Chapter 6

1.4K 72 11
                                    

2 weeks later

Ramdam na sa lahat ng studyante ang pagiging excited sa intrams at syempre akala mo mga naka-kawala sa hawla ang lahat dahil walang school activities ngayon malaya silang gawin ang mga gusto nila. Pero kahit ganun ay may limitations pa rin dahil manonood ang lahat ng teachers.

Bongga ang ginawa ng principal at school head nila, may stage at may mga disco lights. May mini backstage naman sa likod at nandun si Tanch kasama ang mga kaibigan nya tinutulungan nila si Tanch mula sa pag suot ng costume nito hanggang sa make up, bagay kay Tanch ang costume nya lalo itong naging mataray tignan. Ibang klase ang ganda nito lalo na pag naka make up sya. Halatang kinakabahan naman si Tanch kaya naman pinakalma sya nila Abby.

Ang mga boy scout facilitators ay nag punta na sa lahat ng classroom para sabihin na pwede nang bumaba at pumunta sa court nag tilian ang ibang mga studyante ang iba naman ay nag pulbo at liptint para mapansin ni bHie ang iba naman ay wala ng pakialam basta makalabas lang sila sa classroom nila. Lahat ng classroom ay nakalock dahil mahirap ng manakawan. Napuno ang bench ng court ang iba naman ay tili na ng tili kahit wala pa ang mga basketball players. Nag simula na ang event, ang MC ay nag sasalita na na mas lalong nag pahype sa mga studyante. Unang kaganapan palang sa event na iyon ay ang pag rampa ng iba't ibang model ng magkakaibang grade level. Iba ang model ng grade level nila Sarah. Mas lalong lumalakas ang tilian ng Grade 11 na ang rarampa, sila Abby naman ay tumabi kela Sarah, lahat ng kaibigan ni Tanch ay nakipag close kay Sarah at ganun rin naman ang mga kaibigan ni Sarah kaya kung titignan muka silang isang grupo na puro kalokohan ang alam.

MC: Grade 11 from Herzberg! Nicole Del Rosario!

Pagkalabas palang ng model ay agad ng nagsitilian sila Sarah, nadala naman sa tili ang mga kaibigan ni Tanch dahil nagandahan din sila dito. Ang sports attire nya ay pang volleyball, nakaponytail ang buhok at matangkad din. Malalim ang dimple sa kanang pisnge. Kaya naman karamihan sa mga lalaki ay nag sigawan, may iba pa na sumipol

Christian: Baby ko yan!!! *Sigaw nya*

Nakatanggap naman sya ng konyat mula kay Faye. Kaya naman saglit na nagtawanan sila. Pagkatapos rumampa ay hype pa din ang mga studyante, may mga sumisigaw na ng Section nila Tanch kaya naman si sarah ay naka abang sa paglabas ni tanch.

MC: Okay! And for our last model to ramp on stage! Let's all welcome from 12 - Hernandez! Tanchellie Lobete!!

Halos hindi na magkarinigan ang mga teachers sa sigaw at tili ng mga studyante sila Sarah at mga kaibigan nya pati ni Tanch ay napatayo at nag tatatalon ng lumabas si Tanch

Tanch's Sports Attire

Halos mapanganga si Sarah dahil sa suot ni Tanch ang sexy nya at very confident to wear such outfit like that habang rumarampa si Tanch ay nahype lalo ang mga boys

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Halos mapanganga si Sarah dahil sa suot ni Tanch ang sexy nya at very confident to wear such outfit like that habang rumarampa si Tanch ay nahype lalo ang mga boys. Lalo na ang mga kagrade level nila. Habang nag lalakad si Tanch ay tumingin sya sa gawi nila Abby at nakita si Sarah na nakanganga kaya naman kinindatan nya si Sarah habang naka fierce pa rin ang mukha neto, nag kagulo naman ang mga kaibigan ni Sarah at Tanch at ang mga nasa likod nila

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now