Chapter 1

140 2 0
                                    

"Ako nga daw ang prinsesa mo, tapos nabihag ako ng masamang tao. Tapos kakalabanin mo sila para iligtas ako!" Paliwanag ng isang batang babae sa kalaro niyang batang lalaki.
"Sige, gagawin ko ang lahat para mailigtas ka, aking prinsesa." Sigaw ng batang lalaki at may hawak na laruang espada. Nagsimula itong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng batang babae, upang mailigtas ito.

"Prinsipe, tulungan mo ako." Sigaw ng batang babae.
Ginawa nang batang lalaki ang lahat upang mailigtas ang prinsesa niya. Hanggang sa magtagumpay siya at maigligtas ang munting prinsesa.

"Iniligtas mo ako." Wika ng batang babae at niyakap ang prinsipe niya. "Maraming Salamat sa'yo, kung wala ka ay marahil nasaktan na ako ng dragon na iyon." Paliwanag ng batang babae, niyakap siya ng prinsipe pabalik. "Huwag ka ng matakot, nandito na ako para protektahan ka."

"Yey, ang galing natin. Bukas ay bahay bahay-an naman tayo." Sabi ng batang babae sa kaniyang kalaro at hinubad na ang kapang sout suot niya.

"Akala ko lutu-lutoan? Ang gulo mo naman Avery!" Sambit ng batang lalaki kinuha ang kapa na sout ng batang babae kanina.

Sabay silang pumasok sa loob ng mansyon ng batang babae upang kumain ng meryenda na inihanda ng kasambahay.

"Ang laki talaga ng bahay nyo Avery, alam mo pag malaki na tayo gusto ko may ganito din ako kalaking bahay tapos mag asawa na tayo!"

"Gusto ko din yon Saito, pero sabi ng mommy ko. Bata palang ako ay may nakatakda na para sakin!" Malungkot ngunit nagawa pading ngumiti ng batang babae.

"Ang daya naman non, bata pa kaya tayo!"

Pagkatapos ng meryenda ay naglaro ulit sila sa bakuran ng mansyon hanggang sa may isang batang lalaki pa ang dumating.

"Avery, avery where are you?" Sigaw mula sa garahe.

"Nandyan na pala ang mapapangasawa mo, O sige aalis na ako!" Malungkot na sabi ng batang lalaki.

"Ano ba iyan, ikaw nga ang gusto kong kalaro e!" Nakangusong ambit ni avery at niyakap sa likod ang batang si Saito.

"Ang sakit nyo naman sa mata, ang babata nyo pa pero gumaganyan na kayo!" Sambit naman ng bagong dating na batang lalaki.

"Ikaw kasi e, bakit ba nandito ka? Nagtampo tuloy si Saito."

"Oh hindi ko namam kasalanan na gusto ng parents ko na dito ako maghapunan."

"E, kasi naman e, may bahay naman kayo may katulong din bakit hindi ka sa inyo kumain?"

"My parents told me to eat here." Sambit ng batang lalaki.

"Oo na nga, maglaro na nga lang tayo, saito. Sasali kaba Anshein?"

"Ayoko, pambata ang mga nilalarp ninyo!"

"Edi wag bakit nang aasar kapa?"

"Hindi ako nang aasar sinasabi ko lang! Tumabi ka nga diyan!"

"Wag mo nga siyang itulak!" Pasigaw na sabi ni Saito.

"Hayaan mo na iyan, maglaro nalang tayo, Saito. Hindi natin isasali yan."

The Story We Made TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon