Isang papel ang nagpapatunay
Na ang sa ating dalawa ay iba ang pakay
Pagsasama natin ay agad ding hihimlay
Sa tayog ng nais ako'y nagpaakayBuhay kong puno ng sakit at hirap
Isang kasunduan ang saki'y iyong iniharap
Kahit na ba tingin ko dito'y kay saklap
Dahil pulos sakit at tila walang sarapTila mas dusa pa ang aking pinili
Sa mga desisyong ni hindi nilimi
Ang mga kasunduang wala man lang kimi
Nagpatangay agad ako at 'di inisip ang mangyayariNagsimula lahat ng lapitan mo ako
May ngiti sa labi mong sa aki'y nagpatuliro
Nangarap agad ako ng ibang mundo
Magkasama tayo at sa saya ay punoInilahad mo ang iyong kailangan
Kasama ang pursigido at matalik mong kaibigan
Na kailangan mo ako upang pamanahan
Upang mapunta sa'yo ang sanglaksang kayamananDahil sa gipit at kailangan ng pera
Sa mga salita mo ako'y nagpadala
Isang taon ang nakasaad sa kontrata
Na tulungan at pakasalan kaHindi ko tukoy kung bakit ako ang napili
Samantalang marami naman sa'yo ang kumakandili
Lasing ka lang ba o sadyang may sapi
Bakit ako na anak ng iyong tagasilbi?Bata pa lamang ay kilala ka na
Tinatanaw sa malayo nitong mga mata
Nasaksihan ang papalit-palit mo ng dalaga
Tuloy sa pagmamatyag kahit nasasaktan naIsang pangyayari ang sa aki'y nagpabaon
Talagang kay lupit sa akin ng panahon
Ang mapagaling ang ama ang naging aking misyon
Kahit harangan man ako ng sibat o ng kanyonNabalitaan mo pala ang aking pangangailangan
Kaya ako ang napili mong lapitan
Ang sabi mo'y maari tayong magtulungan
Upang ang mga nais ay ating makamtamAgad na pumayag at sayo'y nagpakasal
Kahit na ba ang totoo ay isa itong sakal
Baka tunay na saloobin ko'y iyong makalkal
Kahit balutin ko pa ng makapal na trapalMabatid mo ang nilalaman ng puso'y nakakahiya
Aba! Sino ba naman ako para mahalin ka
Ang makasama ka sa isang taon ay sadyang dusa
Abot kamay na kita ngunit nadadaanan lamang ng iyong mga mataNakakapagtaka lamang ang iyong ikinikilos
Bakit pakiramdam ko ika'y nagseselos?
Nakita mo ang kapatid mong ako'y hinaplos
Nagalit ka agad at nagpadalos-dalosWalang salitang siya'y iyong sinuntok
Nag-aapoy na mata mo'y sa kanya nakatutok
Hinatak mo ako patungo sa isang sulok
At nagulat sa paghalik mong tila may paputokHindi nakakilos at nakahuma
Ang nangyari ay isang panaginip lang ba?
Ayaw kong magtanong o magsalita
Baka iniisip ko ay isa lamang maling akalaMga nais itanong ay talagang naipon
Dahil ang nangyari tila mo lang itinapon
Ilang araw na lang at tapos na ang isang taon
Mula sa imahinasyon ko'y ako ay umahonSadyang isang kontrata lamang ang satin ay nagbibigkis
Ang pagtrato mo sa aking estranghero ay aking tiniis
Umasa akong ang pait ay magiging tamis
At maging totoo ang ating pagbibigkisHanda na akong lumisan bago pa dumating ang mismong araw
Baka sa katangahan ako'y maging matakaw
Hindi ko na hihintayin ang mismong araw
Na matatapos ang panaginip kong tila babagsakan ng bulalakaw.●●●◎●●●
© March 2015
J.Bree