Maraming bagay ang mababago sa paglipas ng panahon, at kasabay ng mga pagbabago na iyon ay ang mga hindi mo inaasahang pang yayari na babago sa buhay mo.
At kahit anong gawin mo, wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang mga pagbabago na iyon sa buhay mo, kahit kapalit pa nito ay ang kasiyahan ng puso mo."College na tayo bukas Saito, kinakabahan na ako!" Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla akong lalong kabahan sa sinabi ko. "O, college lang e. Kayang kaya natin iyan!" Napaka yabang talaga ng isang ito porke matalino siya ay matalino na din ako. "Nakakaasar ka, bakit hindi mo nalang kaya ako incomfort diba?" Naiinis na sabi ko at inerapan siya napangiti lang sya at ginulo at kasusuklay ko lamang na buhok. "E, ano ba. Kasusuklay lang niyan e!" Inis na bwelta ko pa.
"Ang arte naman nito, dati nga gusto mo ng ginaganyan ka e!" Inerapan ko lang sya at niyakap naman niya ako.
He is my childhood best friend. Mas madalas pa kaming magkasama kesa sa mga kapatid ko. Ang dalawa kong kapatid ay nasa ibang bansa duon na sila nag aaral para sa pamamahala ng kumpanya namin. At ako ito, inaantay ang pag edad para ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto.
He is Reeve Saito Sandoval, crush ko yan matagal umamin na kami sa isa't isa, pero alam namin na hindi pwede dahil masasaktan lang kami. Pareho kaming College bukas kinuha nya ay Engineering at fine arts ako.
My name is Avery Aeshelle Choi, i am pure blooded chinese pero walang alam sa chinese character dahil hindi naman daw kami titira don at kami nalang ang natitirang pamilya ng Choi, Kaya no use ang pag aaral ko ng chinese.
My mom is Shichine Choi, My dad is Alchur Choi and i have a two brother na ngayon ay nasa america. Sina kuya Danrel Mavric Choi At Denril Mavin Choi."Minsan ang taray mo, minsan ang lambing mo!" Sambit ni Saito at nilingon ko siya. "Minsan napapaisip ako, What if i am not a Chinese at hindi ko kailangang matali sa iba. Would you say your love to me?" I asked him Ngumiti siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "I would scream to the whole world how much i wanted to be with you for the rest of our lives." Sambit nya at hinalikan ako sa pisngi. Namula agad ang pisngi ko kaya napatakip ako ng mukha. "E bakit nagpapakilig? Required yon? Required?" Tanong ko at itinulak siya ng bahagya. "Ang gulo, sinagot ko lang naman yung tanong mo e!" Hinapit nya ako papalapit sa kanya. Bigla namang tumunog ang tiyan nya kaya napatawa kami. "Hindi ka nag almusal sa inyo ano?" I asked him. Natatawang tumango naman siya. "I already asked you earlier a, kung kumain kana. You said yes!" Sabi ko at pinalo ang tiyan niya. "Hindi nga po kase ako sanay na kumain sa umaga!"
"Dapat kasi sinasanay mo para hindi ka nagugutom ng alanganin na oras. Masama sa health yan diba? I already told you that e!"
"Opo, sorry na po hindi na po talaga mauulit,wala lang talagang almusal sa bahay." Sabi niya at niyakap ulit ako tumayo ako at hinila siya. "Tara nga sa bahay mag meryenda ka!"
"Ala ayoko, nakakahiya yon avery."
"Uunahin mo yang hiya mo kesa sa tiyan mo? Mag isip ka nga. Saka ngayon ka pa nahiya?"
Dirediretso ko siyang hinila sa kusina. "Manang may bacon pa po ba? Tinapay? Kanin? Kahit anong makakain po?" Dire diretsong tanong ko.
"Meron pa po, ihahanda ko po ba?"
"Yes manang! Ipaghanda nyo nga po ang kolokoy na ito!"
"Ala, bakit ako lang? Hindi ako kakain nyan, dapat pati ikaw!" Nag iinarte pa talaga itong isang ito. "O sige manang para sa dalawang tao po!" Inerapan ko sya at tinawanan naman niya ako.
"Grabe, busog na busog ako don. Hindi ko na yata kaya ang mananghalian pa."
"Anong hindi? Mananghalian ka din, sa inyo tayo kakain. Babantayan kita!" Sabi ko at umupo sa tabi niya
Alas nuebe ng umaga. Masyadong mainit kaya, niyaya ko siya sa kwarto para ayusan. Pagtitripan ko ulet ang mukha nya.
"Sigurado kang kang maganda yan ah, hindi ako magkaka pimple diyan?" Panigurado sa ilalagay kong cream.
"Oo nga, ginagamit ko kaya ito!"
"Ay wag na nga, wala akong tiwala sa mukhang iyan. Napaglipasan ng panahon!" Sambit nya at tatawa tawa na nakaturo sa mukha ko. Sinimangutan ko naman sya at sinipa sa paa. "Aray, mapanakit ka ah!"
"Masasaktan ka talaga sinasabi ko sayo!"
"Oo nga sorry na. Oh sige ilagay mo na dali!"
"Sandali ang excited naman e!"
"Ano ba kase bakla? Gandahan mo ang ayos dyan a, darating ang boylet ko!" Napatawa naman ako ng biglang magbakla baklaan siya. "O, bakit tumatawa ka bakla? Bilisan mo na at chuchurva pa ako later!"
"Ano ba, nakakatawa ka naman ihh!"
"E bakit ba? Ang ganda ko kaya, mala dyosa ang ganda. Oh! Pak!" Sigaw pa nya sabay pose. Leche na ito nakakainis lakas ng amats e.
Tinapos ko agad ang pag aayos sa kanya kahit panay ang pagpapatawa niya."Ay bongga, kamukha ko si darna oh, pak na pak ang beauty!" Sigaw nya pa at ngunguso nguso sa harapan ko.
"Ay bongga natalbogan ka ng ganda ko sis oh, pak!""Ganda yarn? Naol nalang."
Nagpopopose pa sya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Lumuwa don ang imahe ng aking ina. Napako ang tingin niya kay saito. Lagot kami neto. Mapapatay nanaman kami."Avery? What's the meaning of this?"
"Mom, we're just having fun!"
"Having fun inside your room ng kayong dalawa lang? You know what does it mean?"
"Wala naman po kaming masamang ginagawa!"
"For now wala, but you are still a man Saito, you should know your limits!"
"We already know our limits mom, and we are just having fun!"
"Thats! Thats the reason why i dont want you to involve to this guy avery, sinasagot mo ako! Wala kang galang!"
"Because your wrong mom, we are not a kid anymore, we already know our limits!"
"But you and saito are not old enough, well sorry to say this, your grounded for two weeks!"
"But mom!"
"No buts avery, you saito, go home!"Nilingon ko si saito at malungkot na nginitian. Ginulo nya muna ang buhok ko bago humarap sa nanay ko. "Mauna na po ako, pasensiya na!"
"I have something to tell you, avery!"
"What is that mom?" Napapagod na tanong ko.
"Anshein's staying here until maka graduate kayo pareho!"
Mas lalo akong nalanta sa sinabi ng nanay ko.
Anshein Wozhen Liu, my incoming husband. Bata pa lamang kami ay nakatakda na kami sa isa't isa. At habang tumatagal ay lalo nalalapit ang araw na ayokong mangyari.
May mahal akong iba, pero hindi pwedeng isipin ang sarili ko dahil chinese ako. Kailangan kong sumunod sa tradisyon, kung saan kailangan mong ipagkasundo bata pa lang para sa magandang kinabukasan mo.
Mas gusto ko siya, pero bata pa lamang kami ay marami ng hadlang.
BINABASA MO ANG
The Story We Made Together
Teen FictionMahal mo siya Nakatakda ka nang ikasal sa iba. Whom will you choose?