Chapter 8

1.5K 69 21
                                    

Halos araw araw ay sabay na nag b-break time ang magbabarkada masaya naman sila Sarah dahil naka-close nila ang barkada ni Tanch kahit na graduating na ang mga ito. Mas lalo silang naging maingay dahil sa bangayan lagi ni Abby at Faye.

Trixie: Magkakatuluyan tong dalawang to!

Tanch: Kala mo aso't pusa kung mag away eh! Diba nga The more you hate the more you love.. *pang aasar nya*

Abby: Kadiri ka Tanch! Parang gago! *Rolled eyes*

Tanch: *tumawa ng malakas* Gago ka totoo naman!

Faye: Hindi ako mahuhulog sayo no!

Abby: Mas lalo naman ako tanga!

Sarah: Sige ha pag may nahulog sainyo ibig sabihin totoo ang sinabi ni Tanch!

Jason: Magkakainlaban yan tignan mo!

Christian: Baka next month sila na!

Jane: Baka nga di lang next month eh, baka sa next week sila na!

Tawa lang sila ng tawa habang nasa court dahil sabay ang H.G nila. (Home Groom)

(AN: Pag H.G po sa oras na yun walang papasok na teacher dapat maglilinis ng room kaso yung ibang students tumatakas sa pag lilinis 🤣)

Kararating lang nila Chezka at Claire galing sa canteen may hawak silang mga chichirya at syempre ang mga walang hiya nilang kaibigan ay nanghingi na agad ng pagkain naki-inom pa ng tubig.

Claire: Gago na nga, walang hiya pa kala mo may mga pinatago na pera eh!

Sarah: Ganun talaga mahal nyo naman kami

Chezka: Ayun na nga eh nyemas kayo!

Tumawa na naman silang lahat dahil nainis na naman nila ang mag jowa. Girlfriend ni Chezka si Claire pero muka lang silang magkaibigan dahil ayaw nila ng masyadong cheesy ang corny daw kase.

Pasimple naman kinuha ni Tanch ang tubig ni Claire at ininom ito, si Sarah naman ay palihim na nanghingi pagkatapos ay walang hiyang inalok ang iba pa nilang kaibigan. Kaya naman pag tingin ni Claire ay nakay Abby na ang tubig nya. Habang umiinom si Abby ay hinampas nya ang kamay nito, kaya ang ending ay natapon ang tubig na iniinom ni Abby.

Claire: Yawa ka!!!  Inubos mo na tubig ko!! *Sigaw nya kay Abby*

Si Abby naman ay nagtaka dahil sabi nila Sarah ay kanila daw yun

Abby: Hoy Claire kay Sarah to! Gago ka nabasa P.E. shirt ko!!

Claire: Anong kay Sarah! Akin yan dala ko yan kanina!

Abby: *tinakpan ang bote at binato kay Sarah na tawang tawa* gago ka sabi mo sayo to! Anlakas mo pang alukin kami ng tubig kaya pala ang bait mong hayup ka!!

Grabe ang tawanan nila dahil nag babangayan naman ngayon si Sarah at Abby ng biglang tumahimik ang lahat..

Jane: Gagraduate na kami ngayong year..  hindi na namin kayo makakasama *malungkot netong sabi*

Tila nalungkot naman ang lahat at hindi mapigilang mag overthink

Trixie: Alam nyo mas sumaya kami ng maging kaclose namin kayo, dati naiinis kami lalo na kay Sarah dahil napaka playgirl pero mababait pala kayo.. parang ayoko pa tuloy gumraduate..

Sarah: Mabait naman talaga ako no mas mabait ako kay Tanch.. atsaka kami ang mas sumaya kase dumami kami...

Inilagay ni Sarah ang ulo nya sa balikat ni Tanch at yumakap, nabigla man si Tanch ay yumakap nalang din ito kay Sarah

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now