandun ka sa birthday ko, gusto na kita ipakilala kay daddy.. gusto ko isasayaw mo ko, ang unique kaya ng ganun hindi katulad ng nakasanayan na babae at lalaki lang. Pag ginawa natin yun ang cute kase parehas tayo babae.. *smile*

Sarah was just looking at tanch the whole time she speaks her mind out she' smiling nagagandahan sya kay tanch.

Tanch: Sarah joy! *Wave her hand on sarah' face* are you even listening to what im saying?!

Sarah: ha? A-h yeah baby why?

Tanch: You're just looking at me sige nga kung nakikinig ka ano sinabi ko?

Sarah: na gusto mo nandun ako sa birthday mo papakilala mo ko kay daddy mo at gusto mo isayaw kita kase unique pag ganun at cute kase parehas tayo babae.

Tanch: *smile* nakikinig ka nga *blush*

Sarah: *wink* kala mo lang hindi nadi-distract kase ako sa ganda mo

Tanch: parang tanga pakilig!

Tumawa nalang si sarah bilang sagot.

End of Flashback

Niyakap nalang ni tanch ang kanyang tuhod at binaon ang mukha doon, humagulgol ng iyak si tanch dahil sa naalala.  Kanina malungkot sya dahil hindi natupad ang gusto nyang mangyari, pinilit nalang nyang maging masaya kanina para ipakita sa pamilya at mga bisita nya na masaya sya sa bdya nya. Pero hindi maalis sa isip nya si sarah, ayaw nyang mag tanong kela abby tungkol dito pinipigil nya ang sarili nyang mag tanong. Araw araw lagi syang nag aalala kay sarah dahil kahit niloko sya nito ay mahal na mahal nya pa din ito. Gusto nyang puntahan si sarah kaso hindi naman nya alam ang bahay nito kahit halos magkalapit lang sila ng bahay. Ganun nalang ang pag aalala ni tanch kay sarah ngunit nangingibabaw sakanya ang galit na nadarama. Ikinalma nya ang sarili nya at inayos lahat ng regalo na natanggap ganun din ang mga flowers, at ang pinaka special na regalo na natanggap nya ay nilagay nya ulit sa box kasama ng letter at inilagay ito sa cabinet nya.

Humiga na sya sa kanyang kama at pinikit ang mata, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan nya ito at si sarah ang tumatawag. Nag dadalawang isip sya kung sasagutin nya ba ito o hahayaan nya lang pero sa huli ay sinagot nya ang tawag

Sarah: Hi birthday girl, i miss you so much.. did you enjoy your day?  Wag ka masad ha ayokong malungkot ka.. *garalgal ang boses* nakita ko sa facebook mga pictures nyo ng mga kaibigan mo ang ganda ganda mo sobra... Lagi ka naman maganda baby, di ako mag tataka kung may manliligaw sayo.. *humikbi* Gustong gusto na kita kausapin, gusto ko na mag explain sayo kaso pano? Ayaw mo kong kausapin, ni ayaw mo nga akong makita eh. Miss na miss na kita tanchellie anne, gusto ko na maramdaman yung mga halik mo, kung pano mo ko lambingan, i-cheer up pag malungkot ako. Miss ko na lahat, miss ko na lahat sayo. Tangina balik ka na please. *Pagmamakaawa nya habang humahagulgol*

Tinakpan ni tanch ang bibig nya upang hindi lumabas ang mga hikbing gustong kumawala. Halos nag uunahan ang mga luha ni tanch tanging unan lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang mga iyak nya habang pinapakinggan nya si sarah.

Sarah: I love you so much baby please makipag-usap ka naman sakin, gusto ko na mag explain i wanna make things right, gusto ko sayo lang. Sobrang mahal na mahal kita *hagulgol* ..... I'm sorry natutulog ka na ata, sorry sa istorbo..  tumawag lang ako kase gusto ko ako yung huling babati sayo ng happy birthday.. So..  Happy 18th birthday my tanchellie anne, i love you so much and i miss you.. sorry tumawag na naman ako, uuwi na ko ha... Goodnight baby. 

End Call

Pagkababa ng tawag ay doon na inilabas ni tanch ang mga hagulgol na kanina nya pa pinipigilan, napayakap nalang sya sa unan na ginamit ni sarah noong natulog ito sakanila, kahit matagal na yun ay nandun pa din ang perfume ni sarah sa unan. Miss na miss na rin nya si sarah pero galit sya dito. Nag aalala na naman sya dahil mukang lasing ito, hindi nya alam kung saan ito nag pupunta. Umiyak sya ng umiyak basta ang alam nya malungkot sya. Hanggang sa di nya namalayan ay nakatulog na sya.

Sarah' Pov

Nandito ako sa lugar kung saan ako sinagot ni tanch, dito ako lagi pumupunta umuupo ako sa eksaktong pwesto kung saan nya ako sinagot. Kulang nalang lagyan ko ito ng name ko para walang umupo o umangkin. Miss na miss ko na sya, sobrang mahal ko na talaga sya. Araw araw sinisisi ko yung sarili ko bakit ko tinanggap yung dare. Si Christian nag so-sorry sya sakin, wala naman ng magagawa eh tapos na nangyari na, tama nga sila. Nasa huli ang pag sisisi, umalis ako kanina at dito nag punta inaabot ako ng ilang oras dito umiinom nag papahangin, tas isisigaw ang mga problema. Nakita ko kanina sa facebook yung pictures nila ni joross alam ko na matagal nang may crush si joross kay tanch sobrang nakakaselos, dapat ako yun eh. Dapat ako yung kasama ni tanch sa picture, dapat ako yung magsasayaw sakanya. Ansakit lang kase dahil sa punyetang dare nagkasira sira lahat.

Tinungga ko ang laman sa last na bote na hawak ko, at sabay tapon nito

TANGINA MO SELF!! GAGO KA! NGAYON IIYAK KASE KASE NASAKTAN MO YUNG TAONG MAHAL MO! GAGO KA TALAGA!

Pagkatapos kong isigaw iyon ay napahagulgol nalang ako, kahit sinigaw ko yun mabigat pa din ang pakiramdam ko. Si tanch lang ang nakapag pabago sakin eh, hindi ko na alam. Hindi ko na alam iisipin ko basta alam ko nasasaktan ako, tinatamad na ko sa lahat gusto ko nalang makita is si tanch, napapaisip ako kung mahal pa ba nya ko or sinasagot nalang nya yung tawag dahil gusto nya mag explain ako. Pero di ko kaya na tumawag sakanya ng hindi ako nakainom, pag naka inom naman ako ayoko mag explain dahil hindi nya ko paniniwalaan iisipin nya lasing ako. Ewan ko, bahala na. Basta mahal ko sya yun ang alam ko...

End Pov

Tumayo na si sarah at nag ayos para makauwi na sya, kahit nahihilo ay pilit nyang pinaandar ang kanyang motor mabilis ang kanyang pag papatakbo dahil 12:30am na ng mga oras na yun wala ng masyadong mga sasakyan sa sobrang kalasingan nya ay hindi na nya namalayan na nasa 60kph na ang takbo nya ng biglang may bumusina ng napakalakas halos mataranta sya ng marinig iyon kaya naman tumabi muna sya sa tabing kalsada at ikinalma ang sarili, ilang minuto din syang nakaparada doon at nag decide na umuwi na ng tuluyan.

Nang makauwi ay dahan dahan syang pumasok sa bahay at maingat na umakyat sa kwarto nya, nag palit lang sya ng damit at humiga na sa kama dahil antok na antok na sya. Dala ng kalasingan ay nakatulog sya agad.






























AN: HI GUYS!! SORRY FOR THE LONG WAIT SOBRANG BUSY ANDAMING SCHOOL WORKS, BUT ANYWAY HERE IT IS ENJOY!!! 💗





Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now